Wala pang alas sais ay nagising na ako, alas otso kasi darating ang exclusive tour bus ng FOB. Naligo na ako at naglagay ng damit sa bag ko dahil alam kong medyo matatagalan na naman kami. Nang matapos ako ay bumaba na ako para makapag luto ng agahan. Nagluto ako ng fried rice na naging paborito ng apat, pati pancakes na din. Habang nagluluto ako ay ngumangata naman ako ng stick-o. Nagbrew na din ako ng kape. Dahil wala pa ding bumaba sa apat ay napagdesisyunan kong akyatin na sila. Una kong pinuntahan ang kwarto ni Patrick. Bukas naman iyon kaya pumasok na ako. Tulog na tulog ang kolokoy, nakaboxer lang sya at tshirt. Lumapit ako para gisingin sya.
"Hey Patrick, wakey wakey! You have appointments to do."
Sabi ko. Narinig kong umungol sya."Let me sleep."
"No! You have to wake up now!"
Sabi ko ulit, inalog alog ko naman sya para magising."Okay okay. I'm up now."
Sabi nya at dumilat na."Don't you dare go to sleep again."
Sabi ko. Lumabas na ako ng kwarto nya. Sunod kong pumunta sa kwarto ni Joe. Pagpasok ko ay sya namang kagigising lang nya."Hey Joe! Breakfast ready."
Sabi ko. Tumango lang sya.
Sunod naman kay Andy.
Pumasok ako sa kwarto nya.
Natisod pa ako sa isang dumbell na nakakalat doon."Potek! Sakit ha?!"
Hinilot-hilot ko ang paa ko. Nagising naman si Andy sa sigaw ko, dahil bigla itong bumangon at itinaas ang kamay."I'll surrender!"
Pupungas-pungas nyang sabi. Tawa naman ako ng tawa."Idiot! I'm not a cop! Wake up now!"
Sabi ko.
Lumabas na ako ng kwarto nya. Sakit talaga ng paa ko. Parang natanggal ata ang kuko ko. >_<
Last kong pinuntahan ang kwarto ni Pete. Pumasok ako. Pero parang gusto kong tumakbo palabas dahil nakaboxer lang naman sya. My virgin eyes!"Ano ito? Maagang agahan ko?"
Sabi ko. Lumapit ako sa kanya."Hey Pete! Wake up."
Sabi ko at inalog-alog ko sya. Pero wala pa din."Uy! Wake up na! Halikan kita dyan kapag hindi ka pa nagising!"
Sabi ko. Pero himbing pa din ang tulog nya. Tiningnan ko sya ng mariin."Hay! Nako Peter Wentz. Hindi ako makatulog kagabi kakaisip sayo. Alam mo ba yun?"
Sabi ko. Para akong tanga dahil kinakausap ko lang naman ang isang tulog.
Nilapit ko ang mukha ko sa kanya."Mukhang anghel ang kolokoy."
Mahinang sabi ko pinagmamasdan sya. Nagulat naman ako nang biglang may magsalita."What are you doing Ayi?"
Nakadungaw pala si Andy sa pinto. Nilayo ko kaagad ang mukha ko. Shucks! Huli sa akto! Galawan mo Ayi!"I'm trying to wake him up."
Sabi ko."With a kiss?"
Pang-aasar ni Andy."What?! No!"
Kontra ko. Haller? Kiss daw oh?"Okay, whatever."
Sabi nya at umalis na sa pinto.
Dahil ayaw magising ni Pete ay may naisip akong paraan."ONE NIGHT AND A ONE MORE TIME! THANKS FOR THE MEMORIES, EVEN THOUGH THEY WEREN'T SO GREAT HE TASTES LIKE YOU ONLY SWEETER!!!"
Kanta ko with matching head bang pa."What the fvck!"
Napabalikwas si Pete sa higaan. Tumigil naman na ako."Wake up now."
Sabi ko. Pero nagulat ako nang biglang may dalawang kamay na yumakap sa akin at inihiga ako sa kama."PETER! GET OFF ME NOW!"
Sigaw ko habang nagpupumiglas. Pero lalong humigpit ang pagkakayakap nya."No! You disturbed me!"
Sabi nya. Nagpupumilit akong kumawala pero ayaw nya akong pakawalan. Dahil sa ginawa nya ay parang bumalik lahat ng alaala noong gabing muntik akong babuyin. May kumawala nang luha sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Personal Assistant (Pete Wentz/Fall Out Boy Fanfic) [TAGALOG VERSION]
FanfictionPumunta si Ayesha sa Los Angeles California para doon makipagsapalaran ay mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya, pero nang makarating sya doon ay saka lang nya nalaman na illegal recruiter pala ang nagpasok sa kanya at matagal nang nagsara...