xxix

130 35 1
                                    

-James' POV-

"Fight me."

"Ano??" tanong ko.

Baliw talaga 'tong babaeng 'to.

'Pag siya nabalian ko, hindi ko talaga kasalanan.

"Kalabanin mo ako." sabi niya at nagposition na.

"Okay... but I'll go easy on y—"

"ARAY!!!" daing ko.

Suntukin ba naman ako sa ilong!

"That's why you shouldn't go easy on me. I told you James He, I'm stronger than you think." sabi niya.

"ARAY!!!" sigaw ko ulit nang sinipa naman niya ako sa binti kaya natumba ako sa lapag.

Bumangon ako, kundi lang talaga babae 'to—

"AARRGGGHHH!!!"

This time, tumilapon lang naman ako sa kabilang side ng kwarto sa sipa niya sa tiyan ko.

"Uy, James! Okay ka lang?" Lapit ni Steve at tinulungan ako tumayo.

"Nakakabit pa ba yung ilong ko?" tanong ko. Tumawa naman siya.

"Oo pre, nandiyan pa naman pero baka mamaya wala na. Ingat! Fight!" sabi niya at tinap ako sa balikat at—woah! Nandoon na agad siya sa tabi nila Rae at Kyle.

Naglakad naman na ako pabalik sa kanila.

"Game-face on!" sigaw ni Steve.

"Wooh! Kaya ko 'to!" sabi ko at nagtalun-talon.

Kaya ko bang suntukin 'to si Ree?

"Ako na nga!" biglang sigaw ni Rae kaya napalingon kami sa kaniya..

"Nabasa mo utak ko?" tanong ko

"Obviously." sarcastic na sagot niya habang kinukuha ang gloves kay Ree at siya naman ang nagsuot.

"Game!" sigaw niya at—

"Rae, easy lang muna! Baka lumabas kinain niyan sa sunud-sunod na suntok mo sa tiyan niya!" sigaw ni Ree.

OO!!! GINAWA AKONG PUNCHING BAG NG HAYOP NA RAE NA 'TO!

"Oy, Liazoras ako. Hindi hayop." sabi niya.

Lutong Macao na laban 'to, nababasa niya isip ko eh!

¤¤¤

"Ayan! Good! Natututo ka na rin bumasa ng moves." sabi ni Rae.

Pangatlong araw na namin 'tong training. May pasok na ulit bukas kaya babalik na ulit ako sa bahay. I wonder how I should get along with my Mom. Knowing her, she really knows me. She can read me like a book but I guess I'll give it a shot. I have no choice after all.

"Ayan! That's all for today!" sabi ni Rae.

"Meron nalang tayong one day session left, bukas 'yun. Araw-araw ka pa ring magti-training." sabi ni Rae.

"Pero may pasok na." sabi ko.

"Pupunta pa rin tayo rito after class." sagot niya.

"Mamaya pa nga lang ako magpapa-enroll eh." sabi ko.

Oo, mamaya palang ako magpapa-enroll. Alam niyo naman, VIP 'to eh *killer smile*

"Anong nginingisi-ngisi mo riyan? Na-enroll ka na. Speaking of school, na kay Ate schedule mo. Pati sa akin, actually. Lahat ng sched natin nasa kaniya since siya nagpa-enroll." sabi niya.

"Paano 'yun?? Hindi tayo kasama."

"You know what magic can do to Sovors." sagot niya na may pataas-taas pa ng kilay.

"Oh, well." sabi ko.

"Ang alam ko lahat tayo free na by 11AM, may ibang days daw na hanggang 12NN at may iba rin na hanggang 2. Pero for sure lagi tayong pareho ng dismissal everyday." sabi pa niya.

"Paano kapag may training? Sa basketball? Bawal magcut dun." sabi ko.

"Ate knows what to do. For sure, gagawin niya rin sa inyo ni Steve yung ginagawa niya sa akin." sabi niya.

¤¤¤

Don't You DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon