[JAYRON's POV]
"Anong kelangan mo?" Natigilan ako sa panlalamig ng tono niya.
"B-boyfriend mo ba yung kasama mo kahapon?" Konti nalang at babagsak na ang mga luha ko.
"Oh? Ano namang pakelam mo? Yan lang ba sasabihin mo? Kaya nakipagkita ka sakin?" Napaluhod na ako sa harapan niya habang humahagulgol.
"Ikaw nanaman? Ilang beses ko ba sasabihin sa---" Natigil ang boyfriend niya sa pagsasalita nung hinila ko pataas ang kwelyo niya saka sya binigyan ng malakas na suntok.
"Waaaaah! Bakit mo sinuntok ang daddy ko?!" Ngayon naman pinagsusuntok suntok ako ng isang batang babae habang umiiyak sya.
"Anak tama na" hinila niya ang babae palayo saakin.
"Umalis ka na jayron please!!"
[ANYA's POV]
Nag stay muna ako dito sa park.
Tatlong poste sa bawat gilid nalang ang nagbibigay liwanag sa park na ito.Preskong hangin, CHECK!
Walang ingay at tao, CHECK!
No Jayron? CHECK!nakakailang beses na akong lumalanghap ng mapayapa at sariwang hangin.
Napapangiti nalang ako sa gantong sitwasyon dahil kahit papaano nagiging malawak at tahimik ang pagiisip ko.
Pinikit ko ang mga mata ko saka humiga isa sa mga bench dito sa loob ng parke.
Tutal wala namang katao tao dito eh kaya hihiga ako haha.
Napatayo ako bigla nung makarinig ako ng mga hikbi.
Huhuhuhu! bakit may nagpaparamdam agad saakin na mumu?
Jusko! Takutin niyo na ako sa lahat ng bagay wag lang sa ganyan .
Lalabas na sana ako sa park ng may humawak bigla sa kamay ko sa sobrang takot ko sisigaw sana ako kaso bigla niya tinakpan bibig ko.
Waaaaah! Katapusan ko na hanggang dito nalang ang napagakanda kong buhay.
Inikot niya ako paharap sakanya pero di ko nakita ang mukha niya dahil bigla niya akong niyakap at binaon niya mukha niya sa leeg ko.
"Pagbigyan mo kong sandalan ka kahit na saglit lang anya"
"Jayron?" Hindi sya sumagot bagkus umiyak lang sya ng umiyak .
Niyakap ko nalang din sya dahil ramdam kong mabigat ang pinagdadaanan niya ngayon.
Kahit ngayon lang alisin ko muna ang galit ko sakanya.
Dahil satingin ko kailangan niya ng mag cocomfort sakanya ngayon.
"Upo muna tayo dito" Hinila ko sya dahan dahan para maupo kaming dalawa sa bench.
Nung makaupo na kami bigla nalang niya akong niyakap sa may tyan ko at dun sya nag iiyak ng malakas.
Grabe lang? Di ko alam na may ganito kalakas umiyak na lalaki.
Sinuklay suklay ko buhok niya gamit mga daliri ko habang yung isa kong kamay hinihimas himas ang likod niya.
Umupo sya ng maayos sa tabi ko, tinitigan niya ako at nginitian ko sya na para bang nagsasabing 'Makakaya mo din yan'
Maybe he's not that bad after all, right?
-----
[Teisha's POV]
"Teh? Di halatang gutom na gutom ka ha?" Sinamaan lang ako ng tingin ni ali at tinuloy na niya ang pagkain niya.
"Sige ituloy mo yan nang tumaba ka" Nagsmirk si gwen sakanya habang umiinom ng frappe niya.
Nakita ko na nilunok ni ali lahat ng pagkain na nasa bibig niya at tumungga ng isang bote ng tubig.
"Aish, Bakit di ko naisip yun?" Pinatong ni ali ang dalawang siko niya sa table saka ginulo gulo ang buhok niya.
Di nalang ako umiimik dahil ineenjoy ko ang sariling gawa kong sandwich.
"Eto na yata katapusan natin eh?" Nagpakawala ng malalim na paghinga si ali.
"What do you mean by that?" Tinaasan naman ni gwen ng kilay si ali.
"Duh? Hindi ba't first time lang nating apat na mag overtime sa mismong school?! At first time natin gumawa ng mga gantong paper works" Pinadyak padyak ni ali ang paa niya na parang bata.
Sabagay may point sya, pero makakayanan din namin toh. Matatapos din toh.
"Lahat naman nagsisimula sa first time eh" Napansin kong natigilan silang dalawa sa sinabi ko.
"Ilabas mo kaibigan namin!! Saan mo sya tinago ha?!" Nagulat ako sa sigaw ni gwen pati rin yata mga studyante dito sa cafeteria, dahil lahat na sila nakatingin saamim. Eh sa lakas ba naman ng bunganga nito eh.
"Anong pinagsasabi mo?" Bulong ko lang sakanya pero madiin.
Nakita kong inirapan niya ang mga studyanteng nakatingin sa pwesto namin bago sya naupo ulit.
"Si anya nga pala nasaan?" Tanong ko sakanilang dalawa."Ang sabi ng kumadrona nila mataas daw lagnat niya eh" Sagot ni ali habang tuloy sa pagsubo ng pagkain niya.
"Eh? Ano ba ginawa nun?" Nagkibit balikat si ali sa tanong ko.
"Maybe we should need to visit her eh?" Singit ni gwen saamin.
BINABASA MO ANG
My Kontra-bida Girlfriend
Fanfiction"Being opposite of two person in relationship is forbidden" hindi nila alam na habang pumapasok paulit-ulit sa kanilang isipan ang salitang yan ay doon magsisimula ang kasabihang Unexpected Love.