Chapter Eight

445 18 0
                                    


JOZZARY

IN TWO weeks ay naayos namin ni Brayden ang church weeding namin. Umuwi pa ang mga magulang ni Brayden galing US para lang sa church weeding namin.

Since alam na rin naman sa buong department namin na kasal na ako ay inimbitahan ko rin sila at maging ang mga Professor din namin.

Tuwang-tuwa at kilig na kilig naman si Vanessa dahil siya ang maid of honor ko.

Ako naman hirap na hirap mag-acting na inlove kami ni Brayden sa harap ng mga bisita namin, pero naging maayos naman ang lahat.

"Hay! Salamat tapos na." Sabi ko habang naka upo ako sa couch sa kwarto kung saan kami naka check-in ni Brayden.

Syempre ang reception sa hotel kaya kailangan naka check-in din kami para kunwari honeymoon.

Ngumiti siya at umupo rin sa harap na couch. "Magpahinga ka na." Sabi niya sa'kin.

Napatingin ako sa kanya. "Isa lang kama, paano tayo matutulog?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa king size na kama.

"Sa bed ka na, ako naman dito na lang sa Sofa." Sagot niya na nakangiti pa rin.

Napa-nguso ako bigla. "Okay ka lang ba dito?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya dahil baka hindi siya komportable na mahiga sa sofa.

Ngumiti siya ng malapad. Ewan ko ba kung bakit  bigla akong natulala dahil sa pagkakangiti niya sa'kin.

"Okay lang. Sanay naman ako matulog sa sofa." Natauhan ako bigla ng magsalita siya.

Dahil sa medyo napahiya ako sa aking sarili dahil sa biglang pagkatulala ko habang nakatingin sa kanya ay agad akong napatayo. "Ah, sige — magpapahinga na ako." Sagot ko saka mabilis na akong lumapit sa kama at nahiga na't nanalikod sa pwesto niya.

Shit! Ano ba 'tong nagyayari sa 'kin ngumiti lang si Brayden natulala na ko. Hindi naman ganito ang reaksyon ko dati ha! Oh, don't tell me na-fafall na ako sa kanya.

Hindi! Imposible naman na mainlove ako sa kanya. E, bibihira nga lang kami magkita saka this past few days lang kami nagkakausap dahil sa pagplaplano ng church weeding namin.

I know wala lang ito! Baka pagod lang ako!

* * * * * 

KINABUKASAN bigla akong nagising dahil nakaramdam ako nang pagka-ihi kaya mabilis akong bumangon at dumeretso sa banyo.

Pagkasok ko sa C.R nanlaki ang mata ko sa pagkagulat ng makita kong naliligo si Brayden.

"Hahhhhhhh!" Malakas na sigaw ko sabay takip ng mata.

Napasigaw din si Brayden sa pagkagulat. Mabilis niyang kinuha ang towel at tinakpan ang katawan.

"Ano ginagawa mo dito?" Tanong niya sa'kin.

Hindi ko pa rin inaalis ang kamay ko nakatakip sa mukha ko. "Iihi sana — bakit naman hindi mo ini-lock ang pinto." Paninisi ko sa kanya.

"Akala ko kasi mamaya ka pa magigising — tangalin mo na nga yang kamay mo sa mata mo —"

"Huh? — eh —"

"Wala na, I mean nakatakip na ako." Kahit hindi man niya sabihin alam kong natatawa siya.

Tinangal ko na nga ang kamay ko. "Iihi muna ako,tapos ka na ba?" Tanong ko sa kanya dahil talagang ihing-ihi na ako, pero hindi ako makatingin ng deretso dahil nahihiya ako.

When I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon