Chapter 8
Habang nagsasaya at biglang lumindol kaya napalabas kami.
Paglabas namin daan-daang lobo ang nasa harap namin.
Nagsimula na silang maglaban habang ako ay nagpapalit ng anyo at nagiging isang prinsesa.
Nagkaroon ako ng hugis buwan na korona at naging kulay itim at pula ang suot kong gown.
Umilaw ang aking kwintas kaya napahanda ako.
Halos namatay na lahat ng mga lobo pero kami ng Hari eto nasa gitna at handa ng maglaban
"Kawawa ka naman Prinsesa hindi ka man lang makakaramdam ng saya."Sabi nya kaya nag-igting ang panga ko.
Lumipad ako ng sobrang bilis papunta sa kanya at binigyan sya ng malakas na suntok pero hindi man lang sya tumunda.
Sinuntok nya ako kaya napaupo ako.
Hindi pa sya nakuntento sinipa-sipa at sinuntok suntok nya ko.
Gumawa sya ng apoy sa kamay nya at handa na sanang ihagis sakin kaso naging itim ang paningin na parang naging itim na din ang mga mata ko.
Naramdaman ko na parang nahilom na din ang mga natamo kong pasa at sugat.
Nakaramdam ako ng sobrang lakas na kapangyarihan sa katawan ko at nag-iilaw na din ang silver crystal.
"Sumugod ka."Sabi ko.
Naiyukom nya ang kamao nya at pinagbabato ako ng fire balls pero kahit tinatamaan ako ay hindi ako nasasaktan nagiging abo lamang ang apoy na binabato nya.
Gumawa sya ng sobrang laking fire balls...
Naging pula na ang buo nyang mata napapalibutan na din sya ng pulang aura...
Nanghina ang katawan ko bigla at napaluhod.
"Prinsesa!!!"Sgaw ni Leroy pero hindi sya makawala sa pagkakakulong sa Fire Bareare.
"Akala mo ba matatalo mo ko?Hindi mo pa kayang kontrolin ang silver crystal kaya hindi mo rin ito magagamit.Paalam na Prinsesa."Sobrang laki na din ng boses nya.
Dahil malayo sya ay medyo mabagal din na tatama ang fire ball sa akin kaya naktayo ako at hinawakan ang kwintas ko.
"PRNSESAAAAAA!!!!"Sigaw ni Leroy.
"Silver crystal plsssss."Sabi ko pero ayaw.
"Silver crystal plssss."Sabi ko ulit.
Konting-konti na lang at tatama na sa akin ang fire ball pero nagtry parin ako.
"Prinsesaaaaaa!!"Sigaw nila.
"SILVER CRYSTAL PLSSSSSSSSSSS!!!"sobrang lakas na sigaw ko at tinapat sa harap ang kwintas.
Bigla itong lumiwanag at naglabas ng kulay itim at pula na kulay.
Lumaki ng lumaki ang liwanag hanggang sa wala na akong makita at nawalan ng malay.
***************************
BINABASA MO ANG
His Vampire Princess
VampirePaano kung dumating ang araw na kaylangan mong maikasal? At sa bampira pa? Papayag ka ba para sa iyong tunay na katauhan o hindi para mabuhay ng normal?