Chapter XIV
Katok mula sa aking pinto ang nagpagising sa akin. My head hurts, fuck! Narinig ko na ang pagbukas ng pinto at sunod doon ang boses ni Hope.
"Lib, are you okay? Anong oras na hindi ka pa ba kakain?" Naramdaman kong lumubog ng bahagya ang aking kama, senyales na umupo siya.
Ilang beses kong inisip kung ano ba ang pwede kong ibato sa kanya para hindi na ako makonsensya ng gan'to. Biglang tumunog ang phone ko na nagsasabing may tumatawag. My eyes widen because I know who is calling!
I immediately look at Hope who seems oblivious of what is happening right now. Then she looks at me too.
"What are you waiting? Sagutin mo na kaya, sino ba yan?" Naalala ko nanaman ang tanong sa akin ni Kalum kagabi, kung inggit daw ba ako sa kapatid ko.
I pressed the decline botton, of course. Hindi pa ako handang masampal ni Hope at kailangan maganda ang outfit ko pag nangyari 'yon dahil baka nga ay ma-Gawad Tanglaw ako. Nakakahiya kung nakapantulog lang ako sa eksena.
"It's nothing important, Hope. Anyways, anong oras na ba?"
"Mag aala-una na, kaya kumain ka na sa baba at nakahanda na ang lunch mo." Tinulungan naman niya akong makatayo sa pamamagitan ng pag-angat niya sa akin.
Nang makarating kami sa kusina ay binati ko muna si Manang Flor namin.
"Mukhang nagkakamabutihan kayo ni Kalum ah." Isang makahulugang ngiti ang ibinigay niya sa akin. Agad akong napangiwi.
Naalala ko nanaman ang lecheng yon. Ang sakit magsalita, akala mo ay kilala ako ng lubusan! Hindi porket pinsan siya ni Summer e hindi ko na siya papatulan. Aba.
It's still vivid to me all the things he said last night. He already judged me. I thought he was a friend.
Kumain muna ako ng tanghalian bago ako umalis sa bahay at dumiretso kanila George. I feel that I need to tell her all the things that bothers me.
"Really? Sinabi niya lahat sa'yo yon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Georgia. I just sighed. I can't blame her because me too, hindi ko rin akalain.
"I admire his guts, huh! Now I am curious what he looks like. Pero Lib, he has a point. And I have a point too, actually we're on the same side. Hindi ka ba natatakot na malaman ni Hope ang mga pinag gagawa mo sa kanya? That you have a dirty little secret behind her back?" She's looking at me intently. I know Georgia is trying to beat me in being a bitch.
I just rolled my eyes. Wala ako sa mood makipag talo. Besides, hindi ko rin alam ang sagot.
"Yan ang hirap sayo, Liberty. Papasok pasok ka sa sitwasyon na ganyan pero hindi mo alam kung paano pigilan at paano umalis. We all know that it's wrong, kapatid mo man yan o hindi." Napansin kong humina ang boses niya pagdating sa word na kapatid at napayuko siya. I just shrugged it off.
"I tried. Hindi mo alam kung paano ko pinigilan ang sarili ko sa kanya, pero pag kaming dalawa na lang ay nagiiba siya. That I can't imagine na may ganon pala siyang side na pwede kong makita. I feel like I'm special." Totoo naman kasi yon, masyado siyang maraming mix signals at ako naman itong si grab!
"Malay mo malandi lang talaga siya? And kilala mo na ba siya? Do you know him very well para i-sacrifice ang relationship niyo ni Hope?"
"Hope will not love him if he is nothing."
"That's exactly my point, Hope loves him."
Hindi ako umimik.
"Wait! Don't you think Kalum likes you, that's why he told that to you para magising ka sa kahibangan mo." Natatawa niyang pahayag. Inirapan ko lang siya.
BINABASA MO ANG
Love And Betrayal (EDITING)
RomanceAll Rights Reserved A cliché story of love and betrayal. But, that's not the catch. We will find out if Liberty Ysabelle Pragma Yco can make it unique? (Yco Series: I)