Chapter One

858 33 5
                                    

JOZZARY

AFTER I discovered my boyfriend cheated on me I was both devastated and furious! I loved him pero niloko lang niya ako!

Lahat na lang ng naging boyfriend ko niloko ako! Ganun na ba talaga ako kamalas sa pagdating sa love?

I thought Theo was the right one pero nagkamali pala ako. Nasayang lang ang isang taon ko sa kanya!

Di bale maganda naman ako!

Pero masakit talaga, sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon ay hindi ko pa kayang makita siya or makausap man lang! Naku baka mabalatan ko lang siya ng buhay!

Feeling niya ang gwapo gwapo na niya porket pinatulan ko siya! Talagang siya pa ang chossy at naghanap ng iba!

Pero hindi ako dapat magpapatalo sa sakit na nararamdaman ko, hindi naman sa kanya umiikot ang mundo ko kaya what's the point acting like he's my world!

Hindi ko kawalan kung ipinagpalit man niya ako sa iba, it's his loss!

Marahas kong pinunasan ang mga luha ko at tumayo ako sa kama ko. Naglakad ako palabas ng kwarto at bababa sana ako sa kitchen para kumain nang nagulat ako dahil may bisita pala ang kuya ko.

It's him, the one who helped me last time, mga two days ago. Nung time na nahuli ko si Theo na may iba.

Mabilis akong umatras at akmang babalik sa kwarto ko. Ang sama sama ng itsura ko nakakahiya naman na makita niya ako sa ganitong itsura. Sabog ang buhok nangingitim ang ilalim ng mata ko. Oh! Shit!

Pero natigil ako sa pag-akyat ng tawagin ako ni Kuya. Patay nakita ako!

"Jozzary come here!"

Ayaw kong lumapit.

"Come on, may papakilala lang ako sayo." Tawag niya ulit. "Bilis na saglit lang naman." Wala na akong nagawa kundi lumapit.

Pagharap ko sa kanila. "Oh, what happened to your face?" Gulat na tanong ni kuya pagkakita ng mukha ko, samantalang ang bisita naman niya ay pilit na pinipigilan ang tawa.

Ganon na ba talaga kasama ang itsura ko?

"Her boyfriend cheated on her!" Ang lalaki ang sumagot kaya agad akong napatingin sa kanya.

"What?" Nakakunot ang noo na reaksyon ng kapatid ko.

"Siya ang ikinukuwento ko sayong babae na tinulungan ko kaya hindi ako nakarating sa usapan natin last time.

Sige lang ibuko mo pa ako!

My kuya looked at me. "Sabi ko na kasi sayo na sa mukha pa lang hindi na mapagkakatiwalaan ang Theo na 'yan." Niloko na nga ako sinermonan pa ako!

Hindi na lang ako sumagot kasi wala naman akong isasagot yumuko na lang ako.

"By the way, that's Brayden my bestfriend during my college days. Kakabalik pa lang niya from US." Pag-iiba niya ng usapan, nakaramdam din siguro na it's not the right time to scold me.

Napaangat ako bg tingin. "Akalain mo 'yan Kuya nagkakaroon ka rin pala ng kaibigan!" Pabulong na sabi ko.

Masyadong istrekto at napakaseryoso sa buhay kasi nitong si Kuya John kaya himala para sa'kin na may tumagal sa kanyang kaibigan.

When I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon