Chapter XIII
Natapos na kaming kumain pero hindi pa dumadating si Kalum. Ganun din si Zachary Lad.
"Hope, okay lang ba yang si Wayne?" I whispered.
Hope look at Wayne and she mouthed.
"I don't know. Maybe."
Kung iniisip niyo na may balak din ako dito kay Wayne ay nagkakamali kayo. I just find him odd. Well, it doesn't matter anyways.
"I'm sorry, I got stuck up there, masyadong makulit ang mga friends ni Laura. Buti nakatakas pa 'ko kaya iniwan ko na si Lad." I roam my eyes and trying to figure out kung sino ang kinakausap niya.
"Don't act like that, Lib! You're the one I'm talking with." Kalum blurted and that's why he caught my sister's attention.
"You looked really close huh, Kalum. Because you talk to my sister like that." Grin plastered in her face. And I was wearing my poker face, masyadong malisyosa pala ang kapatid ko.
Bigla namang tumayo si Wayne kaya napatingin kami sa kanya.
"I have to go, Kio, Kalum. I need to find Audi." Matigas niyang ingles.
"Audi? Man, just ask Lad. I know for sure that he knows where Audi is." Sagot naman ni Kalum.
Pero mukhang hindi nagustuhan ni Wayne ang sagot ni Kalum dahil tinapunan niya lang ito ng malamig na tingin saka umalis.
I wipe my lips as I finished my food.
"Ihahatid ko na kayo, Hope." And there, nakuha naman ni Kio ang atensyon ko. So it means uuwi na kami? He's so KJ!
"Kio, ako na lang maghahatid kay Liberty." Singit ni Kalum.
Sabay na sumagot ng sure at hindi ang kapatid ko at si Kio. Syempre kay Hope galing ang sure.
Kalum's forehead creased. Now he looks irritated.
"Kio, let my sister. And besides, wala ka bang tiwala sa kaibigan mo?" Hope said. Gusto ko sanang sumabay sa kanila but at the same time ay ayoko pang umuwi. The night is still dawn.
"Okay, Kalum. I am going with you." Mabilis kong hinalikan si Hope para makapag paalam na. Mukhang iritado rin si Kio sa nangyari pero wala siyang nagawa.
Okay, I will name it na. Feel ko nagseselos si Kio when Kalum is around. So for now, I will hold on that conclusion.
"You want to go somewhere else?" Napalingon ako kay Kalum dahil sa tanong niya. Hmm, saan ba pwedeng pumunta?
"Wala ka bang ibang lakad? And besides, baka may date ka?" I just want to asked. Mamaya epal pala ako sa love life ng kumag na 'to.
Kalum chuckled.
"You're silly, Lib. Hindi naman ako mag piprisintang ihatid ka kung may ibang lakad ako diba? Come on, where's the logic?" He laughed. I arched my brow.
"Don't logic logic me, Kalumpit ha!" And now, he burts out laughing.
We ended up in a high-end club around BGC. But before that he gave me his coat.
Mukhang madalas siya dito dahil bawat daanan namin ay tinatanguan siya, mapababae man o lalake.
"Kalum, lagi ka bang nandito?" Tinignan naman niya akong nagtataka.
"Hmm, sort of. But with the band, minsan kasi ay iniimbitahan kaming pumunta dito."
"Kalum!" Sabay kaming napalingon sa likod dahil sa tumawag sa kanya. Palapit siya sa amin at mukha siyang expat.
"Duke." Kalum said. Pagkalapit niya ay ginawa nila ang usual na ginagawa ng mga lalake pag nagkikita.
"Where's the others, man?" Ay ang taray ng accent!
"ZL twin's birthday, dumating kasi ang parents nila kaya nagpa formal party."
"They didn't invite me." Sabi niya na parang nagtatampo pa.
"Gay." Kalum muttered.
Now, he turned his gaze on me.
"And who's thos beautiful lady beside you?" His flirty smile didn't escape my radar. Madala nga dito minsan sila George at Kels.
"I'm Duke Montecelli, and you are?" I accepted his hand.
