7

196 7 0
                                    

[MIKA]

Bigayan na ng grade slip ngayon, tignan natin kung ano na naman ang bagsak ko...

"Uy miks!! nakuha mo na yung sayo?"

Ngumiti ako at yumakap kay Jona...

"La pa nga eh... baka may bagsak na naman ako..."

"Baka? eh bebe hindi ka ba nahihirapan sa ganong setup? bebe kasi alam mo naman yung pangako natin sa isa't isa, sabay sabay tayong gagraduate diba?"

"Jona, okay lang ako, kayo naman... I am perfectly fine, chill lang gagraduate din tayo.."

Tumawa ako, pati siya ay natawa na din...

"Oh pano ba yan? kunin ko muna yung akin hintayin niyo nalang ako sa sakayan"

Umoo siya at nagpaalam sakin, nagpunta ako ng department namin at kinuha ang grade slip ko...

Wow. Just. Wow

3 na naman ang singko ko, leche magiging 6 na ang bagsak ko, jusko naman sana kinick out nalang nila ako... mas masisiyahan pa ako...

Naglakad ako ng mabilis papuntang library... wala namang masyadong tao dito... baka pwedeng matulog ako...

Pagpasok ko ay nag iwan ako ng library ID at pumuwesto sa pinakadulong shelf, yung di ako matatanaw ng librarian...

Naupo ako at sumandal sa shelf...


Huminga nang malalim at binuklat ulit ang grade slip...

Hindi ako nagkakamali, bagsak nga talaga yung tatlo....

Pano ko na naman ba ieexplain to sa nanay ko na hindi maintindihan na hindi ko talaga kaya tong kursong to!...

Naiyak nalang ako sa inis...

Bakit ba ako naging ganito?

Asan na ba si Mika na matalino? yung lahat nasasagot... yung lahat naipapasa... yung Mika na valedictorian ng elementary at salutatorian ng high school... asan na ba yon?


Hindi ko kinaya ang paghikbi ko kaya naman tumakbo ako palabas ng library at nagpunta sa school garden..

Naupo ako sa isang tabi at umiyak, umiyak ng umiyak...

Napatigil ako sa paghikbi nang may tumabi sakin at nag abot ng panyo...

Nakilala ko siya....


"Ikaw?"

Siya yung lalaking nagkwento sakin ng buhay ng ate niya nung entrance exam dito...

"Mukhang ngayon ikaw naman ang may kailangan nito ah?"

Tinabig ko ang kamay niya, galit ako sa mundo, galit ako sa lahat ng tao...

"Umalis ka dito, hindi kita kilala at hindi mo ako kilala..."

Pero hindi siya nagpatinag...

"Alam kong kailangan mo ng makakausap ngayon... I'm Devon by the way... hindi ako nakapagpakilala last time nung magkita tayo..."

"Bakit ba ang kulit mo? bakit ayaw mong umalis?... kaya ko to, wala akong kailangan..."

Iniwan niya ang panyo sa upuan at umalis...


Ilang oras ang lumipas ay kumalma na din ako... kinuha ko ang panyo at may sulat sa loob non...

"Hi, salamat pala dito sa panyo, salamat sa pakikinig mo sakin ah? kahit di mo ko kilala pinakinggan mo ako... babawi ako sayo, pag may problema ka makikinig din ako... -Devon"

Kinuha ko iyon at umuwi na...

Wala na akong ganang pumasok at mabuhay...




"Wala na talaga Mika... wala na..."

FADEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon