CHAPTER 7: Malling Now and then Movie Marathon Later...

32 0 0
                                    

Still Leana's POV

Suddenly may nagdoor bell.

"That must be Alisson... sama kayo sa amin na mag shop? Para bonding na din" sabi niya then pumunta siya sa may door... nasa sala nga pala kami ng condo niya...

"Hi Lily! Ano ready ka na? Tara" sabi ng pamilyar na boses sa labas.

"Wait... pasok ka muna" sabi naman ni Lily

"OK" sabi ulit nung pamilyar na boses

Nadinig ko ang pagsaradong pinto... then mga yabag na papalapit sa kinalalagyan namin ni Elisha.

"WAH!!! ELISHA BESTFRIEND!!! WAH PATI SI LEANA!!!" sigaw ng nakangiting si Alisson

"Hahaha!!! Bestfriend! How are you girl? Are you OK?" tanong agad ni Elisha habang yakap si Alisson.

"Ah Ok lang ako... so ba't nandito kayo?" tanong niya

"bibisitahin ka sana pero inuna muna naming puntahan si Lily... bestfriend pala siya ni Leana..." sagot ni Elisha...

"Ah ganun ba? So gusto niyo ba sumama sa amin ni Lily na magmall mamimili kami ng school supplies gala gala na din." sabi ni Alisson.

"Sure!" sabay naming sabi ni Elisha.

Nagready na din si Lily...

Nang makasakay kami sa car ni Alisson ay nagdiretso na kami sa Mall...

Siyempre habang nasa byahe ay hindi mawawala ang kwentuhan...

Parang naging reunion na din kasi ito...

Magkasama ba naman ang mga magbest friends... ako at si Lily... si Alisson at si Elisha...

Nakarating kami sa MOA... medyo mahaba din yung byahe kasi napakatraffic talaga!

Galing nga pala kami sa Taft Avenue... then papunta sa may coastal oh diba bonga tapos traffic pa...

Pagkapark na pagkapark ni Alisson ng car niya eh hinila na namin siya kung saan saan...

Nakabili naman kami ng mga kailangan niya then may bigla na lang bumangga sa kanya na lalaki...

END Of POV

Alisson's POV

"Wah!" sigaw ng isang hindi kilalang lalaki.

"AY!" napasigaw na din ako... paano ba naman bigla na lang niya akong binangga...

Then before I knew it ang halay na tingnan ng pwesto namin... nakahiga kasi ako tapos siya ay napadapa sa ibabaw ko...

Wah!!! Nakakahiya! Nasa MOA pa man din kami...

then bumangon na siya then nagtama yung paningin namin kaya naman bigla ko siyang naitulak... Nakakahiya talaga!!!

"Ah... Miss na naka purple na blouse... sorry po kanina..." sabi niya habang hawak hawak sa kwelyo yung kasama niyang lalaki...

"Ah... Ok lang po... magingat na lang po kayo sa susunod..." sabi ko na lang at hinila na si Elisha paalis doon... alam ko naman na nakasunod na sa akin sina Leana at Lily kaya hindi na ako nakalingon.

Noong nakita ko kasi yung mukha ni kuya na nangbangga sa akin ay bigla na lamang ako napatulala for a while buti hindi niya napansin.

ANG POGI!!! promise!

Ay nako... naalala ko na naman si Jared.

Aish!

ALISSON! FORGET ABOUT THAT JERK!

Nagiging adik na ata ako... inuutusan ko na kasi ang sarili ko... nababaliw na ako!

Pusang galang yan...

Nawala na ako sa mood na maggala kaya naman nagyaya na akong  umuwi... sabi ko sa kanila na doon na lang muna sila sa condo ko.

well pumayag naman sila at sabi pa nila dahil hindi daw kami nakapagsine eh magmovie marathon na lang daw kami... so ano pa nga ba?

Eto ako ngayon sa kitchen at inihahanda ang pagkain namin kasi sineset up nila yung dvd set eh.

Nag bake ako ng cookies at ngayon naman ay nagawa ako ng cherry pie na favorite ni Elisha... well nakagawa na din ako ng egg pie kanina na like naman ni Leana.

malaki kasi ang kitchen ko... dalawa ang oven tsaka madami akong stock na ingredients... Nag cooking lesson kasi kami ni Luna dati.

Nang hinahango ko na ang cherry pie ay may biglang lumapit sa akin at nagsalita.

"WAH! Bessy! Ambango!" si Elisha yan.

"Hahahaha!!! Syempre favorite mo kaya yan... CHERRY PIE!" sabi ko.

"Wah! Kaya labs na labs kita best eh!!!" sabi niya sabay hug sa akin.

Ako? Napapatawa na lang dito.

Tinulungan ako ni Elisha na dalhin ang mga binake ko sa sala para makapanood na kami.

Pagkapasok namin sa sala ay nauusap pa ang dalawa ni Leana at Lily kung ano ang papanoodin.

at dahil ako'y may biniling movie na gustong gusto ko talagang panoodin ay sinuggest ko na.

"Crazy Little Thing Called Love na lang panoodin natin..." sabi ko

Pumayag naman sila at sinalang na yung CD habang ako naman ay busy sa pagkuha ng drinks namin at ilang chips... sigurado namang maghahanap sila sa akin ng ganoon eh...

Nanood na kami... natawa kami na kinilig tapos bigla biglang nagiyakan... tapos sa huli kinilig na naman.

Ang galing nga ni Elisha eh... naubos niya yung cherry pie eh pang apat na tao yun... tapos kami nina Leana eh hindi pa nakakaubos ng egg pie... at dahil wala kaming balak matulog eh nanood pa kami ng iba pang movie... at dahil ng sa dami ng movie na pinanood namin ay naubos namin lahat ng cookies na binake ko... yun nga lang inabot na kami ng five thirty ng umaga sa panonood.

Ok lang... enjoy naman... after a month na hindi ko sila nakikita eh nakasama ko na ulit sila.

Pero kailangan na nila magpaalam kasi may pasok na ako kinabukasan.

Bago sila umalis ay nangako sila na hindi ipagsasabi kung nasaan ako...

pero bilang kapalit daw ay dadalaw sila sa akin pag may free time sila... pumayag na lamang ako kasi wala naman akong magagawa sa kakulitan pa lamang ng bestfriend ko.

Iniayos ko na ang mga kailangan kong gamit para sa pasukan bukas.

No More Room for Heartaches: ON GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon