2

299 8 4
                                    

[MIKA]

Nasa harapan ko na ang test paper, alam ko at alam ni mama na maipapasa ko to...

Pero paano naman yung pangarap ko?

Paano naman yung gusto ko?

"You have 40 minutes to answer the test, you may begin now."

Napayuko ako, eto na to...

Once na dumampi ang ballpen ko sa papel na ito ay tiyak na kusang kikilos ang utak ko at masasagot ang bawat tanong...

"Miss? is there something wrong?"

"P-po? ah... nothing I was just thinking..."

Umalis ang nagpapatest samin at nakahinga ako ng maluwag..

Napatingin ako sa labas ng bintana...

"Wala na talaga Mika... wala na"

Iyon nalang ang nasabi ko habang sinasagutan ang papel..

All those years I yearned for having an exhibit of my own...

Or maging kilala sa arts industry..

Wala na, wala na lahat yon...

As I finish the paper, I also sealed my fate...

Paglabas ko ng examination hall ay napadaan ako sa isang corridor na napapaligiran ng paintings at iba't ibang arts...

May isang painting doon na nakakuha ng atensyon ko...

Isa iyong babaeng nakatalikod sa forest.. siguro hinahanap niya ang palabas sa forest na iyon... kagaya ko nawawal din siguro siya...

It was hauntingly beautiful...

Hindi ko maiwasan ang mamangha sa nakita ko, hinawakan ko ang canvass, malinaw na isa iyong oil painting at may matinding emosyon na nakabalot sa pintor nito...



"You like her?"



Napalingon ako sa nagsalita, isa iyong lalaki... judging by his shirt isa lang din siya sa mga nagtake ng entrance pareho kaming nakacivillian...


"Her? may alam ka tungkol sa painting na ito?"

Ngumiti siya dahilan para makita ang dalawang dimples niya sa magkabilang pisngi...


"Ate ko ang nagpinta niyan... nakakalungkot lang kasi hindi nasunod ang gusto niya, you see isang aspiring artist ang ate ko, she was forced to take nursing instead... pero dahil sa araw araw na stress at depression, hindi nakayanan ni ate... 3 years niyang itinago ang painting na ito... alam mo ba? ako nakakita nito at ang sulat na kasama nito..."

Pakiramdam ko ay maiiyak ako sa kwento niya, halos parehas kami ng istorya...

"At alam mo kung anong nakasulat?, sinabi ni ate na ang kahulugan ng painting na ito ay siya mismo, isang babaeng naliligaw sa gitna ng kagubatan na hindi naman niya kabisado... nandun din sa sulat na kapag nakita ang painting na ito ay ibigay ito dito sa university"

"Asan na ang ate mo ngayon? nakatapos ba siya? o sinunod niya ang pangarap niya?"


Tumingin siya sakin, nawala ang ngiti sa labi niya...

Napalitan iyon ng pagkalungkot...


"Wala na siya, wala na si ate..."


Umiyak siya, napasulyap ako sa painting, tama ang hinala ko may mabigat na emosyon ang pintor habang ginagawa niya ito...


Naupo naman sa bench ang lalaki at umiyak...


Kinuha ko ang panyo sa bag ko at binigay iyon sa kanya...

"Eto oh, hayaan mo, ginawa mo naman yung kagustuhan niyang ibigay dito ang painting di ba? masaya na din ang siya dahil don... sige aalis na ako, you can keep that..."

Umalis ako at dumiretso sa isang coffee shop...

Naglabas ako ng sketch pad as I sketch myself out...


Nakatapos ako ng isang sketch, still a sketch wala pang kulay kaya wala pang buhay...


Isa itong babaeng may hawak na lobo...


Ako ang lobo si mama ang babae...


Hindi ko alam kung kailan niya ako papakawalan, simula palang pero pagod na ako...


"Wala na Mika... Wala na talaga"

FADEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon