CHAPTER 11: Without Her

27 1 0
                                    

' "sorry" doesnt prove anything unless you MEAN IT ' - by someone from twitter.

============

Jared's POV

Naisipan kong bumisita muna sa lola ko sa tagaytay para makapagisip-isip.

Wala naman akong pwedeng gawin sa may amin kasi wala naman doon si Alisson. Miss ko na talaga siya lalo na yung yakap niya tsaka yung pagtugtog niya ng piano.

Mangangabayo na lamang muna ako. Ipinarada ko ang kotse ko sa parking at nagtuloy sa kulungan ng kanilang mga kabayo.

flashforward

Padalawang araw ko na dito sa mansion ni lola... kinamusta niya sina mommy at daddy pati na rin si Leanna.

Naandito ako ngayon sa balcony nakatingin sa kawalan nang biglang may kotse akong nakita na papalapit...

Parang nakikilala ko yung kotseng yun parang kay Alisson nang tumigil ang kotse ay bumaba si Leanna at Elisha... dali dali akong bumaba mula sa fifth floor ng mansion tatakbo na ako at muntikan pa akong madapa.

Nang makababa ako sa may living room nakita kong papaalis na yung kotse kaya naman hinabol ko ito... ngunit sadyang may kabagalan na ako dahil mula fifth floor ay tumakbo ako kaya naman hindi ko na siya naabutan.

"Kuya!" sigaw ni Leanna sa akin noong patuloy lamang ako sa pagtakbo habang hinahabol yung kotse.

"Damn! Hindi ko na naabutan!!!" sigaw ko.

Nilapitan ko yung dalawa at tinanong kung saan nila nakita si Alisson ngunit ayaw sabihin ni Elisha at dahil takot si Leanna kay pinsan ay hindi na lamang siya nagsalita.

Lumipas pa ang mga araw at nagpasukan na sa university namin.

Nga pala isa ako sa mga varsity ng school... pero nakakawalang gana na atang maglaro lalo na at wala na yung nagchicheer para sa akin.

Dumating na yung professor namin, kaya lamang ay anak talaga ng pating yung coach namin inexcuse kami kasi daw meron kaming practice game kasama ang mga taga Royal Alliance University.

Ayos din sa akin ang pagliban sa klase pero ayaw ko naman na magbasketball ngayon kasi wala ako sa mood.

Kaya naman magmula sa Majorosoir ay nagbyahe kami papuntang RA Univ kasama ang buong basketball team.

Nang makarating na kami sa RA Univ ay talaga namang pinagtinginan kami ng mga estudyante. Medyo nakakailang pero okay lang.

Nakarating kami sa gymnasium ng school nila at hinihintay na kami doon. Nagsimula na ang laban.

Halos lahat ng boys sa RA Univ may taga cheer, mga GF siguro nila habang sa amin mga lima ata kaming walang taga cheer.

Kung dati nandyan ang mga GF namin lahat sila umalis na.

Yung GF ni Joseph umalis dahil nalaman na pustahan lang ang nanging dahilan para maging sila, si Authur nakipagbreak sa GF kasi nagsasawa na daw siya pero noong narealized niyang mahal niya pa ayaw na siyang balikan, si Andrew iniwan ng GF kasi nakabuntis daw ang loko which is hindi totoo, si Allen nakipag away kay Marj last month pa... eh parehas mapride ayun hanggang ngayon hindi pa nagkakabati, at ako alam niyo naman ang kasalanan ko kaya nawalan ako ng GF diba.

Palaging nakakashoot yung player number 17 nila at hindi lang basta shoot... 3 point shot ang ginagawa niya. Kahit maliit siya ay talaga namang napakagaling niya.

Nang matapos ang laro ay 40:65 ang score lamang ang mga taga RA Univ.

After naming magpasalamat sa kanila ay umuwi na din kami pero bago kami tuluyang makaalis ay nagannounce pa si coach.

"Boys! Next practice partner natin ang mga taga DLSU Taft Campus." sabi niya at umalis na agad.

Nagdatingan na ang mga GF nung ibang mga members at ako na parang tanga ay tumitingin tingin parin sa kanila, umaasa na sana makita ko si Alisson among them pero it seems that I'll be waiting in vain kasi wala namang Alisson na lalabas at magtatanong kung kamusta ang nangyari sa practice game.

Umuwi na lamang ako pero dumaan muna ako sa madalas naming tambayan ni Alisson sa campus...

sa Library.

Dito ko siya unang nakita.

Nagawa ako noon ng assignment, more like nangongopya ng assignment kay Melvin. Nasa medyo likuran kami kasi dito malapit yung aircon. Busy ako sa pagsusulat noon nang biglang may tumabi sa akin sa upuan.

Si Alisson yung tumabi sa akin noon. May hawak siyang limang libro na makakapal pero hindi halata sa mukha niya na palaaral siya. Noon ko siya unang nakita.

Habang naalala ko yun ay medyo napapangiti ako pero thinking about it parang tanga na pala ako kasi nang marealize ko na wala nga pala si Alisson bigla na lamang akong napayuko.

Nang nasa library na ako ay umupo lang ako sa fave spot ni Alisson... yung malapit sa bintana... kita kasi doon ang mga dumadaan na sasakyan.

Nanatili lang ako doon ng ilang saglit at umuwi na din ako. Si mama ang sumalubong sa akin sa bahay. Sabi niya ay umalis daw si papa... Business trip daw.

Dumating naman si Leanna at sinabing...

"Balita ko natalo daw kayo ng mga taga RA Univ... nu nangyari? Tatanga tanga na naman bang maglaro si Melvin? Bayaan mo at pagsasabihan ko."

"Hindi... siya nga ang nagdala sa buong laro eh." sabi ko.

"Eh ano bang nangyari?" tanong niya.

"Distracted lahat ng player eh... mga broken hearted." sagot ko... totoo naman eh.

"Ah kaya naman pala. So anong school ang susunod ninyong practice partner?

"La Salle Taft..." walang kagana gana kong sagot.

"Ah... HA!? Sa La Salle Taft!?" sigaw niya at bigla na lang nagtatakbo palabas ng bahay at maya maya pa ay nagsisisigaw na siya doon habang tinatawag ang pinsan naming si Elisha na ang bahay ay halos katabi lang namin.

"ELISHA!!!" yan lang ang nadinig kong isinigaw niya dahil nagsalpak na ako ng ear plug bago pa siya magsalita ulit.

No More Room for Heartaches: ON GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon