10

204 7 1
                                    

"Good morning po tita, andyan po si Mika?"

Isang ngiti ang isinalubong ng mama ni mika kay Devon..

"Oo nasa taas tawagin ko lang..."

Umakyat sa taas ang babae, aktong uupo si Devon nang mapuno ng sigaw ng nanay ni Mika ang buong bahay.. agad siyang tumakbo pataas para tignan ang nangyari..

Hindi niya naihanda ang sarili sa nakita niya, yakap yakap na ng nanay nito ang bangkay ni Mika...

Sa gilid ng table ay matatagpuan ang isang bote ng pills at isang notebook...

"Mika!!!!...."

Napasigaw si Devon at lumapit din...

"T-Tita"

"Wala na siya Devon, wala na si Mika..."

"May notebook po dito, baka may iniwan siyang mensahe..."

Binuklat ni Devon ang notebook...

Binasa niya ang sulat...

"Para sa makakabasa,
By the time na nakita niyo ito, wala na ako sa mundo... nahihirapan na kasi ako, hirap na hirap na ako, bumabagsak ako, sinisira ko lang ang buhay ko...

Mama, kung nababasa mo ito, mahal na mahal kita to the point na hindi kita sinuway sa gusto mo, pero sana naintindihan mo din na kahit papano may gusto din ako, may pangarap din ako, sorry sa mga pagtrato ko sayo lately, sorry because I fail you, sorry kasi nawala ako agad pero sana ma, maintindihan niyo hindi ganon kadali eh, I've been pressured, stressed and depressed with everything... pasensya na mama, I didn't lived up to your expectations... sorry kasi hanggang dito lang ang nakaya ko, hindi ko na kayang mabuhay ma... sorry napagod ako agad... Sorry din mama kung madami akong bagsak, I tried my best but it's not enough...

To Devon, sorry, I've been planning to breakup with you, pero mahal kita, at ayaw din kitang dramahan, alam ko nakakapagod akong isipin, sorry Devs, sumuko ako agad... sorry hindi na natin matutupad yung pangarap natin... sorry din kasi tinago ko lahat sayo, sana maintindihan mo kaya ko tinago kasi ayokong may isipin ka, you're focused on your studies... ayokong sirain yon, ayoko ng makasira pa ng isang buhay...

Pero lagi mong tatandaan Devon, mahal kita... mahal na mahal kita... pasensya na umalis ako, nang iwan ako...

Pasensya na, hindi ko na nakayanan...

Alam ko kasing nahihirapan na din kayo...

Mama, I love you... salamat sa pagpapalaki mo sa'kin kahit wala na si papa ah?...

Magiging okay din ang lahat sa huli...

If it's not okay, it's not the end.

-Mika

PS.
Devs, I've made a painting about my life... gusto ko, isabit mo ito sa magiging resto mo balang araw, para lagi mo kong maaalala...






Umiiyak na niyakap ng mama ni Mika si Devon... isang papel naman ang nahulog mula sa notebook...

Pinulot iyon ng mama ni Mika at lalo siyang naiyak sa nabasa niya...

Iyon ang admission slip pati ang full scholarship na naipasa ni Mika sa isang university...

"B-bakit hindi siya nagsalita sakin? saan ako nagkulang Devon?"

Pinunasan ni Devon ang luha niya...

"Tita, depressed po si Mika... napapansin ko po sa kanya, na may tinatago siya, na may tampo siya sa inyo... I didn't interfere dahil ayaw niyang pinapakialaman siya... wag niyo pong sisihin ang sarili niyo tita..."

"No Devon, kasalanan ko to eh... kasalanan ko to... hindi ako nakinig sa kanya..."

Umiyak siya habang nakayakap sa bangkay ni Mika... hindi na din naiwasan ni Devon ang umiyak sa sinapit ng girlfriend niya...

"Wala na si Mika, wala na siya..."

FADEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon