[MIKA]
First day of school, halos hilahin ko ang sarili ko mula kama papuntang school.
Wala na talagang makakapigil sa pagpasok na ito, bahala na... Siguro magugustuhan ko din itong course na to...
Tumingin ako sa schedule ko at nagpunta sa tinutukoy na room niyon...
Pagpasok ko ay madami nang estudyante at likurang bahagi nalang n classroom ang hindi occupied, dun ako nagpunta at nagsaksak ng earphone sa tenga...
I carefully scanned our classroom, nagmasid ako sa mga tao sa paligid ko...
They all look competitive, tipong first year palang pero determinado ng grumaduate...
As for me, basta kung ano meron dito gagawin ko nalang, I feel like a part of me died nung pumasok ako dito...
Dala ko pa din hanggang ngayon ang admission slip sa school na iyon...
Kahit na alam kong hindi naman ako matutuloy na don, I didn't threw it away, I just like to look at it...
"Hi, I'm Jackie, you are?"
Tinanggal ko ang isang earphone at tinignan siya...
"Pardon?"
"I said I'm Jackie, and you are?"
She said with a bubbly tone...
"I'm Mika... nice to meet you Jackie..."
Tinabihan niya ako, from there naging magkaibigan kami, kalog siya, masayahin at talagang napaka daldal, hindi siya nawawalan ng kwento at katatawanan sa katawan...
Hanggang break ay kausap ko pa din siya, at talagang naging close na kami...
"Uy Jack!!!"
Sabay kaming napalingon at isang grupo ang lumapit samin...
"Hi guys! oh Mika, mga kaklase din natin yang mga yan, sila yung nag utos sakin na lapitan ka kanina kasi napapansin naming tahimik ka..."
Napangiti naman ako, at least I have friends now...
"Hi, ako nga pala si Mika.." medyo nahihiyang sabi ko..
"Ako naman si July, eto si Jona, si Margie, si Laica, si Marj, and si Patricia... kumain na ba kayo? tara may alam akong kainan dito..."
Nagpunta kami doon at kumain, habang kumakain ay nagkukwentuhan din sila, tama ako napaka competitive nila..,
Bukambibig na agad nila ang graduation, kesyo magpapatayo daw agad ng business tong si Jona, magtatrabaho agad si Jackie, mga ganon...
"Ikaw Mika?... anong gagawin mo after we graduate??"
Natahimik ako, pati sila ay natigilan din...
"Hindi ko pa alam eh, pero siguro magtatrabaho ako..."
"Alam mo Miks, yang mga ganyang mukhaan mo, parang feeling ko wala kang alam sa course natin..." singit naman ni Patricia...
Sinaway siya ni July, pero alam kong pranka siya...
"Sa totoo lang wala talaga..."
"Ha?!" sabay sabay nilang sagot sakin...
"Eh bakit ito kinuha mo?" nagtatakang tanong ni Margie..
"Pinakuha ng mama ko eh, wala akong choice..."
Nalungkot naman ang mga mukha nila...
"Pero dahil nakilala ko kayo, I am pretty sure na matututunan ko ding magcope up sa course na ito... kumain na nga tayo ang daming drama oh"
Nagtawanan sila sa sinabi ko, at nagpatuloy kaming kumain...
Sabagay, tama naman ako, I made friends the first day I came in...
Siguro nga, makaka cope up at makakasabay din ako sa mga nandito..
"Meron pa Mika... Meron pa..."
BINABASA MO ANG
FADED
Short StoryAnd she finally gave up, dropped the fake smile she have been wearing since the first time, and as her tears ran down her cheeks she said to herself... "I can't do this anymore" IamLaLaLaiza|2016