Nang matapos ang video shoot ng FOB ay hiniram muna ako ni Eliza para makapagbonding kami sandali. Pumayag naman ang apat dahil wala naman nang gagawin. Pero tinext ako ni Tori maaga kami bukas dahil mayroon namang album photoshoot ang apat. Kaya kasama ko ngayon si Eliza na nag-iikot.
"Hindi aakalaing maging director ka girl."
Sabi ko."Sus! Parang ikaw PA ka ng Fall Out Boy. Di ba pangarap mo lang iyon dati?"
Sabi nya. Tumango naman ako."Oo nga eh. Kahit hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala."
Sabi ko."Eh bakit ka nga pala nila naging PA?"
Tanong nya"Mahabang kwento."
"Ishare mo naman."
Sabi nya. Kwinento ko mula sa umpisa ang mga nangyari sa akin sa maikling panahong nakakasama ko ang FOB. Halos hindi naman makapaniwala si Eliza."Talaga girl? Parang blessing in disguise. Di mo aakalaing mangyayari sayo yun sa maikling panahon mo pa lang dito sa LA at sa FOB."
Sabi nya."Oo nga eh. Pero namimiss ko na ang pamilya ko sa Pilipinas."
Sabi ko."Well, ganoon naman talaga eh. Pero kailangan mong tatagan ang loob mo para sa pamilya mo."
Sabi ni Eliza."Yeah, true!"
Sang-ayon ko naman. Narinig kong nagring ang cellphone ko.*Pete Wentz incoming call*
"Wow! Miss ka na nya agad agad?"
Pang-aasar ni Eliza sa akin, tiningnan nya pala kung sino ang tumatawag sa akin."Ewan ko sayo. Teka sandali sasagutin ko."
Sabi ko. Sinagot ko naman ba si Pete."Hey Pete!"
"Ayiii!! Where are ya?"
Sabi ni Pete sa kabilang linya."Duh! Im here with Eliza remember?"
Sarkastikong sabi ko."Yeah I know. Im hungry!!"
Sabi nya. Mukha namang nakikinig si Eliza dahil humahagikhik ito. Inirapan ko sya."Then eat! I don't have the food with me okay? Cook your own."
Sabi ko."But I want your nutella brownies."
Paglalambing nya."Just ask google how to bake it okay? Gotta go."
Sabi ko."Hey wait!"
Sabi nya pero binaba ko na ang linya."Oh? Bakit mo binaba ang linya? Batusin?"
Sabi sa akin ni Eliza."Eh nang-aasar lang iyon. Di ba bonding natin ito."
Sabi ko."By the way girl, nasabi mo na ba kay Pete yung pagsinta mo sa kanya?"
Tanong sa akin ni Eliza."Ha? Anong pagsinta?"
Sabi ko. Dinuro naman nya ang sentido ko."Wow! Napunta ka lang dito sa LA nagka amnesia ka na?"
Sabi sa akin ni Eliza."Aray ha! Syempre hindi ko pwedeng sabihin iyon, ano ka ba naman Eliza."
Sabi ko."Eh bakit naman? I mean kung sasabihin mo sa kanya iyang pagsinta mo ay hindi naman nya iyon bibigyan ng meaning. Ang dami na kayang nagconfess sa kanya."
Sabi sa akin ni Eliza."Wow ha! Parang kilalang kilala mo na si Pete ah?"
Sabi ko sa kanya."Haller? Isa po kaya ako sa palaging kasama nila sa set kapag gumagawa sila ng music video?"
Pang-iingit sa akin ni Eliza."Eh di ikaw na!"
Sabi ko with matching irap."Oo kaya aminin mo na iyan bago pa ako madulas sa kanya."
Sabi nya sa akin.
BINABASA MO ANG
Personal Assistant (Pete Wentz/Fall Out Boy Fanfic) [TAGALOG VERSION]
FanfictionPumunta si Ayesha sa Los Angeles California para doon makipagsapalaran ay mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya, pero nang makarating sya doon ay saka lang nya nalaman na illegal recruiter pala ang nagpasok sa kanya at matagal nang nagsara...