CHAPTER 12: Kambal!!!

39 1 0
                                    

Leana's POV

"ELISHA!!!"  yan ang sigaw ko paglabas ko ng bahay.

"Ano!?" sigaw pabalik ni Elisha habang may dala pang spaghetti nang makalabas siya sa bahay nila na katapatan lang ng bahay namin.

"We have a major problem!!!" sigaw ko habang lumalapit sa kanya.

"Alin yung tungkol sa practice game ng DLSU at Majorosoir? Anong problema dun maganda nga yun eh tsaka malayo pa naman yun. Sa maka new year pa yun eh" sabi niya habang sumusubo sa spag niya.

Lumapit ako at inagaw sa kanya ang tinidor at nakikain sa kanya. Nakita ko siyang nagtaas ng kilay at hinila ako papasok sa bahay nila, pinaupo sa harap ng hapag at hinainan ng pagkain. Ngumiti ako sa kanya at nilasap na ang pagkain... alangan namang itapon ko diba?

Alisson's POV

"Uy Lily saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko sa kanya kasi kanina niya pa ako hinihila pero wala naman siyang nasabi tungkol sa kung saan kami pupunta.

"Basta may ipapakilala lang akong ka birthday mo" sabi niya. Napagkwentohan kasi namin ang birthday ko tapos bigla na lang niya akong hinila.

Maya maya pa ay nasa harapan na kami ng Supreme Student Government Office.

Ano naman kaya ang gagawin namin dito?

Kumatok siya at binuksan ang pintuan, tumambad sa amin ang magulong opisina ng SSG kung saan nagkalat ang mga bagay na may kinalaman sa mga estudyante gaya ng t-shirts at mga kung ano anong papeles.

Nagkakagulo din ang mga member ng SSG, mayroong nakatungo sa mga papel habang hawak ang isang calculator, mayroon namang may kausap sa CP, meron din na pilit inoorganize ang mga nagkalat na papel. Ang pinaka-kapansin pansin sa lahat ay ang babaeng nakaupo sa harap ng lamesa habang tinitipa ang keyboard ng kanyang laptop habang may binabasang papeles at may kausap sa telepono. 'Isang tunay na multi-tasker', naisip ko na lang.

"Hey guys" masiglang bati ni Lily sa mga nasa loob ng silid.

"Ay Lily buti napadaan ka ulit! Tulungan mo naman akong magayos dito ng mga documents oh, please!" pakiusap ng babaeng kanina ay nagoorganize ng mga papel.

"Sure!" sabi ni Lily at nilapitan ang babaeng nakiusap. Tumulong na rin ako dahil hindi ko na rin naman alam kung ano ang gagawin ko.

Nang matapos na kami sa pagaayos ng documents ay nilapitan namin yung multi-tasker na babae.

"Hi Pia!" saad ni Lily.

“Hey Isay ano nga palang kailangan mo at napadpad ka dito?” tanong nung babaeng multi-tasker na ngayon ko lang napansin na nasa tabi ko na pala.

"Ei! Stop calling me Isay! Anyway this is my friend. You’re at the same age, and guess what? Magkabirthday kayong dalawa " saad ni Lily habang ipinapakilala ako.

“Wow really?” sabi nung babae at humarap sa akin at kinamayan ako. “It’s nice to meet you I’m Sophia Nicole Corpuz, Pia for short.” Saad niya ulit.

“Uh-um… I’m Alisson Rose Rodriguez, it’s a pleasure to meet you too.” sagot ko naman at tinanggap ang kamay niya.

“So pano bayan? Edi magkakambal na kayo?” saad ni Lily. Napatingin kami ni Pia kay Lily at napatingin sa isa’t isa.

“I guess that’s not a bad idea…” saad ni Pia at humarap sa akin "so? Kambal?" tanong niya sa akin at nakikipagkamay at dahil may pagkafriendly din naman ako ay nginitian ko siya at kinamayan sabay sabing "Kambal!"

"Oh guys witness kayo ah! Kakambal ko na siya ngayon walang kokontra kahit hindi kami magkamukha" saad ni Pia na humarap sa ibang pang naroon sa council room.

"Yes Miss Pres." sabay sabay na tugon ng nadoon.

"Guys lunch na tayo, walang magandang magagawa kung gutom." pagaakag ni Pia.

"Hay sa wakas!!!!" sigaw ni miss paper organizer.

So ayun na nga naglunch kami at nagkwentuhan ng konti tapos naiopen up ko na din yung naging situation ko at yung pagiging broken hearted ko. Siya din nagopen up...

...ang reason daw kung bakit nagpapakaabala siya ay dahil nakipagbreak na daw ang boyfriend niya sa kanya yun lang, hindi niya binanggit kung sino yung ex-BF niya.

==========

AN: ayan na JAD ah! Dedicated pa sayo.

No More Room for Heartaches: ON GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon