3

248 8 0
                                    

[MIKA]

Maaga palang ay nandito na kami ng venue ng graduation...

Eto na... sa susunod na mga araw ay bagong buhay na naman ang tatahakin ko..

Makaya ko kaya?... sabagay ako si Mika... kaya ko yan... siguro...

Tumingin ako sa paligid abala sa pagpapakuha ng pictures ang ibang estudyante...

Buti pa sila masaya, buti pa sila nakuha ang gusto nila...

I always think na malas ako kasi si mama ang naging magulang ko, pero minsan naiisip ko pa ding maswerte ako...

"Mika?" napalingon ako ngumiti...

Ngiting may halong lungkot...

"Jasmine, anong kinuha mong course?" napangiti siya at nagshot muna ng isang picture bago sumagot...

"Conservatory of music.. alam mo namang gustong gusto ko yon.. Tuwang tuwa nga ako eh, kasi pinayagan ako ni mommy..."

Nawala ang ngiti ko, buti pa si Jasmine nakuha ang gusto niya...

Bago pa man ako magsalita ay may nagsabing magsisimula na ang graduation march...


Huminga ako ng malalim at naglakad..


Maayos na naisagawa ang graduation... hindi ako nagcelebrate...

Ayoko ng celebration...


"Mika? anak? nagmumukmok ka na naman dyan"


Hindi ko na binuksan ang pinto at sumigaw nalang ako...

"Inaantok ako ma!.. mamaya bababa ako!"


Pero ang totoo'y nawawalan ako ng gana...


Sa buhay, sa pagkain, sa lahat lahat...

Knowing that I only have 2 months para makapaghanda sa kursong yon...

Alam ko sasabihin ng iba makakatulong iyon sakin, pero hindi nila ako naiintindihan...

Ayoko ding mag open up, alam kong walang makikinig at masasabihan lang akong madrama...

Kahit si mama ay sinasabihan akong madrama, kung buhay pa si papa siguro maiintindihan niya ako at gagawin niya lahat mapasaya lang ako..


Natauhan nalang ako sa mga pinag iiisip ko nang mamalayan kong natuluan ko na ng luha ang sketch pad ko...


Kumalat na ang charcoal sa papel giving it a dripping effect...



Nagmukha tuloy faded ang lower half ng babae sa drawing...




Pero hindi ko na iyon pingtuunan ng pansin, ako lang ang makakakita ng mga art works ko, I am afraid to show it...

Pero para sa pangarap ko...


Wala na... wala na talaga...

FADEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon