PROLOGUE

24 1 0
                                    

"Ayan na sila" Bulong ng isang studyante sa mga kasama niya.

Nakakapagtaka kung bakit lahat ng mga studyante ay nag iwan ng malaking puwang sa gitna at doon naglakad ang apat na babaeng tila nakataas ang mga kilay habang nag lalakad palapit sa isang babaeng humahalakhak ng napakalakas.

"Pwede ba namin malaman kung ano ang nakakatawa?" tanong ng isang dilag pagkalapit na pagkalapit nito.

"At bakit kelangan ko ikuwento sayo?" Gumanti ito ng irap at nagbabadyang umalis sa harapan ng apat na babae ngunit sa kasamaang palad nahablot ang buhok niya ng isa sa apat.

"Bastos pala toh eh hahahaha!" maraming nagsialisan na mga studyante sa paligid nang napadapa ang kaawa-awang babae sa kadahilanan na itinulak ito nung humablot sa kanya.

My Kontra-bida GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon