Chapter 37

11.9K 271 6
                                    

KNIGHT

"Ano na naman ba meron, Coach?" Tanong ko kaagad kay Coach pagkapasok pa lang ng court. Abala naman 'tong si Coach! May date pa kami ni Ice mamaya. "Kailangan natin mag pa-try out ng bagong player para sa susunod na year. Mga kailangan na pumalit sa inyo pagpasok nyo ng college." Napahingang malalim na lang ako. Iyon lang pala, kailangan pang nandito ako. Tss!

Nanlalata akong naupo sa bench at tamad na tamad na nanood sa mga nagta-try out na mga lower year. Hinayaan ko na lang na sila Ivan ang makipaglaro.

"Hi, Knight!" Iritable akong lumingon ng may tumawag sa pangalan ko. Mga babae na naman na patay nanpatay sa kagwapuhan ko. "Pwede magpa-picture?" Sabay takbo nila papunta sa tabi ko.

Hindi pa man ako nakakasagot ay nandito na sila sa tabi ko at mga nagtatapat ng kani-kanilang camera. Wala na akong nagawa kundi ang pilit na ngumiti.

"Ano ba yan, Yap! Hindi mo meet and greet ito!" Sigaw ni Coach. "Kayo naman, walang picture picture! Doon kayo sa taas!" Pagsusungit ni Coach kaya napa-alis yung mga babaeng nagpapapicture. Hay salamat naman! Ang tatapang ng pabango ng mga 'yon.

Pinagmasdan ko lang yung mga naglalaro. Malalata, mahinina, mga walang gana sa pakikipag-laro. Nakaisip ako ng isang gwapong ideya kaya lumapit ako sa tabi ni Coach. "Coach." Sabay kalabit ko sa kanya. "Ano na naman ba, Yap?!" Napahawak ako sa bandang puso ko ng magulat ako sa sigaw ni Coach. Init naman ng ulo ni Coach.

"May isa-suggest lang naman ako. Tignan mo yung mga nagta-try-out. Ang lalata! Parang isang suntok ko lang, tumba na yang mga yan!" Pagmamayabang ko at ipinakita pa ang muscle ko sa braso. Tinignan lang ako ng masama ni Coach, kinindatan ko lang siya.

"Paano kung yung mga susunod na player, mga gangster din? Alam niyo naman, malalakas ang mga gangster." Pagmamayabang ko pa kay Coach. "Alam mo, Yap. Manahimik ka na lang. Court ang papasukin, hindi away." Pagsusungit nya. Meron siguro si Coach ngayon.

Napatingin naman ako sa mga bagong pasok. Bakit nandito 'tong mga to? Sinundan ko ng tingin si Kiel at Nathan na kasama nung bagong estudyanteng lalake. Kaklase ba namin to?

Ano nga ba ulit pangalan non? Jayson? Jade? Ewan. Kahit ano pa yan! Naupo sila sa mga bench malapit dito sa amin nila Coach. Tinanguan ako ni Kiel ng pamansin niyang nakatingin ako sa kanya. Ngumiti din yung lalake na yon, close ba kami para ngitian niya ko? Baka type ako? Potek kadiri! Napailing iling ako sa naisip ko.

Lumipas ang ilang oras, nakakatulog na ko sa kinauupuan ko ng magsalita si Coach. "Yap, mukhang antok na antok ka ha?" Wala sa wisyo na tumango ako. "Para magising ka," tumingin siya sa kinauupuan nila Kiel. "Yoshida! Tiu! Gusto niyo maglaro?" At dahil uto-uto yung dalawa, pumayag sila.

"Sino ba yang kasama niyo?" Usisa ni Coach doon sa bagong estudyante. "Coach, si Jaydee nga pala. Bagong transfer galing ibang bansa." Pagpapakilala sa kanya ni Nathan, tumango-tango naman si Coach. "Gusto mo sumali sa laro? Magaling ka ba?" Kumunot naman ang noo ko.

"Teka lang naman, Coach. Bago yan, minamaliit niyo ba ko?" Binatukan naman ako ni Coach. "Manahimik ka, Yap. ano? Payag ka?" Napa tss na lang ako.

"I am not that good, but I can play." Sagot nung lalake, englisero pala gagong to e. "Ayos lang yan! Tara na!" Aya ni Coach samin sa gitna.

Ako, Eithan, Ivan, Terenze, at Kurt ang magkakasama para sa grupo ko. Si Kiel, Nathan, yung lalake, Xander, at Jake naman para sa kalaban namin.

Mahigpit ang laban, magaling kalaban si Nathan at Kiel, mahirap man aminin pero magaling din yung bago an si Rosales. Hanggang sa nag kalahi nga game at madalas akong binabangga nung Rosales. Humingi ako ng oras para magpahinga at bumalik sa bench.

"Mainit ata dugo sayo nung bago, Pinuno." Sabi ni Ivan at tinapik ako sa balikat, umupo sa tabi ko. "Balita ko kinukulit nyan si Ice." Napatingin ako bigla kay Terenze. "Ano sabi mo?" Napasama ang tingin ko kay Terenze sa sinabi niya. "At sino ang nagsabi?" Nagtangis ang bagang ko.

"Madalas daw kinukulit sa room, sinusundan sa cafeteria at sumasabay umuwi kay Ice. Nakita ko din sila once." Nangunot ang noo ko. Walangya!

Kaya siguro mainit ang ulo sa'kin kasi type ang girlfriend ko at gusto niya agawin. Nabadtrip na ako sa naiisip ko at napa-praning na naman ako. "Back to game!" Sigaw ni Coach.

Nag iinit talaga ang ulo ko, oo siguro? Naging madumi ang laro ko dahil sa kabadtripan ko sa lalakeng to. Idagdag mo pa na lagi niya akong binabantayan at laging nang-aagaw ng bola.

"Yap! Warning!" Sigaw ni Coach. Pabato ko na ibinato yung bola at umupo. "Pota sobrang dumi maglaro nyang si Rosales." Kung nakakamatay lang ang minumura ko, patay na siguro si Rosales ngayon.

Lalo pa akong nairita ng apura pasok ng tawag at text sa cellphone ng buksan ko yon. Sa sobrang inis, ibinato ko lang pabalik yung cellphone ko sa loob ng bag ko.

Pumasok ako sa laro ulit, iritado pa din pero kumalma na ako dahil lumalayo sa sakin si Rosales, takot lang siguro niyang bugbugin ko siya.

ICE

Fck that phone of Knight! He didn't even tried to answer his damn phone! I called him about hundred of times! I sighed and have my way exiting this mall.

I waited for almost 3 hours, may usapan kami na may date kami ng 3pm, isasabay na din sa pamimili ng regalo para kay Anelice at bibili ng grocery. And look what he did! He make me wait!

Tinignan ko kung online siya pero offline pa din siya! Napahingang malalim na lang ako pagpasok lo ng taxi dahil sa irita at wala pa akong dala na sasakyan dahil ang usapan namin ay susunduin niya ko!

"Oh bakit ang aga mo naka-uwi? Akala ko gagabihin ka?" Tanong agad ni Tyler pagkabukas nya ng pinto. "Si Knight? Pumunta ba dito?" Tanong ko papasok ng kwarto at nagpalit ng damit. Inintay niya ako sa mini sala ng kwarto ko.

"Nope. Hindi siya pumupunta dito." Iritado akong lumabas ng bahay at umalis ulit dala ang aventador ko. "Blackground. Now." send ko ng voice message kay Althea at Xyrin.

ALTHEA

"Blackground. Now." Sabay na play namin ni Xyrin ng biglang may pumasok na voice message sa phone namin. Nagkatinginan kami bigla ni Xyrin.

"Anong problema?" Sabay pa namin na sabi ni Xyrin at napa-buntong hininga. Tumayo kaming dalawa, minsan talaga wrong timing 'tong si Best e. Sarap sarap ng kain namin e. "Ang tagal na natin di pumupunta don. Ano kaya nangyari kay First?" Napatanong nalang ni Xyrin ng magsimula na ako magdrive papuntang Blackground.

Ang blackground ay isang hidden ground ng mga gangster. Mula sa labas, mukhang creepy na restaurant dahil sa black, red, and white na theme ng restobar nila. Pero ang arena nila, nasa ilalim. Underground kumbaga. Nandoon yung mga naglalaban na gangster.

"Nakita mo na si Best?" Tanong ko kay Xyrin. Madilim na din dahil malayo ang blackground mula sa sibilisasyon, para maitago na din ang illegal na gawain sa lob nito. "Wala, di ko makita." Napakamot na kami sa ulo sa kunsume.

"Hi, miss." Sabay kindat pa nung isang lalake

She's My Gangster Queen (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon