5

201 6 2
                                    

[MIKA]

Months have passed at eto na nga dumating na ang mga mahihirap na episodes ng buhay college namin...

Nandyan na yung nagca-cram kami, nandyan na yung wala na halos break dahil sa kabilaang projects, seminars, lessons at mga kung ano ano pa...

Hirap ng buhay college no? pero mas mahirap kung yung kinuha mo hindi mo alam kung anong mga nakaabang sayo, or should I say hindi mo alam kasi hindi mo gusto...

Tuwing pakiramdam kong susuko na ako, tinitignan ko ang admission slip na ngayon ay parang paluma na ang datingan...



Napapangiti nalang ako at natatawa sa tuwing maaalala ko ang araw na sinampal ni mama sa mukha ko na ayaw niya kong kumuha ng fine arts...


Napapansin ko ding naaadopt ko na nag mga ugali nila Patricia, nagiging kalog na ako, malakas na din trip ko sa mga bagay bagay... siguro nga nagbago na talaga ako...


"Mika? anak? bakit hindi ka lumalabas sa kwarto mo? nandito si Jasmine oh..."


Napalingon ako sa mama ko, ganon pa din siya walang paki sa gusto ko...


"Ayoko ma, wala din namang gagawin pag lumabas ako dito... at isa pa ayokong kumausap ng tao..."

Tinalikuran ko siya at hinintay na umalis...


Pero hindi pa din...


"Look Mika, bakit ka ba nagiging ganyan?"


"Ma, pressured ako sa school, kahit anong sabi ng prof ko, wala akong maintindihan, stressed ako sa lecheng accounting na yan, napapagod ako kakamemorize ng mga marketing strategies na yan... tapos sasabihin niyo sakin madali lang? asan sa parteng to ang madali lang?"


Aktong yayakapin ako ng mama ko pero lumayo ako...


"Gusto mo naman to ma diba? you want me to take this? right? then you have to bare all of this... kailangan mong makita kung pano ko pahirapan ang sarili ko sa kursong hindi ko naman gusto..."


"Hindi sa ganon Mik-...."


"Aalis nalang muna ako..."



Kumuha ako ng jacket at umalis, dinaanan ko lang si Jasmine na nasa baba at naghihintay na parang hindi ko nakita...

Oo nga iba na nga ako...










"Hindi na ako si Mika... Hindi na..."

FADEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon