Chapter Five

527 36 0
                                    

JOZZARY'S P.O.V


APAT na araw lang nakaburol si Kuya dahil mabilis naman nagsi-uwian ang mga relatives namin na nasa ibang bansa ng malaman na patay na ang kapatid ko.

Ang sakit-sakit pa rin athindi ko alam kung papano pa ako mabubuhay ngayon na wala na si Kuya.

Parang tumigil ang ikot ng mundo ko dahil sa pagkawala niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matangap na wala na siya.

Ilang araw na akong lagi lang nakakulong sa kwarto, hindi makakain ng maayos at iyak lang ng iyak.

Nag-aalala na nga si Yaya Lourdes dahil sa'kin pero hindi ko talaga kaya kahit ilang beses ko pinipilit na tanggapin.

* * * * 

KAKAGISING ko lang ng may kumatok sa kwarto ko. Kaya kahit tamad na tamad akong bumangon ay tumayo pa rin ako para buksan ang pinto.

Pagbukas ko ay si Brayden ang tumambad sa'kin.

"Bakit?" Walang kabuhay buhay na tanong ko sa kanya.

"Ayusin mo ang sarili mo darating si Attorney." Sabi niya sa'kin.

"Bakit?"

"Babasahin niya ang last will and testament ng Kuya mo."

"Ayaw ko hindi pa ako handa." Sabi ko habang nakatingin lang sa kanya.

Bumuntong-hininga siya ng malalim. "Jozzary sa tingin mo matatahimik ang kapatid mo sa kabilang buhay kung ganyan ka —" Aniya pagkatapos ng malim na buntong-hininga niya.

Dahil sa sinabi niya ay hindi ko namalayan na bumagsak na pala ang mga luha ko. "Ganyan ka magsalita kasi hindi mo alam ang nararamdaman ko! Hindi mo alam kung gaano kahirap ang nararamdaman ko ngayon wala na akong pamilya —" Garalgal ang boses na sabi ko sa kanya.

Hinawakan niya ako sa makabilang balikat. "Alam ko masakit pero hindi matutuwa ang Kuya mo kapag ganyan ka, you have to pull yourself together — andito kami ni Yaya Lourdes para sayo, mula ngayon kami na ang ituring mong pamilya, hindi ka namin papabayaan."

Gusto ko pa sanang sumagot pero hindi ko na nagawa iyon dahil hindi ko na kinaya at napahagulgol na ako ng iyak, kaya mabilis niya akong niyakap.

"Shhhh don't cry — hindi magiging masaya si John kapag nakikita ka niya umiiyak." Pang-aalo niya sa'kin.

Ilang minuto rin akong umiiyak habang patuloy lang si Brayden sa pagyakap sa akin at pag-aalo.

"Sige na mag-ayos ka na anytime darating na si Atty." maya-maya'y sabi niya sa'kin at humiwalay na siya sa pagyakap sa akin.

Pinunasan din niya ang mga luha ko gamit ang kanyang mga kamay pagkatapos ay hinawakan niya ako sa kamay. "Be strong" Aniya sabay ngiti ng tipid.

Tumingin ako sa kanya at tumango. 

Tama naman din kasi ang mga sinabi niya kanina na  panigurong malulungkot si Kuya kapag nagpakalugmok ako. I need to be strong.

* * * * 

INAYOS ko na ang ang aking sarili saka naligo ako at nagbihis na, pagkabihis ko ay bumababa na ako.

Naabutan ko si Brayden at si Atty. na nag-uusap. Mabilis akong lumapit sa kanila at bumati kay Atty..

"I am sorry Hija, alam kong hindi ka pa ready marinig ang Last Will and Testament ng Kuya mo pero hiling din niya kasi na kung mawawala man siya ay basahin raw agad sayo ang —" Sabi ni Atty.

When I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon