CHAPTER 1: The Break-Up!?

75 4 0
                                    

October 7, XX07

Alisson's POV

Excited na ako ngayon kasi magkikita ulit kami ng boyfriend ko na si Jared and were gonna spend our second anniversary together.

Ako nga pala si Alisson Rose Rodriguez.

Dumating ako sa may meeting place namin at naghintay doon, pero lumipas ang dalawang oras na nakatayo lang ako doon habang iniintay siya. Inabot na ako ng 6 pm kakaintay sa kanya pero hindi pa din siya dumadating. Naglakad lakad na muna ako hanggang sa mahagip ng panignin ko ang pamilyar na mukha ng aking boyfriend na aking kinatuwa kaya lang napansin ko na may kasama siya. Magkahawak ang kanilang kamay at nakaakbay siya dun sa babae. Hinalikan niya bigla yung pisngi nung babae. Masayang masaya silang dalawa.

Lumapit ako sa kanila at nagsalita, "Jared...?" hindi ko na napigilan ang mga luha ko kaya naman pumatak na ang mga ito. Halata sa mukha niya ang pagkabigla kaya naman naglakad na lamang ako papalayo sa kanya, sa kanila pala. Dirediretso lamang ang aking paglalakad at hindi tumitingin sa gawi nila.

Lakad pa rin ako ng lakad hanggang sa maabot ko na ang labasan at tuloy pa din ang pagtulo ng mga luha ko. Mukha na siguro akong timang, bahala na nga uuwi na lang ako buti na lang dala ko yung kotse ko. Noong saktong lalabas na ako ng pintuan ay may biglang humila sa akin at iniharapa ako sa kanya. Hinila niya ako papunta dun sa may National Bookstore at dinala dun sa may book sections.

"Alisson... ano... yung nakita mo... wala lang yun..." pagpapaliwanag niya.

"Jared tama na... pang ilang beses mo na yang sinabi sa akin eh... siguro hindi talaga ako sapat para sa'yo kaya mo nagagawang humanap ng iba... Let's just break up... para naman hindi mo kailangang magtyaga pa sa akin at magpanggap na mahal mo ako... Tsaka siguro naman mahal mo siya... kasi yung ngiti mo kanina... yun yung ngiti na gustong gusto kong laging nakikita pero pag magkasama tayo lagi ka lang nakasimangot" sabi ko sa kaniya pero hindi siya nagsasalita.

Pinunasan ko ang luha na nasa mata ko at tumingin sa mga mata niya ng diretso. "Isa pa Jared hindi mo naman kailangan na itago sa akin eh... papalayain naman kita mula sa akin kung ayaw mo na talaga... Pero ayos lang... maging masaya ka na sana" ako sabay walk out.

Umuwi ako sa bahay na tinitirahan ko, malapit sa school, kung saan ang kasama ko ay si Maricel na kaibigan ko simula high school. Napansin niya ata na umiiyak ako kaya sinundan niya ako sa loob ng kwarto ko.

"Alisson? Anong nangyari?" tanong niya.

"Wala to... oo nga pala uuwi muna ako sa amin ha?" sabi ko sa kanya.

"Sige... ingat ka sa byahe ha" sagot naman niya.

Kinuha ko ang mga damit ko sa drawer at inilagay sa bag at pagkatapos ay umalis na... Buti na lang at saktong semestral break na.

No More Room for Heartaches: ON GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon