CHAPTER 3: Ignored calls and Her BFFs!

39 1 0
                                    

Natapos ang usapan namin ni mama at ako'y  naligo na, nagbihis at kung ano ano pa. Nang matapos ko na ang aking ginagawa ay sinilip ko ang aking cellphone. Ang daming miss call umabot na sa 142 miss calls... nang buksan ko ay tumanbad sa akin ang pangalan ni Jared. Sa kanya galing lahat ng tawag...

At eto na naman sa pang 143 na beses tumatawag siya...

Ikinancel ko ang call niya at pinatay ang cell phone ko tinanggal ko na ang sim. Papabili na lang ako kay Ace ng sim.

Hiniram ko kay mama yung phone niya at tinawagan si Ace. Nagpabili ako ng sim card at chocolate.

Buti na lamang at nakasave lahat ng no. ng mga kalilala ko sa CP at hindi sa sim.

Pagdating ni Ace ay kasama na niya sina Frank at Luna.

Niyakap agad ako ni Luna kasi namiss na daw niya ako. Bigla na lamang nagsalita si Frank...

"Break na kayo no?" tanong niya... paano niya nalaman at buti na lang nasa kusina na si Ace at tinutulungan si mama na maghanda ng spag.

Tumango na lamang ako at ikinuwento sa kanila ang lahat.

"Bakit hindi mo sinampal ng malakas lakas para naman natauhan! Sa ganda mo ba namang iyan ipagpapalit ka pa!"bulalas bigla ni Luna.

"Hayup yung lalaking yun ah... Tara resbakan na natin!"sigaw naman ng galit na si Frank, hinawakan ko na lamang ang balikat niya at umiling. Mukha namang nakuha niya ang gusto kong mangyari kaya kumalma agad siya.

"Ayaw ko nang manumbat... kasalanan ko din naman eh." sabi ko na lamang.

Pumasok si Ace sa may sala at tinawag kami dahil nakahanda na daw.

Lumipas ang mga ilang oras ng nagpasiya silang magsiuwian. Binigay ko na din sa kanila ng new contact no. ko.

Pagkaalis na pagkaalis nila ay natulog na ako.

No More Room for Heartaches: ON GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon