Nagulat ako nang sa harap nang Restaurant kami ni Brayden huminto.
"Ano ginagawa natin dito?" Takang tanong ko sa kanya. "May kukunin ka ba?"
Pero embes na sumagot ay ngumiti lang siya. "Tara." Yakag niya na lalong ikinakunot nang noo ko tuloy.
"Huh?"
Pero hindi na niya ako pinansin. Bumababa na siya at umikot sa may pinto at pinagbuksan niya ako at saka inalalayan niya akong bumababa.
Kahit takang-taka ako ay bumababa na lang 'din ako nang sasakyan. Habang naglalakad kami papasok ay hawak-hawak niya ang kamay ko kaya tuloy ang lakas nang kabog nang dibdib ko.
Hindi ko alam kung ano ang nagyayari. Pagpasok namin sa Restaurant ay ang unang bumungad sa akin ay ang isang table na may dalawang upuan na magkaharap sa gitna ay may bulaklak na nakalagay sa vase. May mga bulaklak 'din na nakalagay sa may unahan nang table at mangilan-ngilan na balloon na nakasabit sa may dingding.
Anong nangyayari? Bakit......
Napadako naman bigla ang tingin ko sa kaliwa nang makarinig ako na may tumugtog. It is a classical music. Nakita ko sa gilid ang isang banda.
"Nananaginip ba ako? Hah! Ano ka ba Joz baka naman para sa customer nila ito. Wag ka nang assuming!" Saway ko sa sarili ko.
"Let's go." Napatingin ako kay Brayden nang magsalita siya at natulala ako.
"Huh?" Tanging naging reaksyon ko. Pero hindi siya sumagot inakay niya lang ako papuntang table. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari ngayon at parang lumulutang ang paa ko na nakasunod lang kay Brayden habang hawak-hawak niya ang kamay ko.
Hinila niya ang isang upuan at wala sa sariling umupo naman ako habang nakasunod lang nang tingin sa kanya.
Hanggang sa nakaupo na siya sa harapan ko ay nakatulala pa 'rin akong nakatingin sa kanya. Gusto kong magtanong kung anong nanyayari? Kung bakit kami andito? At kung para saan ang lahat na 'to? Pero hindi ko alam kung bakit parang wala akong lakas para ibuka ang bibig ko.
"I know nashock ka.." Umpisa ni Brayden. "I made this arrangement para makapag-usap tayo." He continued.
"A-anong ibig mong sabihin?" Grabe sobrang kaba talaga ang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.
Huminga muna nang malalim si Brayden. "Actually, wala pa naman sana akong balak na gawin 'to dahil wala pa ngang one year nang mamatay ang Kuya mo — si John, but someone encourage me to do this."
Bawat pagbuka nang bibig ni Brayden at sa bawat salita na inilalabas nito ay parang musika sa pandingig ko.
Sobrang kabog 'din nag dibdib ko at pakiramdam ko ay nahihirapan akong makahinga pero pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil alam ko na ito na — ito na 'yung hinihintay kong kasagutan. I don't want to ruin it.
"I've been keeping this feeling for many years —"
"I love you!" Biglang putol ko sa sinasabi ni Brayden. OMG! Hindi ko alam kung paano — I mean bakit biglang lumabas sa bibig ko ang mga salitang 'yun although 'yun naman talaga ang gusto kong sabihin ay bakit bigla nasabi ko agad na hindi pa nga tapos si Brayden sa sinasabi niya.

BINABASA MO ANG
When I Met You (COMPLETED)
RomanceLahat ng boyfriend ni Jozzary ay niloko siya at ang hindi niya matangap ay ang pagloko rin sa kanya ni Theo. Akala niya ito na ang Mr. Right niya pero it turns out to be na si Mr. Wrong pa rin pala ito dahil sa pangloloko rin nito a kanya. Handa pa...