CHAPTER 2: Home Sweet Home!

41 1 0
                                    

Umuwi ako sa bahay namin na kahit na isa sa mga bago kong kaklase ay walang nakakaalam.

Nagtuloy agad ako sa kwarto ko at natulog since parang tulog na naman silang lahat.

Kinabukasan ay nagulat ang lahat sa bahay nang lumabas ako sa kwarto ko.

"OH ATE ANDITO KA NA PALA!" si Ace sabay yakap sa akin... Laki na ng kapatid ko oh... binata na!

"Haha! Namiss mo ako? Binata ka na ah... may nililigawan ka na ba?" tanong ko sa kanya

"Wala pa ah!" sagot niya pero bigla siyang namula

"Edi wala! Sabi mo eh." sagot ko naman

"Musta ang school?" tanong ng mama ko

"Ok naman po... ah Ma pede po ba tayong mag usap yung tayong dalawa lamang?" - ako

"Sige... dun tayo sa kwarto mo. Ace punta ka muna sa bayan bili ka ng ingredients para sa spaghetti at tsaka bumili ka na din ng ice cream para sa ate mo tapos papuntahin mo dito si Frank at si Luna." sabi ni mama.

Best friends ko nga pala sina Frank at Luna simula pa ng high school. Don't get it wrong ha... straight na lalaki si Frank in fact naging crush ko yan nung una eh. May girlfriend na yan ngayon.

"Sige po... pahiram ng kotse ma!" sagot niya na tinanguan lang ni mama.

Pagkaalis ni Ace ay nagusap na kami ni mama. Sinabi ko lang naman na gusto ko nang lumipat ng school kasi ayaw ko na sa current school ko. Pumayag naman siya kasi alam din niya na naghiwalay na kami ni Jared pero syempre hindi ko binanggit ang dahilan kung bakit. Baka mahigh blood si mama, mahirap na.

No More Room for Heartaches: ON GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon