73: Remember Me

2.4K 64 0
                                    

(ELISA'S POV)

Nang makuha namin ang resulta ng MRI test ni Ayesha, sinabi ng doctor na okay naman daw test results nya at kailangan lang daw naming hintayin ang pagbalik ng alaala nya, huwang lang daw namin pipilitin dahil may mga pagkakataong bigla na lang sumasakit ang ulo nya.
Nagleave muna din ako sa trabaho ko para mabantayan sa ospital si Ayesha, hindi pa kasi ito pwedeng lumabas. Hininto naman ng Fall Out Boy sa world tour nila dahil na rin sa pakiusap ni Pete kay Tori na bantayan si Ayesha, katulad ko ay hindi rin nito iniwan ang kaibigan ko. Awang awa na din ako sa kanya dahil kahit anong gawin nya ay hindi nito maalala ni Ayesha.
Habang si Tori naman ay inaayos ang papeles para makapunta ang magulang ni Ayesha dito sa Amerika.
Ako ang kinakabahan kay Pete dahil nakita ito ng papa ni Ayesha ay paniguradong magagalit ito ng sobra. Nakwento na din sa akin ni Joe ang buong pangyayari, hindi ko maiwasang magalit sa kanya pero hindi ito ang tamang panahon para manisi sa nangyari.

**********

(AYESHA'S POV)

Halos ilang linggo na ako dito sa ospital at hindi pa din ako pwedeng lumabas kailangan daw imonitor ang kondisyon ko sabi ng doctor, gusto ko nang umuwi, kwinento na sa akin ni Elisa at ni Tori  kung paano ako napunta sa Amerika, kung paano ako naging personal assistant ng Fall Out Boy, pero sa lahat ng kwinento nila ay parang mayroong kulang, hindi ko alam kung ano. Napapansin kong parang may tinatago sila sa akin, lalo na si Pete, simula noong nagising ako ay lagi syang nakabantay sa akin, hindi sya umalis sa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit, tinanong ko si Elisa pero ang tangging sabi nya ay si Pete ang naging bestfriend ko simula noong  naging PA ako ng banda nila. Pero sa tuwing hinahawakan nya ang kamay ko ay parang higit pa doon ang nararamdaman nya sa akin. Noong pinilit ko ang sarili ko na maalala lahat at ikinasama iyon ng katawan ko.

  "Ayesha?"
Bahagyan akong nagulat nang kunin ni Elisa ang atensyon ko.

  "Huh? Bakit?"
Tanong ko. Nakatoon kasi ang atensyon ko sa tv, pero hindi naman nagsisink-in sa utak ko ang pinapanood ko.

  "Aalis muna kami girl, may pupuntahan lang kami ni Patrick."
Sabi ni Elisa sa akin, ngumiti ako at tumango sa kanya.

  "Okay, ingat kayo."
Sabi ko, bumaling naman ako kay Patrick na katabi ni Elisa.

  "Take care of Elisa."
Sabi ko sa kanya. Ngumiti sya sa akin.

  "Yes I will. Always."
Sabi nito sa akin. Kahit hindi ko maalala na naging kaibigan ko ito, pakiramdam ko ay napakabait nito at magaan ang loob ko dito.

  "Pete is already in the elevator, he will be here soon."
Sabi nya sa akin. Nang banggitin nya ang pangalan na iyon ay bigla akong kinabahan, pero hindi ko iyon pinahalata sa dalawa.
Pakiramdam ko ay ang bilis ng tibok ng puso ko.

  "Where's Andy and Joe by the way?"
Tanong ko sa kanila.

  "They're with Tori."
Sagot ni Patrick. Dahil ilang linggo na ako sa ospital ay nahihiya na din ako sa kanila dahil alam kong napakabusy nila, pero kinacel nila lahat ng gigs at tour nila para bantayan nila ako.
Hanggang ngayon ay wala ni isang alala ang bumabalik sa akin patungkol sa kanila. Gusto kong magalit sa sarili ko. Tinanong ko si Elisa kung bakit ako naospital, ang sabi nya ay patawid ako noon at hindi ko napansing may sasakyang paparating. Pero pakiramdam ko ay hindi iyon totoo, na nagsisinungaling lang sya sa akin.
Narinig kong bumukas na ang pintuan.
Hindi ko na kailangan hulaan kung sino ang dumating dahil alam ko kung sino iyon.

  "Pete! You're just in time man, me and Elisa will just go to somewhere important."
Narinig kong sabi ni Patrick.

  "Okay, leave Ayesha to me."
Sabi nito kay Patrick.
Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng ilang kay Pete kapag sya ang kasama ko sa kwarto at magbabantay sa akin.
Nagpaalam na sa akin sila Patrick at Elisa. Lumabas na sila ng kwarto, at naiwan na kaming dalawa ni Pete sa loob ng kwarto. Lumapit sya sa tabi ko at inayos ang kumot ko.

Personal Assistant (Pete Wentz/Fall Out Boy Fanfic) [TAGALOG VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon