:CHAPTER SEVEN:

112 4 2
                                    

Dedicated to @IamSushiella

:CHAPTER SEVEN:

Pagpasok na pagpasok ni Megan sa auction  hall ay rinig niya agad ang ingay ng mga tao. She smirk. So mabenta nga siya. Nagtungo si Megan sa backstage kung saan nagaayos na yung mga kaibigan niya.

“You’re late.” Puna agad ni Sunshine

“Maaga pa.” Sabi ni Megan.

“Yeah, maaga pa para bukas.” Singit ni Audrey.

Nagtawanan naman silang lahat.

She rolled her eyes. “Hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa niyo sakin nung nakaraang araw.”

Bigla naman sila natahimik.

“Tara magayos na lang tayo.” Pagiiba ng usapan ni Althea.

Naglakad sila palayo kay Megan. “I-op daw ba ako.” Sigaw niya. Pero wala na sila. Pumalatak siya.

"Ladies-- Oops. I mean Gentelmen only. This is it . Ano kaya uunahin natin? Auction o Raffle?" Sambit ni Megan. Siya ang naassign bilang speaker.

"Raffle." Sigaw naman ng maraming tao.

She laugh. "Okay then. Raffle. Ladies."

Mula sa likod ay inilabas ng mga kasamahan niya ang lalagyan ng mga raffles. Yung pinaglalagyan ng bingo balls pagmaypabingo sa barangay. Basta yun na yun.

"Sino gusto bumunot?" Tanong niya sa mga tao.

Nagtaasan naman ng mga kamay ang mga tao.

Tinignan ni Megan ang mga kamay na nakataas. Halos naman sila ay nakataas ang kamay maliban sa isa. "Ikaw." Turo niya sa lalaking hindi nakataas ang kamay. "Ikaw na lang ang bumunot." Sabi niya.

Tumayo naman agad ito at pumunta sa stage.

"What's your name mister?" Tanong ni Megan.

"Saturn." Walang ganang sabi nito.

Napa oooh... silang lahat.

"Sa pluto ka ba galing?" Sabi naman ni Sunshine.

"Bakit?" Wala pa ring ganang sagot nito.

"Wala lang. Ang cold mo kasi."

Nagtawanan naman ang mga tao kahit na ang corny ng joke ni Sunshine.

"Sunshine huwag mo naman takutin." Saway ni Megan. Sumenyas si Megan na iikot na yung lalagyan ng raffle tickets.

Agad naman nila iniikot yun ng huminto na ay bumunot naman yung lalaki na Saturn daw ang pangalan.

Kinuha ni Megan yung ticket. "Ang premyo ay si Sunshine." Sabi niya. "2145" Sabi niya.

"Yes, Ticket number ko yun." Sigaw naman ng isang lalaking nerd.

Nakita ni Megan na napangiwi si Sunshine. Natawa naman siya. Ibinigay naman ni Nerd ang ticket niya sa kanya. 2145 nga ticket nito. Agad naman ito lumapit kay Sunshine at si Sunshine hayun nagtatatakbo. Natawa na lang ang lahat.

"Next." Sabi niya.

"Ako pa rin ba ang bubunot?" Walang ganang tanong ni Saturn.

Tumango siya.

Iniikot na ulit ng mga kasamahan niya ang lalagyan ng raffle tickets. Bumunot ulit si Saturn ang lalaking walang kagana gana bumunot.

Kinuha ulit ni Megan yung ticket sa kanya. "Ang next na prize ay si Audrey." Sabi niya ulit bago basahin yung ticket number. "2365"

MEGAN CASTRO - THE GODDESS ANGEL (FINISHED/ COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon