lii

58 20 4
                                    

Nagsimula nang tumugtog ang musika para sa sayaw. Nasa gitna ng sayawan sina James at Arie.

Nakahawak si James sa bewang ng dalaga at nakapatong naman ang mga braso ni Arie sa leeg ng binata.

"James..."

"Ano 'yun? Ito na ba yung sinasabi mong tamang panahon para sabihin 'yun?" nakangiting tanong ng binata.

"Mamaya pa yun..."

Napakunot ng noo si James.

"Edi anong sasabihin mo?"

Inilapit pa ng dalaga ang katawan niya sa binata para mayakap niya ito tama lang para mapatong niya ang ulo niya sa balikat ni James.

"James..  kapag iniwan ka, hindi ibig sabihin nun hindi ka na mahal. Lahat ng kataksilan ay may natatagong dahilan."

"Nakit mo 'to sinasabi?" kunot-noong tanong ni James sa dalaga.

Hinawak-hawakan ni Arie ang buhok ni James.

"Wala lang..."

Sandali pa silang nagsayaw at huminto na rin ang musika para sa kainan.

Hinila ni Arie palabas si James at umupo sila sa isang bench.

Nakita naman nila sina Kyle at Ree na nagsasayaw sa may garden.

At hindi na 'yon big deal kay James dahil para na rin sa kaniya, katulad ng sinasabi ng iba, "match made in heaven" 'tong dalawa.

"Arie—"

"Alam ko, James." putol ni Arie sa sasabihin ng pinata.

"A-Alam mong gusto kita?"

"Mahal mo 'ko, James. Tayo ang nakatakda sa isa't isa."

"Paano mo nalaman?" naguguluhang tanong ni James.

"Ninakaw ko yung book of soulmates ni Cupid at tinignan kung sino ang nakatakda para sa akin."

"Hindi nga?" hindi naniniwalang tanong ni James. Natawa naman si Arie.

"Joke lang! 'To naman!" natatawang sabi ni Arie.

'Baliw talaga 'tong babaeng 'to eh, pasalamat siya mahal ko siya.' nasa isip isip ni James.

"So, tayo na?"

"Hindi ah!" Hampas sa kaniya ng dalaga.

"Edi ano?" tatawa-tawang sabi ni James.

"Magkaibigan."

'Grabe naman mang friendzone 'to' isip-isip ni James.

"Eh, kailan magiging tayo?"

"Lapag okay na lahat."

"Okay naman lahat, ah?"

"May darating pang labanan, James."

"Pagkatapos nun, okay na?"

"Pagkatapos nun, okay na." Ngiti ng dalaga pero hindi nagtagal ay nawala rin ito kaya nag-alala si James.

"Ayos ka lang ba?"

"James, ako yung nakarinig ng kung sino yung natitirang taga Realia, ako si Azaria Eiffel Satuxius Yvenus, kapatid ni Azariel Damien Satuxius Yvenus. Ang tagapamahala ng D'yavol." biglang paliwanag ni Arie na nakapagpagulo sa utak ni James.

"James, hindi kita ginamit. Tandaan mo 'yan, mahal kita." At inilapat ng dalaga ang mga labi sa labi ng binata atsaka dahan-dahang naglaho.

"Arie! Hindi ko maintindihan..."

"James!" Napalingon si James sa kaibigang tumawag.

"Lumabas na si Azariel at sinira ang Velite." sabi ni Ree.

"Kasama si Arie... siya si Azaria, kapatid ni Azariel." sabi ni Steve.

¤¤¤

Don't You DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon