Chapter 1: Eyes

8 1 2
                                    

"Start by doing what's necessary; then do what's possible; and suddenly you are doing the impossible. "
-Francis of Assisi

Sobrang sakit ng katawan ko. Pakiramdam ko ilang taon ko sila hindi ikinilos.

Para akong natulog ng ilang libong taon at dumating ang tamang panahon na nagising ulit ako.
Tuwing susubukan kong idilat ang mga mata ko ay sumasakit ang mga ito.

Gano na nga ba katagal? Gaano na ba ko katagal nakapikit?

Sa panglabing anim na beses ay sinubukan ko ulit imulat ang aking mga mata. Dahan dahan. Kahit na kumikirot ay pinilit ko paring idilat ito.

At sa wakas nagawa ko. Nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sakin kaya napapikit akong muli. Sa pagdilat ko ulit, puro puti ang nakita ko. Sa una ay malabo pa pero luminaw din.

"Hey, are you okay?"

Napatingin ako nagsalita. Patay na ba ko? May isang anghel akong nakikita. Nakakamanghang anghel. Maputi siya. Mapupungay niyang mata. Manipis at mapulang labi. Ang buhok niya na gulong gulo na parang kakagaling lamang niya sa pagtulog.
Yung titig niya, nakakawala ng sakit ng katawan at mata ko.

"Ha?" Yun lamang ang nasagot ko sa tanong niya.

"Tss. Nabingi kaba? Sandali at tatawag ako ng doctor. Mukhang wala kapa sa sarili" ani niya at naglakad palabas ng kwarto.

Sandali. Nasan ba ko? At sino ba yun? Ilang sandali lang ay bumalik din siya kasama ang doctor.

"Hi miss. I'm Doctor Kean Alcantara. Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?"

"Nasan po ba ko?" Tanong ko pabalik.

"Nasa hospital ka iha, dinala ka nitong pamangkin ko, nawalan ka daw kasi malay." Paliwanag niya habang nakangiti.

"Wala kang maalala? Tsss. Nahulog ka nalang bigla sakin. Bigla kang sumulpot. Nagpapakamatay kaba?" Masungit na singit ng lalaking mukhang anghel.

Nahulog? Bakit naman ako mahuhulog? At tsaka bakit wala akong matandaan. Pati lugar kung nasan ako ay wala akong maalala.

"Mukhang nasa state of shock kapa iha. Iiwan muna kita kay Dan, babalikan kita mamaya."

Lumabas na siya. Samantalang naupo naman yung lalaking mukhang anghel sa gilid ng kama ko.

"Wala ka talagang maalala?" Tanong niya.

"Pasensya na ha. Wala eh"

Hindi na siya nagsalita pa. Naglabas nalang siya ng kung anong bagay at linibang ang sarili niya.

Tatlong araw ang lumipas pagkatapos ng araw na yun. Hindi na bumalik muli yung lalaking anghel pagkatapos niyang umalis ng araw na yon. Si Doctor Kean na lamang ang pumapasok sa kwarto ko pwera sa mga nurse. Naalala ko nang minsan kong itanong kung nasan na yung lalaking anghel.

"Doc Kean, nasan na po yung pamangkin niyong mukhang anghel?" Tanong ko habang chinecheck niya yung blood pressure ko daw.

"Mukhang anghel? Hahahaha. Si Dan ba? Busy niya sa school." Natatawa niyang sagot.

"School po?" Takang tanong ko.

"Oo. Nag aaral pa kasi siya. 2nd year college na siya ngayong taon. Oo nga pala sa isang araw ay iuuwi kita sa bahay. Hindi naman kasing pwedeng dito kana lang."

"Po? Hindi po ba nakakahiya."

"Pasyente kita kaya responsibilidad kita lalo na't ngayong wala kang maalala at si Dan ang nagdala sayo dito, responsilidad ka din niya kaya tutulungan ka namin hanggang may maalala kana." Paliwanag niya.

Bahagya akong napangiti sa pag alala ng araw na yun. Napakaswerte kong nakakilala ako ng taong katulad ni Doctor Kean na hinaharap ang responsibilidad ng isang doctor.

Napasilip ako sa labas ng sasakyan niya. Papunta na kami sa bahay nila. Ang sabi niya ay alam na daw ng buong pamilya nilang doon muna ako at malugod naman silang pumayag. Naiindintihan daw nila at alam na wala akong mapupuntahan.

"Nandito na tayo" Pag-putol ni doctor kean sa pag iisip ko.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa harap namin kung saan makikita mo ang bahay nila. Halos malaglag ang panga ko sa laki ng bahay na nasa harapan namin. Pati ang malaking gate na may nakalamangha na designs.

Ipinasok ni Doctor Kean ang sasakyan sa gate at hininto niya sa tapat ng malaking pinto ng mansion nila.

"Mauna kanang bumaba pumasok kana sa loob at siguradong naghihintay na din sila. Susunod na lamang ako" ani niya.

"Osige po. " bumaba na ko ng sasakyan. At humarap sa napakalaking pinto.

Napaka elegante ng design ng pintong. May pagkaluma na siya ngunit makikita mo na napaka ganda ng pagkakagawa nito. Hindi ko napigilan ang sarili ko at hinawakan ito.

Ngunit napahinto ako ng mahawakan ko iyon. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Tumaas ang mga balahibo ko at biglang nanginig ang mga tuhod ko.

Hanggang sa unti unting nagbukas ang malaking pinto na iyon.

And then I saw his eyes.

-------------------------------------------------------------

A.N

Hi fellas. Sorry po kasi ngayon ko lang naupdate to. Kakabakasyon lang kasi namin and sobrang busy. I'm sorry talaga. And thank you :*

The Girl Who Fell From The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon