Chapter XVII
Sanay na ako sa iba't ibang tipo ng lalake. Alam ko kung laro lang ang hanap o seryosohan sa isang relasyon. And I'd always chose to play rather than to take it seriously, you know why? Because I hate rejection.
"At ayokong maranasan din ni Hope 'yon." Napataas ang kilay ko matapos niya itong sabihin. Now I understand.
Bakit ngayon ko lang napansin na may pagtingin si Kalum kay Hope? Halata sa hilatsa ng mukha niya. Hindi ko lang maintindihan kung bakit, kung paano..
"You like my sister." I stated.
Napataas ang kilay niya saka ako inirapan. Para talaga siyang babae.
"That's absurb." Then he smirked. Absurb? Ako pa ba ang lolokohin niya?
I smiled witty.
"Nakalimutan mo na ba? I am Liberty Ysabelle Yco. And I know the kind of man like you." And now, it's my turn to smirked.
Natahimik siya.
"So you really like my sister, huh?" I even grinned.
Napaka ironic nga naman ng buhay noh?
"It doesn't matter anyways."
"Anong it doesn't matter?" I said in disbelief.
"Hindi mo sinabi kay Hope na gusto mo siya? Why?" I snap. This time, he look at me intently.
"I'm not like you, Liberty. Nakikita kong masaya siya sa kaibigan ko."
"So what are you trying to say? That I'm a bad person?" Natatawa kong pahayag. Hindi talaga ako makapaniwala sa taong 'to.
"Why, do you think you're still not?" Balik niya. Nagsukatan kami ng tingin. Hindi niya pa ako kilala.
Siya rin ang sumuko sa huli.
"This is nonsense, Liberty. You know what, I should send you home." He declared as he stand up.
Inilahad niya sa akin ang kanyang kamay para tulungan akong tumayo. Tinignan ko muna siya bago ito tinanggap.
"Thanks." Labas sa kabilang tenga kong pahayag.
"Sa akin ka na sumabay, ipapahatid ko na lang sa driver namin ang sasakyan mo." Sabi niya habang naglalakad kami patungo sa parking lot.
"You don't need to this, kaya ko namang umuwi." May himig pa ng pagtataray sa tono ko.
"Don't be so stubborn, Lib." Nilabas niya ang kanyang phone saka nag tipa. Nakita ko na tinype niya ang plate number ng BMW ko. Marahil ay ipapahatid niya nga sa bahay.
Pinagbuksan niya ako ng pinto bago pumasok sa driver seat. Then he starts the ignition. He looked at me and sighed. Nagtaka naman ako pero nawala rin ito agad dahil lumapit siya sa akin ng pagkalapit lapit talaga!
"What," I didn't have the chance to finish my words because he chuckled. Then I noticed that he locked my seatbelt. Oh shoot, I forgot.
Hindi ko na muli siyang narinig magsalita. Busy siya sa pagdi-drive patungo sa amin. I wonder if Hope is at home already. Wait.
"Siguro kaya mo ako ihahatid ay para makita mo si Hope." Mayabang kong wika. Bakit hindi ko agad yun naisip?
Agad naman niya akong nilingon saka nginiwian.
"You're silly. As what I've said, I'm not like you. Hindi naman ako pumupunta sa condo ng may girlfriend na." Halata sa boses niya na parang nandidiri siya. Wala na akong ibang naramdaman sa kanya kundi pandidiri. Hindi na lang ako nagsalita pa dahil ako lang naman ang napapahiya.
BINABASA MO ANG
Love And Betrayal (EDITING)
RomanceAll Rights Reserved A cliché story of love and betrayal. But, that's not the catch. We will find out if Liberty Ysabelle Pragma Yco can make it unique? (Yco Series: I)