[MIKA]
9 months na kami ngayon ni Devon, we're going strong at legal kami both sides...
"Miks? ano na naman yang iniisip mo?"
Napalingon ako sa kanya at ngumiti... ayokong madamay siya sa mga sarili kong issues...
"Wala naman bakit? kilala mo ako Devs, static utak ko" at tumawa nalang ako para mashake off ang mabigat nang atmosphere...
Sa totoo lang ay gusto ko nang makipaghiwalay sa kanya, ayokong maging pabigat, paawa at dramatic...
Ayokong mandamay... ayokong madamay siya sa buhay na ako mismo ang gumulo....
Na ako mismo ang nagliko ng daan...
Ayoko, ganon ko siya kamahal...
"Alam mo Miks, pag graduate ko, mag iipon ako, tapos magpapakasal na tayo.. then mag another ipon para sa bahay at negosyo... then we are settled after that... yieee makakasama na din kita ng walang limitasyon pag nangyari yon... at mabibili ko na lahat ng kailangan at kagustuhan natin..."
Napangiti nalang ako ng may halong lungkot... alam ko, alam ko sa sarili kong yun ang gusto ko... pero yung buhay ko hindi ko maayos...
Habang siya abala sa pag aayos ng future namin ako naman abala sa pag iisip ng magandang timing para sa breakup ironic diba?...
Nang makauwi ako sa bahay namin ay tulog na si mama, dumiretso ako sa kwarto ko, nag isip ako...
Ang daming bagay na gumugulo sa utak ko..,
Mga bagay na kahit kailan ay hindi ko naisip na poproblemahin ko ngayon...
Yung pag aaral ko na hindi ko naayos, si Devon na hindi ko maiwan, si mama na hindi ko na kinakausap kahit gustong gusto ko nang kausapin...
Yung pagsuko...
Yung paglaban...
Nagtatalo ang puso't isipan ko, nagkakagulo ang mga emosyon ko...
Nandoon na ako sa puntong asan na nga ba ako? ano na nga bang pinaglalaban ko? ano na nga bang kailangan ko?
I am completely lost... nowhere to go...
Tinaboy ko na lahat ng nasa paligid ko...
Ayokong kaawaan ako, ayokong maging pabigat ako..
"Pagod na si Mika... pagod na pagod na siya"
BINABASA MO ANG
FADED
Short StoryAnd she finally gave up, dropped the fake smile she have been wearing since the first time, and as her tears ran down her cheeks she said to herself... "I can't do this anymore" IamLaLaLaiza|2016