"Liberty, Liberty Yco." I smiled at him.
"Hmm, sounds familiar." Duke said.
"Enough for that, Duke. Sige na, uupo na kami." Malamig na sabi ni Kalum. Hindi parin binibitawan ni Duke ang kamay ko.
"Okay. Nice to meet you, Liberty." Then he kissed my hand. It's not a big deal for me so that's okay.
"See you next time." Umalis na si Duke at saka kami umupo ni Kalum sa couch. Yung mukha niya ay parang uminom ng suka.
"Hey, are you okay?" I asked.
"Yeah, don't mind me. Anyways, Duke is the owner of this club." Agad akong napatingin kay Kalum, seriously?! Hindi ko na lang pinahalata ang reaksyon ko dahil baka mamaya mahusgahan pa ako. I wonder kung ilang taon na siya at nakapagpatayo agad siya ng ganto kaclassy na bar.
"I didn't expect na kapatid ka ni Hope. Magkaibang-magkaiba kasi kayo." Simula bata ata ako ay yan na ang naririnig ko. I know na mabait talaga si Hope, kaya minsan hindi ko alam kung insulto na ba sa akin tuwing sinasabi na magkaiba kami.
"I'm used to have that compliment, thanks." I bitterly said.
"Matagal niyo na bang nakakasama si Hope?" This time siya naman ang napaisip.
"Medyo? I'm not sure, pero kilala na namin siya bago maging sila. Hope is a good catch kaya siguro hindi na pinalagpas ni Kio." Sabi niya habang iniinom ang drinks niya.
Oo nga naman. Ano pang hahanapin mo sa kapatid ko diba? I pouted as I roam my eyes in the center of this place. May mga nakikita akong celebrity. At kung tama ako ay may politician din.
"So ako ba, hindi good catch?" I snap.
"Oh, I didn't say that Liberty. Bakit, naiingit ka ba sa kapatid mo?" Parang bilang nagpantig ang tenga ko.
Sa ilang taon na magkasama kami ni Hope, hindi ko naisip na mainggit sa kanya kasi kapatid ko siya.
"No." Matigas kong sabi. And I will never be.
He smirked.
"Kaya ba ganun ka na lang ka obsess kay Kio?" My eyes widen, what? Pano niya nalaman?
"I don't know what you're talking about, Kalum. Stop concluding."
"Then stop flirting!" Hindi ko napigilan at nasampal ko siya. Agad ko namang binawi ang kamay ko dahil maski ako ay nagulat sa ginawa ko.
"You're not funny, Kalumpit." I said in a serious tone. Nag-uunahan ang kalabog ng puso ko.
"I may not know everything Liberty but I know what you and Kio are up to." He look at his shot glass and play with it.
"I saw your name in Kio's screen. You're talking to him in the middle of the night? Seriously? Are you the girlfriend?" Mas seryoso niyang sabi.
I didn't expect na ganito ang kalalabasan ng pagsama ko sa kanya. All this time alam niya?
"I thought that there's a lot of Liberty here. But when I saw you with Hope, confirmed. Hindi ko lang akalin na kapatid ka niya." He grinned.
Now, I'm starting to hate his guts. And there's no way to deny it. Fuck!
"Dean Lister's ka ba diyan sa ginawa mo? I sarcastically asked.
"Well, oo. Ikaw?" Para akong nasampal don.
Madalas ay si George lang ang nakakausap ko sa ganitong bagay, hindi ko nakita na manggagaling pa ito sa lalake.
"You didn't see it coming, did you?" Hindi ako sumagot, manigas ka diyan.
"I noticed how Kio looks at you. I know him very well since God knows. Masyadong magulo ang utak ng lalakeng yun," He straightly look in my eyes.
"You deserve better, Liberty."
BINABASA MO ANG
Love And Betrayal (EDITING)
RomanceAll Rights Reserved A cliché story of love and betrayal. But, that's not the catch. We will find out if Liberty Ysabelle Pragma Yco can make it unique? (Yco Series: I)