[ Dionel 's POV ]
" She's already fine. Kailangan niya lang ng konti pang pahinga at maibalik ang lakas niya. " paliwanag ni Doc, nag nod nalang ako at nagpaalam na siya na kailangan na niya umalis dahil may kailangan pa daw siya ayusin.
Bumalik na ako sa room ni Ice at nakita ko silang nagtatawanan at masayang masaya. Ang cute tuloy tignan. " Hon! " tawag niya sakin at saka ako nginitian. Tumabi ako sa kanya, nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.
" I miss you " narinig kong bulong niya. Masama bang kiligin ang lalake? Fvck. Simpleng I miss you lang niya, napangiti na ako. " Naks! Si Pinuno, nagba-blush! " narinig kong tumawa si Ice. Luko talaga si Ivan.
" Nababakla kana pinuno! " sigaw pa ni Daniel. " Langya ka! I miss you lang sinabi niya sakin. Mahiya ka nga! Pag si Giana nga sinabihan ka ng I love you, kinukwento mo pa sa buong gang. Langyang to. " pambabara ko sa kanya. " Napaka mo pinuno. Kailangan talaga pinagkakalandakan? " nag shake heads nalang ako.
Hinawakan ko ang kamay niya, atsaka ko hinalikan. " Hon, labas muna kayo ng gang mo? May pag uusapan lang kami sandali. " bulong niya sakin. Nag nod nalang ako at pinasunod na ang mga gunggong kong gang.[ Ice's POV ]
Its good to be awake again. Pero may mga bagay lang talaga na pinag aalala ko pa din. Alam kong bawal pa akong mastress sa ngayon, pero hindi pa din talaga maiiwasan. Pinalabas ko muna ang gang nila Hon at ng makausap ko ang mga to.
" First? " tanong ni Tyler, alam niyang may dahilan kung bakit pinalabas ko ang gang nila Dionel. " Nasaan sila Althea at Xyrin? " deretso kong tanong. Walang sumagot, nakatingin lang sila sakin.
" Sasagot kayo o Hindi?! " may tono na ang pagtatanong ko ngayon. Hinawakan ni Kiel ang kamay ko, " Master, bawal ka pa mastress. " tinignan ko lang siya. " A-ano, k-kasi First.. " putol putol na sagot ni Diosh. " ANO? " malakas na tanong ko.
" Minsan lang sila kung pumunta dito. parang lagi silang busy at may pinagkakaabalahan. " Deretsong sagot sakin ni Tyler kahit may mga words na slang pa din. Nakita kong kinuha ni Kiel ang phone niya na hinablot ko kaagad.
I quickly dialled Althea's number pero pinatayan niya ako. I turned to Xyrin's number, ilang ring.. Pero hindi niya sinagot. " Where's my phone? " tanong ko. May kinuhang bag si Nathan at inabot niya sakin. " Nandyang lahat ng gamit na dala mo nung mga nakaraang araw. " Binuksan ko yon at nakita ko ang phone ko.
" Pag eto, hindi sinagot nung dalawa. Yari sila sakin. " I said as I started to dial their numbers[ Althea's POV ]
Tumawag si Kiel pero hindi ko na sinagot, alam kong tatanungin na naman niya ako kung nasaan kami. Kasalukuyan kaming nasa room ni jaydee. Binabantayan pa din siya. Umalis si Xyrin dahil may bibilin daw siy--
/door opens/ " Oh, Xy ang bilis mo nama--" naputol ang sasabihin ko ng makita ko si Eithan at Xander na pumasok ng pinto. " B-babe? " nag smirk siya. Tumuloy ng pasok at tinignan si Jaydee na kasalukuyang natutulog.
" Now we know. " sabi niya agad. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. " B-babe. L-let me explain first. " Kasabay nun ay narinig ko ulit na nag ring ang phone ko. Sa malamang, si Kiel lang yon.
Naupo silang dalawa sa couch at " I'll give you 1 minute to explain your side. " sabi niya. Ngayon ko lang siyang nakita na ganto kaseryoso. Patay na talaga ko. " First, I want to say sorry dahil Hindi ko sinabi Sayo ang tungkol dito dahil magagalit kayo. Second, alam kong may mali sa mga nangyari. Third, sasabihin naman namin talaga kay First ang tungkol dito e. Humahanap lang ng taking tyempo. And now, yung gusto ko malaman hindi ko makuha. Bakit? Nagka amnesia na siya. Its not temporary, its Permanent. " saktong pagkatapos ko magpaliwanag, bumukas ang pinto at pumasok si Xyrin.
" And now, here you are. " Halos manigas si Xyrin ng marinig niya ang boses ni Xander. " B-baby? " iyon nalang ang nasabi niya.
Pinaupo kami ng dalawa sa kabilang couch. " So, anong balak niyo ngayon? " tanong ni Xander. " at pwede ba, pakipatay muna yang cellphone mo? Kanina pa nagriring yan! " dagdag pa niya.
Fvck! Hindi ba titigil sa katatawag si Kiel? Kinuha ko ang phone ko at pinatay. Hindi ko na tinignan kung sino ang tumawag. Si Kiel lang yan or si Nathan.
" Papaalam naman namin kay First na nangyari to. Hinihintay lang namin na magising siya. " sagot ni Xyrin.
Tumaas ang kilay ni Eithan. " Sasabihin nyo sa kanya pag gising? Alam naman nating nasa coma siya, tapos pag gising niya, stress at problema agad ang ibibigay niyo? " tama siya. Tsk pano na to?
" excuse lang guys. Tumatawag si Pinuno. " lumabas si Xander, after 10 minutes bumalik siya. At ang sinabi niya at kinagulat naming lahat. Tuwa at takot.
" Gising na si Ate Ice. At kasalukuyang nag iinit ang ulo ng dahil sa inyong dalawa. " Feeling ko, bigla akong namutla sa takot. Mamamatay na ba ako? Gusto ko pa magkaanak!
Dali dali kong binuksan ang cellphone ko na lalong kinagulat ko. 13 missed calls from Ice! Tapos pinatayan ko pa! Papatayin na talaga niya kooooooo!
BINABASA MO ANG
She's My Gangster Queen (Under Revision)
Roman pour AdolescentsKapag ang babae, maliit. At ang lalake ay matangkad, sabi nila "Opposite Attracts". Oo, siguro nga totoo. Pero paano kung, parehong Gangster? Ito ba ang tinatawag na Destiny? Mahilig sa Gulo, mahilig magbasag ng ulo. Magtatagal ba ang relasyon ng...