CHAPTER 13: The so called 'Stalker'

19 2 0
                                    

Alisson's POV

Something wierd has been happening, ewan ko lang kung weird din para sa inyo ang makakita ng bouquet ng red roses sa ibabaw ng kotse niyo araw araw tapos may nakalagay na mga quotes about love.

Example ito:

1.] I'm far from perfect. I could have a flatter stomach, clearer skin, whiter teeth, better hair, etc. But at least I don't have an ugly heart [note: galing lang yan sa twitter ah kay @LoveQuotes]

2.] When I see you I can't help but smile.

basta mga ganung type tapos palaging walang pangalan ng sender.

Medyo nakakatakot din kasi baka stalker yun eh. Pagkakaalala ko kasi sa isa sa mga naging stalker ni Elisha noong high school kami eh nagpapadala na ng death treat after a month na magagandang quotes yung pinapadala kasi noon yung time na sinagot niya si Rhovie.

Medyo nakakatakot yung nangyari na yun at kinailangan pa ng body guard nung dalawa ni Elisha at Rhovie para lang makasiguradong safe sila buti na lang nahuli yung lalaki at dinala sa mental institution.

So balik tayo sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Papunta pa lang ako sa school, actually palabas pa lang ng unit kaya nakasabay ko si Lily kasi saktong kalalabas lang din niya.

"O Ali Paalis ka na din? Tara sabay na tayo gamitin natin kotse ko" sabi ni Lily. Ah oo nga pala binigyan niya ako ng bagong nickname kasi nahahabaan daw siya sa Alisson kaya naging Ali na lang.

"O sige ako na lang magdadrive ah mamaya maaksidente pa tayo may pagkakaskasera ka pa naman." sabi ko na may pang aasar at nginitian siya.

"Pssh.. sige na nga baka nga maaksidente tayo pag ikaw kasama ko naninigaw ka eh haha" sagot naman ni Lily.

Nag asaran lang kami hanggang makasakay kami sa kotse niya. Bago kami dumiretso sa univ ay napagpasyahan naming kumain muna sa isang fast food tutal naman ay maaga pa.

"Ano gusto mo? Ako na ang oorder. Bayaran mo na lang ako." sabi ko nang makapasok na kami.

"Chicken Burger na lang tsaka hot chocolate" sagot naman niya.

Iniwan ko na siya at pinabantayan na lang ang gamit ko. Habang umoorder ako ay may tumabi sakin hindi ko na lang pinansin.

"Hi Alisson! Good Morning" Napalingon naman ako dun sa nagsalita. Si Paolo. Ay may nakalimutan nga pala akong sabihin. Lately kasi napapadalas ang pagkikita namin ni Paolo though hindi ko alam kung sinasadya ba niya iyon o nagkakataon lang. Medyo nagiging friends na din naman kami eh.

"Hi din sayo Paolo! Ganda ng gising natin ah." sabi ko.

"Syempre naman nakita na kita eh. haha" sabi naman niya.

"Haha" nakitawa na lang din ako.

"Nga pala may laro kami mamaya baka gusto mong manood" sabi niya, varsity kasi siya ng basketball.

"susubukan ko medyo busy kasi sa subjects." sagot ko sa kanya.

"Sige sige... intayin na lang kita kung makakaattend ka" sabi naman niya. Nginitian ko na lang sya.

Pagkaorder ay nakisabay siya ng breakfast samin ni Lily. Nang matapos ay umalis na kami doon at dumiretso sa school.

Sinabayan niya kami sa paglalakad dahil nasa Engineering department din naman siya, Electrical Engineering siya samantalang si Lily ay nasa Civil Engineering irregular student lang ako kaya nagiging classmate ko siya.

Nang makarating kami sa room ay kadarating lang din ng prof and time goes on at naguwian na kami.

The next day ay walang pasok si Lily kaya ako lang mag isa ang nagpunta sa diner para kumain ng agahan then nagkita ulit kami ni Paolo by chance.

"Ui! Ali dito ka pa ulit kumain haha! Buo na ang araw ko." sabi niya.

"Ah oo medyo late ako nagising eh" sabi ko na lang.

"Nareceive mo ba lahat ng pinadala ko sa'yo?" tanong niya.

"Ha? Ano yun?" tanong ko naman.

"Yung iniiwan ko sa kotse mo" inosenteng saad niya. Nahampas ko tuloy siya. Akala ko kasi stalker na ang nagpapadala nun. Ni wala man lang pangalan o kahit initials man lang.

"Ui masakit!" sabi niya at iniiwas ang braso niya sa aking hampas.

"Ikaw kasi eh! Akala ko kung sinong stalker na!" sabi ko at inambaan siya ng isa pang hampas at dahil maagap siya ay nakailag siyang muli. Kainis!

"Gwapo ko namang stalker" sabi niya at nagpogi sign pa.

"Saang banda? Patingin nga!" sabi ko at inikutan siya.

"Oi! Wag kang ganyan... lalo akong nagkakagusto sa'yo" sabi niya.

"Huh? Ano na namang ginawa ko?" sabi ko.

"Wala sabi ko ang cute mo. Nga pala liligawan na kita officially ha" sabi niya at ginulo ang buhok. Hindi na ako nakaangal kasi...

"Ge mauuna na akong umalis, magtetake out lang ako e" sabi niya at nagpaalam na nga. Tinapos ko na din ang pagkain at nagpunta muna sa mall, mamimili muna ako ng libro... balita ko kasi may bagong book si JK Rowling.

After kong mamili ng books ay umalis din ako agad dun at dumiretso na pauwi.

Kinabukasan ay sabay ulit kaming umuwi ni Lily.Pagdating sa condo ay sa unit ko muna tumuloy si Lily. Nagkwentuhan lang kami at napagkwentuhan namin ang kalukahan namin at dumating sa topic tungkol kay Paolo.

"So this so called 'stalker'... oh scratch that.  'Admirer' of yours is none other than... Paolo?" sabi ni Lily.

~itutuloy...

√π÷×√π÷×√π÷×√π÷×

Lynn's Note:

After ages na nakahang ang story na ito may update na haha!

Napakadami ng ginawa kong regalo haha! Andito ako ulit sa bahay ng nanay ko ♥…

Thanks for reading... Hope you enjoyed.

No More Room for Heartaches: ON GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon