Chapter 60

8.9K 199 2
                                    

Bang! Bang! Bang!

Nagkatinginan kami sa narinig naming tatlong sunod-sunod na putok ng baril at napatakbo kami sa labas ng beach house.

" Finally. " nag igting ang panga ko ng makita ko kung sino ang nagpaputok ng baril. At dumako ang tingin ko sa tatlong katawan na nakahiga sa buhangin " Kiel, Nathan, Tyler! " gusto ko umiyak ng makita ko sila na may dugo, Wag! Wag sila!

" Demonyo ka! " Napasigaw ako at tumawa siya ng malakas. " Papatayin kita once na may mangyari sa kanila! " sigaw ko. Napahawak si DK sa braso ko, pinipigilan ako.

Nakita kong napatakbo ang gang ni knight sa pwesto ng katawan nila Kiel. Fuck. Tuluyan na tumulo ang luha ko ng makita ko ang tatlo na nagsusuka ng dugo. " So, umiiyak na pala ang Phoenix na pumatay sa anak ko. " Siya. Siya ang pumatay sa ama ko.

" Wag kang mag-alala, isusunod kita sa kanya. " sagot ko ng may gigil ang bawat salita.

Bang!

" Pvta! Tama na! " binaril din niya si Kurt, na tumutulong sa mga katawan nila Kiel. Hindi niya ininda ang tama ng bala na tumama sa hita niya. " Leche! Papatayin kita! " napasigaw na ako. Ayoko na. Tinanggal ko ang pagkakahawak ni DK sa braso ko. " Wag kang lalapit, kahit anong mangyari. " Bulong ko sa kanya atsaka ako ngumiti. " Pero-- " magrereklamo pa sana siya pero umiling na agad ako.

Lakas loob akong naglakad papunta sa kanya, ang lalaking kumitil sa buhay ng mahal kong ama. Papatayin ko sya o ako ang papatayin niya. That was the last thought na pumasok sa isip ko. Nang makaharap ko siya, nag smirk ako. " Ang tanda mo na pala talaga. " pang iinis ko sa kanya. It was about 1meter ang distansya naming dalawa. Lihim akong napalunok ng itapat niya ang baril sa sintido ko. At tinignan ako mula ulo hanggang paa, parang sinusuri kung saan ako magandang pataaman ng panigurado na hindi na ako mabubuhay.

Akmang ipuputok na niya ang baril ng sipain ko yun at tumalsik palayo. " You better know how Phoenix make her move. " Bulong ko atsaka ko siya sinuntok ng malakas sa mukha dahilan para pumutok ang labi nya. Tinadyakan ko din ang hita niya dahilan para matumba siya papunta sakin. " Ah! " Nadama ko ang sakit ng may maramdaman ko na may tumusok sa tagiliran ko. " At dapat alam mo kung gaano katalino umatake ang kalaban mo. " napahawak ako sa tagiliran ko at hinugot ang maliit na kutsilyo na ipinangsaksak niya sakin. Doon ko naramdaman ang sobrang sakit. Napapikit ako. Sobrang sakit.

Napalingon ako sa pwesto ni DK, halata sa kanya na gusto na nya akong tulungan. Nagsimula na tumulo ang dugo ko. Ngumiti ako sa kanya pero halatang hindi siya naniniwala sa ngiti ko, hindi siya naniniwala na kaya Kong tapusin to ng mag isa.. Nang wala sila.

Umacting ako na tutumba.. papunta sa kinalalagyan ng baril na tumalsik kanina. Napansin niya yun at agad akong sinipa, dahilan para bumagsak ako ng hawak ang kutsilyo sa kamay ko. Pinulot niya ang baril at ipinutok. Nakaiwas ako, buti nalang!

Ibinato ko sa kamay niya ang kutsilyo na isinaksak niya sakin, tumama sa kamay niya dahilan para bumagsak ang baril na hawak niya at kinuha ko at itinutok sa ulo niya. " Buhay ang kapalit sa kinitil mong buhay ng ama ko. " gusto ko na sana iputok pero nabigla ako ng dahil sa sinabi niya. " Pag ako pinatay mo, pinatay mo na din ang ama ng magiging asawa mo. " a-ano? Di ko maintindihan.

" Patayin mo ako, sige. Pero tandaan mo, guguluhin ka ng konsensya mo dahil pinatay mo ang ama ng fiancé mo. " napalingon ako kay DK. Halatang pati siya naguguluhan. Hindi maipagkakaila na naririnig niya ang sinasabi ng lalaking to. Ama siya ni DK? Paano nangyari yun?

" Ah! " tulad ng nangyari kanina, sinipa niya ang paa ko dahilan para mawala sa kamay ko ang baril. Hindi ako makagalaw, hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Papano ako makakapag higanti kung hindi ko siya papatayin. Hindi ko kaya patayin ang ama ng taong mahal ko.

Naramdaman ko nalang ang sakit ng bala ng baril ng pumasok na ito sa katawan ko. Napaupo ako ng dahil sa sakit, nakita ko ang dami ng dugo na nanggagaling sa katawan ko. Di ko na kaya. Pero kailangan ko pa din lumaban. Tumayo ako at pinilit na lumaban hanggang sa mawala na din sa kamay niya ang baril. Para kaming tanga na nag aagawan sa baril.

Tinadyakan ko ang mukha niya ng mapahiga siya sa buhangin. Kitang kita sa sarili niya na nahihirapan siya pero lumalaban siya para sa anak niyang akala niya ay patay na hanggang ngayon ay buhay pa at may amnesia.

Napatingin ako sa may-ari ng paa na lumapit sa amin. At isang 'bang' ang nag echo sa pagka-tao ko. Binaril niya ang sarili niyang ama.

" a-anak. P-patawad " ang huling salita na binitawan niya bago tuluyang mawalan ng hininga. Napatingin ako sa mukha ni DK, puno ng hinanakit at galit ang makikita sa mata niya.

" kahit kailan, di ka naging mabuting ama. Iniwan mo kami ni mama nung nabuntis mo siya. " Nakita ko na tumulo ang luha niya. Umiiyak siya, dahil sa lalaking to. " kahit ano ang gawin mo, di kita mapapatawad kahit sa kamatayan. Hindi kita dapat panghinayangan. " Iyon ang huli niyang sinabi na puro hinanakit bago lumapit sakin.

" Everything will be okay, I promise you. " niyakap ko siya.

Unti-unting nagdilim ang paningin ko at wala na akong nakita kundi madilim na lugar.


She's My Gangster Queen (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon