Chapter Sixteen

16 2 0
                                    

Chapter XVI

"You're.. you're what?" I gulp. Yes, I heard it clearly but I can't digest what she just told me!

"Liberty, magkakaroon ka na ng pamangkin." Nakangiti lamang siya samantalang ako ay hindi ko na alam ang ire-react ko.

"I know Dad and Mom will get mad, pero mas hindi ko kayang ipalaglag ang bata. At hindi nila ako pinalaking ganon, kaya I'm sure they will understand me."

"Pero, gagraduate na tayo, Hope. Konti na lang." Totoo ang sinabi ko, gusto kong sabay kaming tatanggap ng diploma.

"Pwede naman akong pumasok kahit buntis, or mag home study. Basta hindi ko parin papabayaan ang pagaaral ko." I felt numb.

Tama ba 'tong naririnig ko? Para akong naiiyak. Ang kapatid kong si Hope ay magkakaanak na?!

Sa aming magpipinsan, marahil ay siya ang pinaka hindi mo aasahang mabuntis agad, ako pwede pa.

"Liberty, don't be sad na. Alam kong masyado pa 'tong maaga, pero mas hindi ko kakayaning ipalaglag 'to para lang maiwasan ko ang mga responsibilidad ko." Agad namang nanlaki ang mga mata ko sa ipalaglag word.

"Of course hindi pwede! Kasalanan yun," At kailan ka pa nagkaroon ng pake kung kasalanan ba o hindi, Liberty?

"Nasabi mo na ba kay Kio, 'to?" Nagaalala kong tanong. Gusto kong mapapikit dahil naalala ko nanaman ang nangyari sa aming dalawa kagabi lang! At eto? Eto talaga ang bubungad sa akin?

She smiled wholeheartedly. While inside me is crashing my entire body.

"Sasabihin pa lang, that's why I bought a dress, for our dinner date."

"Niyaya ka niya?" Pataray kong tanong. Bigla naman akong nagulat sa tono ko, napansin ko na maski siya ay nagulat din.

"Yes, Liberty. Is there something wrong?" She eyed me tryin' to read my mind, I guess.

"Ahm, no no," I chuckled.

"Medyo na o-overwhelmed lang ako, alam mo na." I trailed off. Naintindihan naman niya ako.

"Sige, magpahinga ka na at magaayos pa ako para sa dinner namin. Love you, sis." Hinalikan niya ako sa pisngi at isang matamis na ngiti lamang ang ginawad ko sa kanya.

Bakit parang ang bilis? Bakit parang wala lang sa kanya? Siya pa rin ba yung Hope na kilala ko? Siya pa rin ba yung kapatid ko na may mataas na prinsipyo?

My phone beep so I get it in my bag.

Where?

Reply mula kay Kalum. Feeling pogi talaga yun, pati sa pagreply ay ten years!

Bumaba ako para abangan ang pag alis ni Hope. I want to see her before she leaves and tell Kio that he is going to be a father.

Kumirot ang puso ko sa katotohanang hindi na kami pwede. Well, sa umpisa pa lang naman ay hindi na pwede pero ako lang 'tong mapilit. Kung kailan nalaman ko ang totoo, saka biglang nawala ang lahat.

Tinext ko si Kalum kung saan kami magkikita. Hindi na ako magpapalit pa para pag naunang umuwi sa akin si Hope ay hindi na siya magtaka kung saan pa ako nagpunta dahil hindi naman ako nagpalit ng damit.

Mataan ko siyang tinitigan habang bumaba ng hagdan. Kamukhang kamukha niya si Dad. Ganun di naman ako pero sa akin naman ay may halo na ng feature ni Mommy. Sa kapatid ko naman ay purong kay Daddy.

Umaalon ang mahaba at itim niyang buhok dahil nakalugay lamang siya. Sa malayo ay halata mo na ang mas na-emphasize na mga mata niya dahil sa mascara. Bumagay naman sa maputi niyang balat ang light pink na lipstick na gamit niya. At normal lang ang pamumula ng kanyang cheeks dahil rosy cheeks talaga kaming magkapatid.

Love And Betrayal (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon