Prologue

1.4K 37 5
                                    

PROLOGUE

KAKABABA ko pa lang ng kotse ng mapalingon ako sa isang pamilyar  na bulto ng lalaki. It's Theo? Ang boyfriend ko, pero ano 'to bakit may kayakap siyang babae?

Bigla akong napaatras at hindi ko malaman kung ano bang mararamdaman ko sa mga sandaling ito dahil sa nasaksihan ko, at sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko, galit, inis at pagkalito.

Gusto ko siyang lapitan at komportahin pero hindi ko maihakbang ang mga paa ko at para bang may nakadagan dito.

Naghiwalay sa pag-kakayakap ang dalawa at pareho pa silang nakangiti ng mapagawi sa akin ang tingin ni Theo. Natigilan siya at nagulat pa ng makita niya akong nakatayo at nakatingin sa kanila. Agad siyang lumayo sa babae na pinagtaka naman ng huli.

Naglakad siya palapit sa akin subalit parang wala akong lakas ng loob na kausapin siya sa mga oras na ito at marinig ang kung ano man ang sasabihin niya. Nakita ko na ang lahat. Malinaw na sa akin ang ibig sabihin ng nakita ko. Hindi ko kailangan ng paliwana niya!

Bawat hakbang niya palapit sa akin ay doble naman ang hakbang paurong ang ginagawa  ko palayo sa kanya habang nakatingin pa rin ako sa kanya. Hanggang sa bumilis siya sa paglakad palapit sa akin kaya binilisan ko rin ang lakad ko at ng humarap na ako sa dinadaanan ko ng biglang nabangga ako ng sasakyan at natumba ako.

Napapikit ako hindi dahil sa sakit ng pagkakabanga dahil kung tutuusin ay ako pa nga ang bumanga sa bumper ng sasakyan, napapikit ako dahil sa kahihiyan at awa sa sarili ko sa nangyayari sa akin ngayon.

God please kunin mo na ako. Bulong ko sa sarili ko. Help me please!

Napamulat ako ng mata ng may umalalay sa akin at itinayo ako, akala ko si Theo pero hindi pala, kundi ang driver ng kotse na nakabanga sa akin. Nakita ko si Theo na nakatigil sa may kotse ko at nakatingin sa akin na parang gusto ulit lumapit.

"Please ilayo mo ako dito."mahina kong paki-usap sa lalaki habang nakayuko ako.

Nanghihina ako hindi ko alam kung may lakas pa akong tumayo pero pinipilit kong tatagan ang sarili ko.

Nagtataka man ang lalaki ay inalalayan pa rin niya ako at pinagbukasan ng pinto sa pasenger seat ng sasakyan niya. Pero bago ako sumakay ay sinulyapan ko muna si Theo. Tinitigan ko siya na may matinding hinanakit na mababanaag sa aking mga mata.

All Rights Reserved ©2016

When I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon