Chapter Three

606 35 4
                                    

JOZZARY

TANGHALI na ay nakahiga pa 'rin ako. Hindi pa 'rin kasi ako makaget over sa nagyari kahapon. Hanggang ngayon natutuwa pa 'rin ako — maliban na lang 'dun sa deal namin ni Brayden na one week ko siyang sasamahan.

Malamang hindi ko magugustuhan ang mga gusto niyang gawin, medyo malayo ang agwat ng edad namin kaya naman magkaiba kami ng mga gusto at hobbies!

Hay! Pero okay lang pagtitiisan ko na lang kasi tinulungan naman niya ako.

Napabalikwas ako sa higaan ng may kumatok.

Pagbukas ko ng pinto ay si Kuya ang tumambad sa'kin.

"Tanghali na nakahiga ka pa 'rin!" Agad na panenermon niya sa'kin.

"Bakasyon naman Kuya eh —"

"Oo bakasyon nga pero may usapan pala kayo ni Brayden na sasamahan mo siya ngayon! Nasa baba na siya pero ikaw kakabangon mo pa lang."

Duh! Hay naku ewan ko na lang talaga dito kay Kuya kung makapag-asawa pa 'to napaka-nagger!

"Eh, hindi naman kasi siya nagsabi ng oras eh." Depensa ko.

"Kahit na, dapat maaga pa lang naghanda ka na para sana kapag dumating na siya okay ka na."

"Okay po Itay sa susunod po." I said then I rolled my eyes. "Saglit lang po ha, maliligo lang ako at magbibihis ako."

"Bilisan mo ha!" Sabi niya saka umalis na siya sa harap ko.

Twenty minutes lang ay nakaligo na kasama na 'dun ang pagbibihis. Hindi na 'rin ako naglagay ng make-up kaunting  lipstick lang ang linagay ko. Nakakahiya naman kasi sa naghihintay sa'kin kung masaydo pa akong magtatagal.

Pagkatapos ay bumababa na ako. Naabutan ko sina Kuya at Brayden na nag-uusap. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan.

Pagkakita nila sa'kin ay tumigil sila pinag-uusapan nila.

"Brayden, ikaw na bahala sa kapatid ko ha." Bilin ni Kuya sa kaibigan. Kung makahabilin naman 'tong si Kuya eh parang gagawa naman ako ng masama.

"Don't worry ako bahala sa kanya." Nakangiting sagot ni Brayden.

"Grabe ka naman kuya, hindi naman ako mangangagat nuh!" Pabirong sabi ko kay Kuya.

"Naniniguro lang baka mamaya mag cause ka nanaman nang desgracia!"

"Ouch! Sakit 'nun ha, parang hindi naman tayo 'nyan magkapatid."

Kunwaring nasaktan ako sa pinagsasabi ni Kuya. Pero sanay na ako sa mga ganyang banat niya kaya naman alam ko naman na hindi naman siya seryoso 'dun.

"Sa lagay na 'yan nasasaktan ka pa 'rin pala."

"Kuya may damdamin 'din akong nasasaktan!"

Tumawa siya ng malakas"Sige na umalis na kayo. Tanghali na." Pag-tataboy na niya sa'min.

"Sige Bro alis na muna kami." Paalam ni Brayden.

Kumaway lang ako kay Kuya ay naglakad na kami palabas ni Brayden.

Pero nang nasa may pinto na kami ay bigla akong tinawag ni Kuya. Kaya lumingo ako sa kanya.

When I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon