Part 6:

13 1 0
                                    

Teisha's POV

        Hindi ko alam kung anong magiging expression ko sa nakikita ko ngayon.

        "Anong kailangan mo?" Lalaktawan ko na sana sya kaso naawa ako kasi nagmakaawa na may importante daw syang sasabihin .

       "K-kamusta na kayo ng mama mo?" Gusto ko sana sya sampalin sa tanong niya . Gusto ko syang saktan gustong gusto ko durugin ang ari niya.

              "Ang kapal pala talaga ng mukha mo . Pagtapos lahat ng ginawa mo saka mo itatanong kung kamusta si mommy? Bakit?! Balak mo bang balikan ang mommy ko? Di mo ba alam na dahil sayo pinagbabayaran ko hanggang ngayon ang kasalanan mo at nagdudusa ako araw araw sa " di ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha sa mata ko.

         "Patawarin mo ko anak"

        "Wala akong karapatan para sampalin ka pero kung di ka ngayon aalis sa harapan ko baka makalimutan ko na sayo ako nanggaling" Dinuro duro ko sya habang tuloy padin ang pag iyak at hagulgol ko.

           "Anak nagsisisi ako. Maniwala ka" Pinagsusuntok ko sya nung mayakap niya ako.

          "Ang kapal kapal ng mukha mo! Hindi ko alam kung bakit ikaw pa naging tatay ko? Kalimutan mo na anak mo ako pwede ba?! At para sabihin ko sayo nakaya mo kaming tiisin for 8 years tapos sasabihin mo nagsisisi ka?! Napaka mo! Napaka walang kwenta mong ama at asawa!" Naramdaman kong may humila saakin at sinubsob ako sa balikat para dun mag iiyak.



            "Ipagpasalamat nalang po ninyo na nakakaya pang tiisin ni teisha na dalhin at bitbitin ang apelyido mo kahit gaano pa kabigat na pasakit ang iniwan niyo sakanila. Patawarin niyo ako tito pero kung ako ang nasa sitwasyon ng anak niyo baka kanina pa po kita napatay" narinig kong pasigaw ni anya habang pinapakalma ako ni ali.




          "Makakaalis na ho kayo" mahinahon na ani ni gwen.

              "Anak, Mahal na mahal ko kayo ng mama mo . Balang araw maiintindihan mo din ang lahat" wala na akong nagawa kaya nasampal ko na ang magkabila niyang pisngi.




             "Mahal?! Tangina 8 years mong iniwan ang buhay ko! Tapos sasabihin mong mahal mo pa kami nina mommy?! Dahil sayo kung bakit gabi gabi ako ang nagdudusa at napaparusahan sa mga kagaguhan na ginawa mo! Hindi ikaw ang nagpalaki saakin kaya ngayon may karapatan na akong saktan ka o di kaya patayin ka"

                "Tito kung may natitira ka pang awa sa sarili mo please umalis ka na" napangisi ako nung ituro ni gwen ang gate Tumingin muna sya saakin bago tuluyang umalis.
     

-----

Patrick's POV

         Napadilat ako at nataranta ako nung tumingin ako sa wall clock na nasa office ko.

Mahigit 4 oras na pala akong tulog!

Hinanap ko ng hinanap ang mga folders ko pero nagtaka ako nang makita ko ang mga iyon sa ibabaw ng table ni ms, Jarvis.

Napalingon ako sa bagay na nasanggi ng siko ko.

Isang cup ng mainit na kape at isang spaghetti na nasa styro.

Napangiti pa ako nung mabasa ko ang naka sulat sa sticky note.

   "Sorry" 

              -YourAngel

Di halatang nag effort ha?

Nang buklatin ko lahat ng folders nakita kong naka cleared na lahat .

Alam kong sya lang may gawa nitong lahat.

Lumabas ako ng office para puntahan sya.

Gwen's POV

       Dadaan na sana ako sa hallway pero nagtago muna ako sa likod ng locker dahil nakita ko si Patrick na may kausap na babae.

           "Salamat pala sa breakfast na iniwan mo sa desk ko at sa pag lakad ng mga works ko" ano?! Aba! sa pagkakaalam ko ako lahat ng search at nag print ng mga nasa folders niya at pina cleared sa lahat ng mga teachers!

At lalo na yung mga pagkain na nilagay ko sa table niya ako din may gawa nun!

             "So you're not mad anymore?" At talagang inako pa nitong malanding toh ha!

         "Ofcourse. You make an effort just to make me smile" argh!! Makaalis na nga!! Umiinit lang dugo ko baka makadouble kill ako dito!!

----

       "Oh, ms.jarvis why are you still here? Diba ang sabi ko pinapaalis na kita sa skwelahan na ito?" Narinig kong sabi niya pagkapasok niya sa office niya.



          "Hindi sayo tong skwelahan na toh kaya wala kang karapatan na paalisin ako ! Naiintindihan mo?!" Di ko napigilang taasan sya ng boses.


         "At sino naman nag bigay sayo ng permiso para sigawan ako?!" Binalibag ko ang mga kamay ko sa desk niya.


             "May permiso o wala! Gagawin ko padin na taasan kang boses! At sa pagkakaalam ko mr, vidane walang batas sa skwelahan na ito na bawal mag taas ng boses sa kapwa studyante ko!"

           "Bakit ba ang init ng dugo mo saakin ha ms, jarvis!!" Di ako nagpatinag sakanya kaya sinigawan ko ulit sya.

              "Ang problema kasi sayo di ka marunong tumanaw ng utang na loob! Porket naririnig mo sa iba na ganto ang ugali ko ay wala na akong karapatan tulungan ka at maging mabuti sayo!" Napatigil sya sa sinabi ko. Pero gumaganti parin sya ng sigaw


        "Di kita maintindihan ms, jarvis!!"

            "Di mo maintindihan kasi ang alam mo lang ay makinig o maniwala sa sabi sabi ng iba" kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng office niya.

---
Patrick's POV

Naiwan akong nakanganga at walang kaalam alam sa mga sinabi ni ms, jarvis.

Nagising nalang ako sa realidad nung may kumatok sa pinto.

      "Pasok" mahinahon kong sabi.

       "Ah ikaw pala mr, vidane. Asaan pala si ms, jarvis? Naiwan niya kasi itong folder na toh sa room ko" kinuha ko ang folder na nasa kamay ni mrs,ignacio.

Nanlaki ang dalawa kong mata nung makita kong akin ang folder na ito. Isa ito sa mga works ko.

        "Ah. Mrs,ignacio paano po ito napunta kay ms,jarvis?"

            "Ah andami niya kasing bitbit na mga folders kanina then binibigay niya iyon sa mga teacher to sign as a cleared works. Then siguro nakalimutan niya akong daanan para kunin yan. Then after nun pumunta syang clinic at nagpahinga saglit nahilo kasi dahil sa init ng araw ngayon sige una na ako mr,vidane may class pa ako" napanganga ako sa mga sinabi ni mrs, ignacio. So it means mali ako na si Queenie ang may gawa ng lahat kanina. Argh!! Tanga tanga kooo!!



My Kontra-bida GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon