CHAPTER 8: Ikaw na naman!?

35 0 0
                                    

Kinabukasan...

Magluluto ako ngayon ng makakain...

nakapaligo na ako at lahat... kakain na lang at papasok...

May biglang kumatok sa pintuan ko...

"Good Morning Alisson!" sigaw ni Lily.

"Ah Good Morning din Lily" sabi ko naman.

"Pasok ka muna... kumain ka na ba?" tanong ko.

"Ah hindi pa sa school na lang ako kakain" sabi naman niya.

"Nako hindi pwede yan... kumain ka... halika sabayan mo ako... tamang tama nagluluto pa lang ako."

"Ah sige salamat!" sagot naman niya.

Nang makaluto na ako ay kumain na kami.

Simple lang naman yun... Nagluto lang ako ng pasta... vegetable pasta to be exact kasi alam ko naman na mahilig sa gulay itong si Lily... pero hindi ibig sabihin noon na vegetarian na siya ah.

Pumasok na kami and guess what ang first subject namin ay Advance Engineering Mathematics... grabe ang saya lang noon.

Pagkatapos ng kwentuhan at pagpapakilala sa mga bagong blockmates ay natapos na din ang Advance Engineering Mathematics... ang bait nga ng prof namin eh... after two hours pa ang susunod naming class which is Electromagnetics.

So ang ginawa namin ay naggala gala muna sa campus... kaya lang naantala ang paggagala namin ng may biglang bumangga sa akin... wow ha... pangalawa na ito ha... well naalala ko yung nangyari sa mall nung naggala kami nina Elisha.

Parang ganoon din kasi yung itsura ng namin ng nakabangga sa akin ngayon na nakaibabaw siya sa akin.

Wah!!! Nakakahiya! Nasa Campus kami at madaming nakakita ng pwesto namin.

Hindi pa siya nakakarecover ay tinulak ko na siya... tinulungan naman ako ni Lily na makatayo... Wah nahihiya tuloy ako.

"Ah miss... sorry ha..." sabi niya... hindi ako nakatingin sa kanya pero parang nadinig ko na ang boses niya.

"Ah... Ok lang po" sabi ko na papatingin sa kinatatayuan niya.

"IKAW NA NAMAN!" bigla kong naisigaw.

"Ah! Ikaw yung miss na nakapurple na blouse sa mall... wow hindi ko alam na dito ka din pala nagaaral" sabi niya.

"Ah opo... dito nga po..." sabi ko na lang... feeling kasi yung dating niya kahit ang gwapo niya.

"Ah ako nga pala si Paolo Alcaraz" sabi ni kuya na mahilig mandagan.

"Ah OK" sabi ko sabay talikod pero pagtingin ko sa mga mukha ng nanonood halatang nagulat sila... bakit?

then may narinig akong nagsalita...

"Akalain mo yon brad! may babae palang hindi tinatamaan ng charm mo?" sabi ng isang lalaki...

"Miss... hindi ka man lang ba magpapakilala?" tanong ulit nung Paolo?

"Ah ako po si Alisson... Alisson Rose Rodriguez..." sabi ko.

"wow ang swerte naman niya!" "Wah! Sana ako na lang siya!" "Swerte niya day! Bagay sila!" "Oo nga bagay sila!!!" "Ano nga ulit ang pangalan niya?" "Alisson daw!"yan ang mga naririnig ko.

"Sige po una na po kami." sabi ko at saka ko hinila si Lily.

"Alisson! Ano course mo?" tanong niya.

No More Room for Heartaches: ON GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon