Chapter 13

376 10 0
                                    

"O bakit nakasimangot ka?" Tanong sa akin ni Vanessa habang nasa Cafeteria kami. May pasok ako ngayon pero kanina nagdadalawang isip ako kung papasok ako dahil ayaw ko sanang iwanan sa bahay sina Brayden at Lyca pero nang matunugan kong aalis si Brayden at si Lyca naman ay may ibang lakad din ay pumasok na lang ako.

"In love ako." Malungkot na pag-amin ko sa bestfriend ko.

Biglang tumawa si Vanessa kaya naman napatingin ako sa kanya mg masama. "Anong nakakatawa 'dun!?"

"Sa lahat kasi ng inlove ikaw lang 'ata ang malungkot eh."

"Syempre sino ba naman ang hindi malulungkot sa situation ko ngayon."

"Bakit ano ba ang nagyari... Teka nga kanino ka ba inlove?"

"Sus kunwari ka pa diyan na hindi mo alam!"

Natawa nanaman si Vanessa. "Kasi naman noon pa ayaw ayaw ka pa kay Brayden 'yun pala maiinlove ka rin pala sa kanya."

"Eh malay ko ba naman kasi na maiinlove ako sa kanya."

"Sus! So ano ang problema mo ngayon? Inlove ka sa kanya pero may mahal na siyang iba? Yun ba 'yung problema mo?"

"Hindi actually kasi may nalaman akong sekreto pero hindi ko alam kung totoo ba 'yung nalaman ko."

"About saan ang nalaman mo?" Nakakunot ang noong tanong ni Vanessa.

"Ganito kasi 'yun... Si Theo kasi kinausap ako last week at sinabi niyang si Kuya ang may kagagawan kung bakit daw kami naghiwalay I mean kung bakit siya nangloko..."

"What you mean?"

"I mean tinakot daw siya ni Kuya at plano din daw ni Kuya 'yung pagkakaroon niya ng ibang girlfriend para mapaghiwalay kami."

"Huh!? Naniwala ka naman sa kumag na 'yun."

"Syempre hindi no, Kuya ko kaya 'yung sinisiraan niya."

"Yun naman pala eh problema 'dun?"

"Teka nga lang hindi naman 'yun ang problema ko eh."

"Huh!? Ang gulo mo naman, ano ba kasi ang problema."

"Eh hindi pa kasi tapos ang kwento ko eh." Sabi ko na nakanguso.

"Pasensya na ha, excited lang eh."

Pinapatuloy ko na nga pagkukwento sa kanya hanggang doon sa nabasa kong letter ni Brayden kay Kuya na naglalaman na mahal niya ako.

"What!?" Hindi makapaniwalang reaksyon ni Vanessa. Nanlaki pa ang mata niya dahil sa kwento ko. "OMG!" Iiling-iling pa siya. "Bakit hindi mo sa kanya aminin na gusto mo  na rin siya."

"Yun na nga ang problema ko."

"Anong problema 'dun. Wala naman diba mahal ka niya tapos ikaw mahal mo na rin siya."

"Natatakot akong aminin sa kanya kasi baka hindi na niya ako mahal I mean baka sa mga taong lumipas ay napunta na sa iba ang feelings niya....." Malungkot kong sagot. "Saka umeksena pa ang bestfriend niya..."

"Nagseselos ka?"

"Oo saka feeling ko may something sa kanilang dalawa eh."

"Nasaan ba 'yang bestfriend nang asawa mo at nang makatay ko na!"

"Adun sa bahay, dun siya ngayon nakatira muna."

"What! Ang tanga mo naman bakit ka naman pumayag na sa bahay niyo tumira?"

"Eh, one week lang naman saka nakakahiya naman kay Brayden kung hindi ako papayag."

"Hay naku! Sakalin kaya kita diyan!" Gigil ba gigil na aniya.

"Girl, ano gagawin ko?"

"Eh, ewan ko! Aminin mo na lang kay Brayden."

"Natatakot nga ako."

"Sus naman wag mo nga pairalin 'yang takot mo na 'yan, malay mo naman mahal ka pa naman niya! Sus kung hindi ka kikilos sino pa! Ano 'yan magtataguan na lang kayo nang feelings."

"Hay hindi ko talaga alam ang gagawin ko."

"Ano ba naman kasi 'yang si Brayden ang torpe naman. Mag-asawa na rin naman kayo bakit hindi pa niya aminin sayo na mahal ka niya."

"Yung nga ang isa pang gumugulo sa isip ko, kasi ako pa talaga ang mahal niya eh since mag-asawa na rin naman kami, syempre aaminin na niya ang nararamdaman eh pero wala eh kaya ang iniisip ko eh baka nga wala na talaga siyang nararamdaman sa akin."

"Friend, ito na lang ang isipin mo kung hindi ka na niya mahal, hindi siya papayag na maikasal kayo."

"Eh, baka naman kaya pumayag siya dahil nahiya kasi kaibigan niya si Kuya, at naisip niya kaya ganun ang condition ang hiningi ni Kuya dahil alam ni Kuya na hindi siya tatangi."

"Alam mo, ewan ko sayo, ang dami mong what ifs, pinapahirapan mo lang sarili mo." Nakataas ang kilay na sabi ni Vanessa kaya napabuntong-hininga na lang ako.

---------------------

After nang klase ko ay agad na akong umuwi. Baka kasi 'andun na sina Brayden at Lyca. Hindi ko sila bibigyan ng pagkakataon ngayon na makapag solo silang dalawa. Mahirap na dapat bantayan ko ang asawa ko.

Pagdating na pagdating ko sa bahay ay dumeretso ako sa kwarto ni Brayden para tingnan kung andoon na siya.

Kakatok sana ako nang mapansin kong medyo nakabukas ang pinto ng kwarto niya kaya naman sumilip ako.

Biglang namutla ako at napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa nasaksihan ko.

Magkayakap sina Lyca at Brayden.

Nanikip bigla ang dibdib ko. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko na lang. Dahan dahan akong lumayo at dumeretso sa kwarto ko.

Pagdating ko sa kwarto ko ay hindi ko napigilan ang mga luha ko. Nag-unahan nang tumulo ang mga ito.

Sabi ko na eh. Hindi na ako mahal ni Brayden or baka naman hindi naman talaga niya ako mahal at joke lang 'yung sulat na nabasa ko. Buti na lang talaga hindi ko pa naamin sa kanya ang nararamdaman ko kundi napahiya pa ako.

Hindi ko alam kung bakit ang malas malas ko sa lovelife!!

Pero biglang naisip ko na magkayakap lang naman sila ah, wala naman silang ibang ginagawa ha kaya bakit ganito ako makareact? Ang tanong lang ngayon is bakit sila magkayakap?

Ay ewan mas lalong sumasakit ang ulo ko kakaisip at pati na rin ang puso ko.

Kausapin ko na kaya si Brayden para magkalinawan na kami at para naman hindi kung ano-ano na lang ang naiisip ko.

Mas pinapahirapan ko lang ang sarili ko.

Ha! Basta kailangan na talaga namin mag-usap. Wala na akong paki-alam kung mapahiya man ako!

.......to be continued........

When I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon