Chapter Seven

452 21 0
                                    

JOZZARY P.O.V


EVERYTHING went well, after namin magpakasal ni Brayden sa US na dinaluhan ng mga magulang niya at ilang relatives ko rin ay umuwi na rin kami agad sa Pilipinas.

Kahit gusto pa ng mga magulang ni Brayden na magstay pa kami kahit isang linggo lang ay hindi pwede dahil marami pa kaming aasikasuhin. Alam naman nang parents niya kung bakit kami nagpakasal at naiintindihan naman nila iyon.

Actually ang bait nga nila sa'kin kahit kakakilala pa lang namin. Lalong lalo na ang Mommy niya, sabi pa nga sa'kin ay sana kami na lang daw ni Brayden at 'wag na kami maghiwalay. Nakakaguilty na hindi mangyayari ang gusto niya kaya lang 'ganon talaga ang buhay.

PAGDATING namin sa Pilipinas ay dahil kasal na kami ni Brayden ay napakasunduan namin na sa bahay na lang kami magstay for the meantime habang kasal pa kami dahil ang Condo niya ay bachelor pad lang.

Oo kahit naman hindi naman namin totoong mahal ang isa't isa ay kasal pa rin kaya kahit papano kailangan din namin mag-act as a married couple na nakatira sa iisang bubong. Kahit papano kasi may mga makakaalam din na mga kaibigan namin or mga kaibigan ng Kuya ko na kinasal na ako kaya kahit papaano kailangan pa 'rin mag-act as a marriage couple.

Saka kasama naman talaga 'yun sa kasunduan namin.

------------

PABABA ako ng hagdan ng makasalubong ko si Brayden na paakyat.

Dalawang linggo na rin kaming kasal pero halos hindi naman kami nagkikita dito sa bahay dahil lagi siyang nasa labas, busy kasi siya sa pag-aasikaso pinapagawa niyang Restaurant.

"Kakauwi mo pa lang?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, ikaw saan ka pupunta?"

"Mag-eenroll lang ako."

"Ah, gusto mo ba ihatid kita?"

"Wag na mukhang wala ka pang tulog, magpahinga ka na lang, kasama ko naman si Vanessa eh." Nakangiti kong sagot.

"Sige ingat." Ngumiti siya saka nagpatuloy na siya sa paglalakad papuntang kwarto niya.

Ako naman ay dumeretso palabas. Nagpahatid na lang ako sa driver namin sa School dahil tinatamad na akong magdrive.

Pagdating ko sa School at pagkababa na pagbaba ko pa lang nasira na agad ang araw ko dahil nakita ko si Theo kasama ang mga kaibigan niya. Pero hindi ko na lang sila pinansin.

Kaso nga lang biglang humarang si Theo sa dinaraanan ko.

"Pwede ba umalis ka nga sa daraanan ko." Naiirita kong utos sa kanya pero ngumisi lang siya.

"I just want to confirm kung kasal ka na nga?" Nakangising sabi niya. Akala siguro ng lalaking 'to ay nagbibiro ako sa sinabi ko last time sa kanya.

Ipinakita ko ang daliri ko na may wedding ring. "Satisfied?" Sabi ko sabay tinaasan ko siya ng kilay.

Medyo nagulat siya pagkakita mg singsing sa kamay ko pero agad naman siyang nakabawi. "Alam mo Jozzary, hindi mo na naman kailangan na magsinungaling para pag—"

"Alam mo ang kapal kapal ng mukha mo, hindi ka naman kagwapuhan pero bakit ang lakas lakas ng bilib mo sa sarili mo ha!" Hindi na ako nakapagpigil. "Wala akong balak pagselosin ka at higit sa lahat wala akong balak na magmakaawa sayo na balikan mo ako, 'Ni wala ka nga sa kalingkingan ng asawa ko, kaya bawas-bawasan mo 'yang bilib mo sa sarili mo ha!"

Marahil hindi niya inaasahan na magbibitaw ako ng ganoon mga salita kaya natamimi siya.

Kinuha ko ang wallet ko at kinuha ko ang bago kong ID na bago na ang Surname at civil status. Itinitutok ko sa mukha niya.

When I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon