Chapter 17 (Final Chapter)

715 12 4
                                    

Tuwang-tuwa akong naglalakad papaunta sa classroom namin nang biglang humarang sa harap ko si Theo.

Tiningnan ko lang siya ng masama at nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad pero muli siyang humarang.

"Ano ba talaga ang kailangan mo Theo!?" Galit na tanong ko sa kanya.

"Please Joz, bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon, mahal na mahal kita." Pagmamakaawa niya.

"Theo, tapos na tayo okay, may asawa na ako.... Saka kung mahal mo ako sana hindi mo sa akin ginawa —"

"Sabi ko naman sayo, ang Kuya mo ang may pakana 'nun! Tinakot niya ako't pinagbantaan kaya —"

"Pwede ba Theo tigilan mo nga sa kakasisi kay Kuya wala na siya, hindi na niya maipagtatangol ang sarili niya kaya stop it!" Medyo napataas ang boses na sabi ko. "Saka kung mahal mo talaga ako at kung totoo man na tinakot at pinagbantaan ka ni Kuya hindi ka sana magpapadala sa mga 'yun, sana ipinaglaban mo at pinatunayan mo kay Kuya —"

"Hindi mo alam kung gaano nakakatakot ang Kuya mo kaya nasasabi mo 'yan."

"Ewan ko sayo! Ayaw ko nang makipag-usap sayo, tapos na tayo kaya please lang patahimikin mo na ako. Masaya na ako ngayon at sana maging masaya ka na 'rin." Sabi ko saka nagmadali na akong lumayo sa kanya.

Sa totoo lang hindi ko 'rin alam kung totoo man ang sinasabi ni Theo tungkol kay Kuya, pero wala na akong pakialam 'dun kasi ang alam ko lang kung talagang totoo man 'yun ay ginawa lang 'yun ng kapatid ko para protektahan ako. Saka sa tingin ko ay talagang nakatakda na 'rin ang mga pangyayari na 'yun kasi may mas nakalaan sa akin na mas magandang future, that's to be Brayden's wife.

Nasaktan man ako noon pero masaya na ako ngayon kaya wala na 'rin akong galit kay Theo at sa mga Ex ko noon na nanloko sa akin. 'Yung mga sakit na naranasan ko noon ay parang bigla na lang nawala dahil sa kung ano ang may'run ako ngayon.

------------------

Pauwi na ako at naghihintay ng taxi dahil hindi na ako nagdala ng kotse ng may humintong kotse sa harap ko. Napangiti ako ng makilala ko kung kaninong sasakyan iyon, sa asawa ko. Bumukas ang bintana sa at si Brayden nga.

"Miss pauwi ka na ba?" Kunwari'y seryosong tanong niya.

"Pasensya na po hindi po ako nakikipag-usap sa mga taong hindi ko kakilala." Sakay ko naman sa pagbibiro niya.

"Ay! Sayang naman pala, crush pa naman kita." Nakangiting aniya. "May regalo pa naman 'rin sana ako sayo."

"Ikaw naman hindi mabiro, since gwapo ka naman kaya ok lang ako makipag-usap sayo." Sagot ko sabay tawa.

Sumabay 'din si Brayden sa pagtawa ko. "Tara na sakay na." Yakag na niya kaya agad na 'rin akong sumakay.

"Bakit ka pala andito?" Seryosong tanong ko nang makasakay na ako.

"Sabi ko diba may regalo ako sayo."

"Asus! Ano nanaman kaya 'yan?" Nakangiwing tanong ko.

"Basta surprise kaya relax ka lang muna diyan." Sagot niya sabay ngiti ng malapad.

"Ok sabi mo eh." Nakangiting sagot ko 'rin.

Habang nasa byahe kami ay pakanta kanta lang ako kasi ilang ulit ko na tinatanong si Brayden kung saan kami pupunta ay ayaw talaga niyang sabihin kaya naman para mawala ang pagkainip ko ay sinasabayan ko na lang sa pagkanta ang music.

When I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon