[Hayes POV]
Nagising ako dahil sa naririnig kong ingay.
Pagmulat ko Nakita ko si ms, Fawn na umiiyak ng sobrang lakas.
Nung napalingon sya saakin agad niyang pinunas ang luha niya sa mga mata niya at tinitigan akong masama.
"Puro ka tulog! Tignan mo oh! Ako ang gumagawa ng mga works mo imbis na ikaw! Masyado ka siguro naging kampante na may assistant ka! Aish! Makaalis na nga!" Aba! Ang sungit ha? Dapat nga magsorry pa sya dahil nagising ako sa ingay niya!
Siguro umiyak yun dahil pagod sa mga pinagawa ko sakanya? Nakakatawa naman sya para syang bata, Napagod lang umiyak na agad.
Pagtingin ko sa relo ko its already 9:00pm . Hala?! Napatagal yata tulog ko? Siguro kaya talaga sya umiiyak dahil gusto na niya umuwi kanina pa. Aish!
Sabi ko kasi sakanya kanina wag syang uuwi hanggat andito pa ako.Nagsimula na ako mag lakad papuntang locker ko atsaka nilagay lahat ng mga gamit ko sa loob.
Pagtapos nun naglakad na ako agad hallway. Mahaba pa lalakarin ko papuntang labas ng skwelahan na toh.
Atsaka wala na mga studyante dito dahil halos lahat ang labas nila ay 7:30 wala na uuwi ng gantong oras.
Sobrang dilim na ng buong paligid, pero sanay na ako dahil minsan 11pm pa ako umuuwi dahil maraming pinapagawa saakin kasi nga masipag ako at president ako dito. Tch. Gwapong presidente.
Di uubra saakin si obama sa pagwapuhan pag ako naging presidente ng pilipinas . Hahahahahaha!24hrs kasi ang mga guards ng school na toh para masigurado nila na walang manggugulo o maninira sa skwelahan namin.
Napangisi nalang ako nang may biglang pumasok sa kokote ko.
ang pag iyak ni ms,fawn para syang bata tsk! Sobra naman babaw ng dahilan para umiyak sya.
Sabagay ano pa ba expect ko dun? Eh spoiled brat nga eh at di pa sanay sa mga trabaho dito sa skwelahan.
Mabuti lang sakanya yun para maramdaman niya ang hirap ng pagiging class officer.
Teka? Nakauwi na ba yun? May kasabay ba sya? Aish! Bakit ko ba pinoproblema yun? She's not worth it.
Nakaramdam ako na naiihi ako kaya dali dali akong tumakbo papuntang Comfort room ng mga lalake.
After few minutes later sa wakas nailabas ko na ang masakit na nararamdaman ko pfft! Hahahahaha!
Nakarinig ako ng umiiyak paglabas na paglabas ko sa comfort room.
Naramdaman ko din na tumaas ang mga balahibo ko boses babae kasi sya at sa comfort room ng mga babae sya nanggagaling.
Dali dali akong tumakbo as in sobrang bilis. Dyos ko po! Ayoko pa po makakita ng multo! Dyos ko wag po sana!!
Nang makita kong malapit na ako sa gat agad akong nagsisigaw ng tulong. At nilapitan naman agad ako ng isang gwardya dito sa skwelahan namin.
Nung mapansin niya na hinihingal ako binigyan ako ng isang bote ng tubig at ininom ko naman yun.
Hinantay ko muna na kumalma ako saka ko ikinuwento ang nangyari kanina sa loob ng cr ng mga babae.
Tinawag niya ang isa niyang kasamahan at sinamahan nila ako kung saan ako nakarinig ng pag iyak.
Pati sila halatang nangangatog sa sobrang takot.
Eh ako di na ako natatakot dahil tatlo naman na kami eh sila takot na takot ang lalaki ng mga katawan nila hahahahahahha!
Nung mabuksan nila ang pinto bumungad saakin ang nakahiga at walang malay na Teisha Fawn.
Nilapitan ko agad sya at sinubukan tapik tapikin ang pisngi niya pero di sya magising.
Nung pagmasdan ko ang mukha niya namamaga ang mga mata niya na halata mong umiyak sya.
So it means sya yung naririnig kong umiiyak.
Nung icheck ko ang pulso niya humihinga pa sya siguro nawalan lang talaga sya ng malay.
Agad ko syang binuhat na parang ikinakasal palabas ng cr.
Di ko sya pwedeng iwan doon dahil baka kapag iba pa nakakita sakanya baka kung ano pa gawin.
Sinamahan kami ni manong guard papunta sa kotse ko at sya na mismo nagbukas ng pinto doon para maipasok ko si teisha.
Doon sa likod ko sya ipinuwesto para nakahiga lang sya.
Iuuwi ko muna sya doon saamin para mapatingin ko sya sa tito kong doctor.
---"She's ok now. Pinainom ko na sya ng gamot. Masyadong tumaas ang lagnat niya kaya sya nawalan ng malay at pumayag na sya na dito muna sya mag stay hanggang sa di pa sya gumagaling para anytime ma check up ko sya. By the way, Is she your gf?" Pang aasar na sabi saakin ng tito ko.
Nandito kami ngayon sa sala umiinom ng wine. Samantalang si teisha natutulog sa loob ng guest room.
Umiling lang ako sakanya at tumungga ng wine.
"Nakarinig kasi ako ng iyak kanina sa cr ng mga babae then i saw her na walang malay sa loob" tumungga ulit ako.
"She was the example in definition of perfect. Dont tell me you dont have feelings for that girl? Hayes?" Umiling ulit ako sakanya.
tutungga na sana ulit ako kaso pinigilan niya ang kamay ko.
"Pagbigyan mo naman ang sarili mong magmahal ulit, Hayes." i just smirked at him then drinks again.
"Hindi ako iibig sa kagaya niyang babaeng yan na sobrang tigas ang ulo. " umiling lang si tito sa sinabi ko.
"She's your assistant for half year right? And you will know what's her real identity. Kanina nung ginising ko sya awang awa ako sakanya dahil yung itsura niya parang naiiyak. Ang sabi ko lang sakanya mataas ang kanyang lagnat kaya kelangan niya uminom ng gamot. Sinunod naman niya ako. then nung sinabi kong magpahinga na muna sya ngayon tapos iuuwi nalang natin sya pag gumaling sya , todo sorry sya saakin at ang sabi pa niya ihingi ko daw sya ng tawad sayo dahil naabala ka pa daw niya pati ako din." Pagtapos ng kanyang pagkwento agad niya ako iniwan dito mag isa sa sala para daw makatulog na sya.
BINABASA MO ANG
My Kontra-bida Girlfriend
Fanfiction"Being opposite of two person in relationship is forbidden" hindi nila alam na habang pumapasok paulit-ulit sa kanilang isipan ang salitang yan ay doon magsisimula ang kasabihang Unexpected Love.