Chapter 14: Christmas Get away Slash Party with the GIRLS

26 1 0
                                    

Alisson's POV

"So this so called 'stalker'... oh scratch that. 'Admirer' of yours is none other than... Paolo?" sabi ni Lily.

Tumango naman ako at nanahimik na ulit.

"At nagsimula na siyang ligawan ka?" tanong niya ulit.

Tumango lang ulit ako.

"Aba matindi!" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. "Ex-boyfriend siya ni Pia, aba balak pa yatang gawin kang pamalit kay Pia. Naku Ali ako na nagsasabi sa'yo wag na wag mong papatulan ang langyang kulugong yun. Basta na lang nun binreak si Pia eh, napaka walang kwentang lalaki" litanya niya.

"Ah ok" sabi ko na lang wala naman kasi talaga akong balak sagutin ang lalaking yun o kahit na sinong lalaki sa ngayon. Magtatapos muna ako.

"Setting that matter aside. Anong balak mo sa Christmas?"

"Uuwi?" sabi ko

"Nye hindi ka ba gagala man lang?" tanong niya.

"Hindi na mas gugustuhin kong kasama sina mama" sabi ko at inabot ang tasa kong may lamang tea.

"Ano ba yun ang boring buti pa yayain natin sila magmonito-monita din tau. Then magpa-fireworks din tau. Maganda din siguro kung aayain natin sina Leana and Elisha. Tap--" sabi niya na pinutol ko.

"Woah!! Hold your horses. Ni hindi pa nga ako nakakapayag nagpaplano ka na agad" sabi ko.

"Hehe. Excited lang peace!" sabi niya at nag peace sign pa.

"So anyway saan naman tayo magmomonito monita?" tanong ko kay Lily.

"Gagala tayo sa rest house namin sa Batanggas!" sabi nito.

End of POV

Elisha's POV

Maaga akong nagising dahil sa pambubulabog ni Leana. Ngayon ayan siya hindi magkandatuto sa pag aayos ng maleta kong may damit. Ako naman nakatunganga lang sa kanya at hihikab hikab.

"Ano ba kasing meron ha? *yawns*" ako yan.

"Niyaya tayong gumala ni Lily for Christmas!!!" tuwang tuwa na sabi ni Leana.

"Ha? Baka ikaw lang ikaw ang bestfriend nun e" sabi ko at nahiga ulit.

"Kasama si Alisson" sabi niya kaya napabalikwas alo ng bangon nahulog pa nga ako sa kama and nauntog pa ako sa carpeted floor ng kwarto ko. Napa "aww!!" na lang ako. Tinawanan naman ako ni Leanna at tinulungan na din.

"Easy ka lang nadinig mo lang ang pangalan ng bestfriend mo ay para kang nasilihan sa pang upo mo haha!" si Leana na inaalalayan akong makatayo.

"Heh! Minsan ko lang makasama ang bestfriend ko kaya manahik ka! Kasalanan ng kuya mong magaling!" sikmat ko naman sa kanya at tumawa lang ulit ang luka.

"Alam ko kaya ikaw ayusin mo na ang gamit mo nadidiri akong hawakan ang mga underwear mo" sabi niya at hinawakan ang bra ko ng dalawang daliri (thumb at index finger) sabay hagis nito sa akin na animoy diring diri.

"Alam mo ang arte mo!!! Parang hindi ka gumagamit ng underwear tsaka FYI lang ha malinis na yan kaya nga nasa damitan ko yan" sabi ko at nag cross arm pa at inirapan ko pa siya.

"Maarte na kung maarte bilisan mo na dyan at babyahe pa tayo papunta sa meeting place natin" sabi naman niya.

"Anong oras na ba?" tanong ko na napapakamot sa ulo.

"Aba ay 10:30 na kaya ng umaga. Ang batuga mo talaga pag walang pasok" sabi niya sakin kaya naman napilitan na akong umayos ng tuluyan.

"Anong oras daw ba magkikita? Tsaka saan?" tanong ko ulit.

No More Room for Heartaches: ON GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon