[Gwen's POV]
[Argh! Mga bwiset talagaaaaaa!] Napatakip ako ng tenga dahil sa tili ni teisha sa kabilang linya.
[Di ko alam kung buo pa ba tenga ko. Kanina ka pa tili ng tili eh] iritang sagot ni aliquer sa kabilang linya.
"So ano balak niyo? Go with the flow nalang? Mag paalila nalang?" Natahimik sila dahil sa sinabi ko.
[Oo. Kasi para rin naman saatin toh eh] Mahinahon na sagot ni anya.
[Ay naku, basta ako pag di ako nakapag timpi sa hayes na yan lalampasuhin ko pagmumukha niyan kahit lalaki pa yan] Lahat kami napa buntong hininga dahil sa sinabi ni teisha.
[Problema niyo?] Tanong niya saamin.
[Ikaw!] natawa nalang ako nung sabay sabay kami nina anya at ali na sumagot sa tanong ni teisha.
Nagkwentuhan lang kami ng ilang oras hanggang sa dalawin na kami ng antok lahat.
----
Hinatid ako ni dad sa sasakyan niya hanggang sa tapat ng cadwell academy.
Nag paalam muna ako sakanya bago niya pinaandar paalis ang kotse niya.
Halos mapatalon ako nung pagkaikot ko paharap nakita ko si patrick na nakatayo at mukhang masama ang timpla ng mukha niya.
"Is there any problem?" Imbis na sagutin niya ang tanong ko tinaasan lang niya ako ng kilay.
"You're late ms, Jarvis" napalunok nalang ako dahil sobrang sama ng tingin niya saakin.
Pere syempre kelangan ko magpanggap na hindi ko sya uurungan.
"Ano naman sayo? Di naman kita teacher para pagsabihan ako" Nag smirk ako nung nakita kong sinabunutan niya buhok niya sa sobrang inis.
"Ok. Fine. If you dont want to obey all my rules you are free to leave in this school" mahina pero madiin ang pagkakasabi niya saakin .
Uh-oh! Wrong move gwen! Wrong move.
Nanigas nalang ako dito sa pwesto ko habang pinagmamasdan ko ang liko niya na papalayo na saakin.
"Argh! Dapat talaga nag sorry nalang ako eh!" Bulong ko sa sarili ko habang sinasabunutan ko ang buhok ko.
Nilapitan ko si teisha na maraming dalang folder at halatang iritang irita ang mukha niya.
Siguro inutusan sya nung hayes.
"Teisha!!" Dahil sa gulat niya saakin nabitawan niya lahat ng folder na hawak niya.
Lumuhod ako para tulungan sya mag dampot ng mga folders.
"Kakapasok mo lang?" Tanong niya saakin nung nasakanya na lahat ng folders.
Nung nag nod ako sakanya agad syang napatingin sa relo niya at umiling iling.
"3 hours ka nang late. Umakyat ka na dun sa office nung PIO na si patrick. Tulungan mo sya. Ang sabi kasi saakin nina hayes kahapon pa daw sila dito sa school hindi daw sila umuwi dahil kelangan nila ayusin ang mga projects ng academy na ito. Wala pa nga silang tulog at kain eh kaya eto nagpapabili si hayes saakin ng pwede niyang makain" Napa-sapo nalang ako sa noo ko dahil sa mga sinabi saakin ni teisha. Kaya pala galit na galit si patrick kasi wala pa syang kain at tulog kaya kelangan niya ang tulong ko. Aish!
"Teka? Para saan naman yang mga folders?" Tanong ko kay teisha.
"Ah. Para toh sa English department" nag paalam muna ako sakanya bago pumunta ng cafeteria at binilhan ng kape pati ng spaghetti si patrick.
Kumatok ako ng ilang beses sa pinto ng office niya pero wala akong natatanggap na sagot.
Nung sinubukan kong ikutin ang door knob hindi ito naka lock kaya dumeretso na ako ng pasok sa loob at nakita kong nakasubsob ang mukha ni patrick sa desk niya.
Lumapit ako sakanya at dun ko napagtanto na natutulog sya.
Nilapag ko sa desk niya ang mga pagkain na binili ko at kumuha ng sticky note sa bag saka dinikitan ang styro.
Kinuha ang sandamak mak na folders na naka ipit sa kamay niya at binasa ko ang mga ito.
[Aliquer's POV]
"Kerwin" Napangiti sya nung makita niyang may hawak akong baunan na puro pagkain ang laman.
"Salamat" Matipid niyang sagot nung nailapag ko na sa table niya ang mga pagkain
Umupo naman ako sa desk na katapat ng sakanya at saka nag search ng mga nakalagay sa folder na binigay saakin ni kerwin.
"Kung kelangan mo ng tulong sabihin mo saakin" Nag nod ako kahit alam kong di niya makikita yun kasi nakasubsob padin sya sa screen.
"Ang sarap naman nito. Saan mo nabili?" This time napangiti ako dahil dun na sya naka focus sa pagkain na binigay ko sakanya.
"Ah. Luto ng mommy ko yan. Busog pa naman ako kaya binigay ko na sayo" Nataranta ako nung bigla syang natigilan dahil sa sinabi ko.
"M-may problema ba?" Inangat niya ulo niya saakin saka umiling at tinuloy na niya ang pagkain niya.
"Oh eto juice" inabot ko sakanya ang water jag ko at tinanggap naman niya yun.
"M-mommy mo din gumawa nito?" Nag nod ako sakanya.
Nung matapos ko na gawin lahat ng pinapa search niya saakin nag paalam muna ako na pupunta lang akong cafeteria para bumili ng konting pagkain at pumayag naman sya.
Nakita kong nakabukas yung pinto ng katabing office ng office ni kerwin.
Sumilip ako dun konti at nakita kong naka subsob si gwen sa screen ng computer at halata mong seryosong seryoso sya sa ginagawa niya.
Napailing nalang ako sa nakikita ko.
Nung naramdaman ko na nag vibrate phone ko agad ko naman sinagot yun.
Teisha's Calling......
"Problema nitong babaeng toh?"
[Anya's POV]
Pagpasok na pagpasok ko sa office nung mokong laking gulat ko na wala sya doon sa loob.
Pumunta ako sa desk ko at nakita kong may sticky note na nakadikit sa screen ng computer. Agad ko namang kinuha yun.
'Hi ms, colburn. May nagaaya saakin kasi ng s*x saakin ngayon kaya di ako makakapasok. Ikaw na magasikaso ng mga gawain ko iniwan ko lahat dyan sa desk mo. Wag ka mag alala pag natapos mo yan aanakan kita. Hahaha!' Nacrample ko ang papel dahil sa sobrang gigil ko nung makita ko yung mahigit 50 na folder na nasa desk ko.
"Pagbabayaran mo toh mr, Jayron Morillo" Madiin kong bulong sa sarili ko.
[A/N: sorry kung short update lang nagawa ko. Next chapter na magsisimula ang POV nina Hayes, Patrick, kerwin at Jayron]
BINABASA MO ANG
My Kontra-bida Girlfriend
Fanfiction"Being opposite of two person in relationship is forbidden" hindi nila alam na habang pumapasok paulit-ulit sa kanilang isipan ang salitang yan ay doon magsisimula ang kasabihang Unexpected Love.