Chapter Four

19 3 0
                                    

Chapter IV

Hindi nanaman ako makatulog ng gabing yon. Iniisip ko kung may sakit ba siyang bipolar?

Kasi minsan ang good mood niya sakin, may pangiti-ngiti pa siya pag nagpupunta dito sa bahay. Pero syempre, madalas ay suplado. Kay Hope kaya anong pakitungo niya?

Hindi ko na rin binanggit kay Hope na nagkita kami, mukhang alam niya na kasi late na siya umuwi kagabi at malamang sa gig nila Kio siya galing.

Kinabukasan ay nagsipuntahan ang mga pinsan namin sa bahay.

"Hi, Ate Lib." Bati sakin ng bunsong kapatid ni Kellie, si King Alexander. Mukhang kumpleto kami dito ah.

"Anong meron?" Tanong ng kapatid ko pagbaba. Binati rin siya ni King.

King is always jolly, lalo na sa aming mga ate niya.

"Anong petsa na Hope, hindi pa tayo nakakapag decide kung saan mag o-outing." Wika ni Georgia.

"Ay oo nga pala, sige wait lang kumain na ba kayo? Papahanda ako kay Manang Flor."

Keyshawn and Kiefer both say no. They must be so hungry huh?

"Saan mo ba gusto this time, Kels?" Tanong ko. Ako na kasi ang pumili last year, kaya siya naman ang nakatoka ngayon.

"Eh kayo ba? Ikaw George, saan mo balak?" Pasa naman ni Kellie kay Georgia.

"Hanap na lang tayo sa internet." George suggested. Tinawag na kami ni Hope sa dining area para mag lunch. Kaya nahinto kami sa pag-uusap.

"Sila Tito Art? Nasa Singapore?" Kellie asked and I nodded.

"Saan ka nagpunta kahapon George?" Sinabayan ko nang paglakad si Georgia.

"Wala naman, may dinaanan lang ako, hindi ka naman kasi nagsabi na pupunta ka." Paliwanag niya. Hindi na ako sumagot, wala raw pero may dinaanan? Medyo magulo siya.

As what I said earlier, kumpleto kaming magpipinsan. Syempre ako, then si Georgia, Kellie Amore, Keyshawn Alec- ang sumunod kay Kels, Keifer Anton- sunod naman kay Keys, at ang bunso ay si King Alexander.

Feeling ko nga minsan ay naiinggit si Daddy kay Tito Miguel dahil si Tito Migs ang naka tatlong lalake na anak. Alam mo naman ang cliché ng buhay, gusto ng mga tatay na magka junior. But of course, I know how much he loves us.

"Dalhin mo naman ang girlfriend mo Keys." Tudyo ni Hope. Balita kasi namin ay may pinopormahan siya sa school nila at sabi pa nila ay girlfriend niya na raw kuno. Well, eighteen naman na siya. So be it.

"Naku, siguraduhin mo lang na maayos na babae yan." Paalala naman ng Ate nila.

"Ate, please shut your mouth." Pataray na sabi ni Keyshawn. Oo nga pala, medyo mainitin ang ulo niya, unlike King. While Kiefer naman is so tahimik, sobra.

"Ako Ate may girlfriend na!" Magiliw na sabi ni King. Nagtawanan naman kaming nakakatanda. Masyado pa siyang bata para mag ka girlfriend, jusko!

"No King. Hindi pwede, you're still our baby so no girlfriend muna." Sabi ko. I love King so much, love ko rin naman sila Kief and Keys pero aaminin kong may favoritism ako, siguro dahil na rin na siya ang bunso.

"You heard your Ate Liberty, King. So don't you dare." Dagdag ni Georgia. Nagpout naman si King kaya mas lalo kaming natuwa sa kanya.

Matapos ang lunch na pinahanda ni Hope ay umakyat na kami sa kwarto ko. They decided kasi na sa kwarto ko na lang daw.

Naalala ko dati na ayaw pumayag ni Mom na maghiwalay kami ng kwarto ni Hope, simula kasi ng mga bata kami ay iisa lang ang kwarto namin, but when we turned eighteen, we both decided na magkaroon ng sariling privacy. We promised to Mom na hindi kami made-detached sa isa't-isa.

Love And Betrayal (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon