Chapter Ten

437 16 0
                                    

JOZZARY

Pagkabihis ko ay lumabas na kami, habang nasa car kami ay pareho lang kaming tahimik, ewan ko ba kung bakit parang nagkakahiyaan kami. Pero pagdating naman namin sa restaurant ay naging okay ulit, nauusap na kami. Siguro kanina nagpapakiramdaman muna kami kaya wala kaming imik.

Nag-order na kami nang pagkain then habang hinihintay namin ang foods namin nagkwentuhan kami ng kung ano-ano lang. Ngayon ko lang nalaman mahilig 'din pala si Brayden magjoke. Ewan ko lang kung talagang nakakatawa ang mga jokes pero natawa kasi ako.

I laugh like there's no tomorrow because of his jokes. Kaya naman minsan napapatingin sa amin ang mga tao dahil sa kakatawa ko.

Tumigil lang si Brayden sa jokes niya nang dumating na ang foods namin. Then nagstart na kami kumain.

"Ngayon alam ko na kung bakit kayo naging magkaibigan ni Kuya." Sabi ko bigla habang kumakain kami.

Napatingin siya sa akin. "Huh!?"

"Siguro dahil napapatawa mo si Kuya sa mga jokes mo kaya naging magkaibigan kayo." Sabi ko then he smile.

"Well actually, Yes, he always laugh when I joke." Nakangiting sagot niya. "Hindi ngang mapagkakailang magkapatid kayo kasi pareho kayong natatawa sa mga corny kong jokes." Dagdag pa niya.

Awtomatikong napangiti ako ng malapad. "Corny ba 'yung jokes mo?... well I don't know... Pero siguro nga mababaw lang ang kaligayahan namin magkapatid kaya madali kaming matawa sa mga simpleng joke." Aniya ko at bigla akong nalungkot dahil bigla kong namiss si Kuya.

Naalala ko noong nabubuhay pa siya, mahilig kaming manood ng mga movies na comedy, then kahit hindi naman 'ganung nakakatawa ang mga scene ay tawang-tawa na kami. Like what I said nga mababaw lang kasi ang kaligayahan namin kaya 'ganun kami.

"Don't be sad." Sabi ni Brayden nang mapansin niya siguro na nalungkot ako bigla. "Nasa magandang place na ang Kuya mo with your parents and they're wathing you. So kapag nalulungkot ka I'm sure malulungkot 'din sila."

I smile a little at napabuntong-hininga na lang ako.

-----------------

Our date last night went well at ngayon kakagising ko pa lang dahil late na kami nakauwi kagabi. Pero sakto pa 'rin naman ang gising ko kasi maya-maya pa naman ang klase ko.

Paglabas ko ng kwarto ko ay biglang lumitaw sa harapan ko si Brayden kaya naman nagulat ako. Sa pagkagulat ko ay  na out of balance ako.

Inaasahan ko na sa sahig ako babagsak pero mabilis pala akong nasalo ni Brayden.

Biglang nagtagpo ang aming mga mata. Natulala ako at maging siya 'rin habang nakatitig kami sa mga mata nang isa't isa.

Parang tumigil ang mundo namin at parang naging slow motion ang lahat. Tapos Unti-unti ..... Unti-unting lumalapit ang labi niya sa labi ko..... Hanggang sa lumapit na nang husto......

Mag-lalapat na ang mga labi namin.... Nang biglang may tumikhim kaya agad kaming napatayo nang maayos.

Napalayo ako kay Brayden at napalingon ako sa tumikhim, si Yaya Lourdes pala.

When I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon