6

184 7 0
                                    

[MIKA]

Lumala lang ang sitwasyon...

3rd year na ako, irregular at pinipilit nalang pumasok sa school para punuan ang mga bagsak ko...

MGA BAGSAK. Oo tama ang nadidinig niyo...

Ako lang naman ang estudyanteng halos ibagsak na lahat ng subject sa kursong ito...


Nahihirapan ako at talagang hindi ko na kaya, pero sa tuwing nakikita ko si mama, mas lalo akong naiinis at pinapakita sa kanyang siya ang may kasalanan nito...


Habang nag aayos ng kwarto ay nakakita ako ng blank canvass...


Oh yeah, naalala ko nung time na gusto kong bigyan ng gift si mama by drawing a portrait of her... pero hindi natuloy...




Kinuha ko ang canvass, binuksan mula sa plastic na kinalalagyan niya...


Kinuha ko ang mga pintura at mga brush...



Nagsimula akong magpinta, pinaghalo halong emosyon ang nararamdaman ko...

Gusto kong umiyak dahil ang dami kong failure sa buhay ko, gusto kong magalit kasi yung mga prof ko pahirap lahat, gusto kong magwala kasi yung mga projects ko hindi pa din tapos...

Gusto ko....


Gusto ko nang mamatay, para wala nang problema...



[END OF MIKA'S POV]





Makikita ang galit ni Mika sa bawat pagpahid niya sa canvass, wala siyang paki kahit matalsikan siya ng pintura, umiiyak siya habang nagpipinta...

Nang humupa ang mga emosyon niya ay pinagmasdan niya ang nagawa niya....


Isa iyong babaeng naliligaw sa madilim na kagubatan... nakatalikod ito at nakasuot ng pulang damit...


Siya ang babae, ang kagubatan ang mundong ginagalawan niya...




Tumingin siya dito at umiyak ulit, pakiramdam niya ay gusto nalang niyang mabura sa mundong ito sa mga problema niya...



Nakaramdam ulit siya ng inis at ginulo ang ibabang bahagi ng painting niya...



Tinignan niya ito at napangiti siya ng kaunti...



"You just looked like me, lost, lonely, and FADED."

FADEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon