:CHAPTER THIRTEEN:

49 2 0
                                    

Naglalakad si Megan sa hall way habang nakatingin sa kanya ang lahat ng tao sa school ground. Hindi dahil sa nagagandahan ito sa kanya o kaya ay naakit at kinatatakutan siya dahil sa pinandidirihan siya ng mga tao sa paligid niya. Limang araw na ang nakakalipas pero hindi pa rin napapatay ang issue about dun sa picture na ikinalat ni Francis. Alam niya na hindi siya yun at hinding hindi niya gagawin yun. Limang araw na din na binubusisi ng photo expert yung picture na hinandel ni Francis kay Yuri sa unang angulo ay sinabi nito na totoo yung kuha na picture pero hindi naniwala si Yuri at naghanap pa ng maraming copy at isinuri ulit pero tulad ng una. Sinabi nito na totoo yung kuha na picture.

"Kadiri naman. Ganyan na ba siya ka cheap? Hindi na nasiyahan sa isa kaya naghanap pa ng isa." May pandidiri sa boses na sabi ng isa.

"Baka naman future pokpok yan ah."

Nagtawanan naman yung mga babae sa isang sulok.

Mamaya maya ay may lumapit sa kanya isang lalaki. Hinawakan nito ang kamay niya. "Miss magkano ka ba? One night stand naman tayo." Yaya nito sa kanya.

Ipiniksi niya ang kamay nito sa kanya pero hindi ito nagpapigil.

"Ikaw naman huwag ka na mahiya masisiyahan ka naman eh." Sabi naman ng kasama nito.

Nagtawanan lang ang lahat ng tao sa kanya. Pumikit siya ng mariin habang ipinipiksi ang kamay nito. Maya maya ay nawala na yung pagkakahawak sa kanya. Dumilat siya at nakita niyang nakalumpasay na yung dalawa.

"Pwede ba huwag na niyo siya pakialaman."

Nagulat si Megan. Hindi boses ni Yuri ang narinig niya. Tiningala niya ito. Francis? Usal niya sa isip niya pero hindi naman boses ni Francis ang narinig niya. Agad naman nagflashback yung nangyaring bangaan na naganap ilang buwan na ang nakakaraan. Franco.

"Huwag mo nga siya ipagtangol Nathaniel."

Tinignan ni Megan yung isa pangnagsalita. It was Francis.

Nanlilisik na nilapitan ni Franco si Francis. "Don't call me Nathaniel, Nathaniel at pwede ba lubayan mo na siya. I know how dirty you work at kaya kong sabayan ang larong sinimulan mo."

Ngumisi lang ito.

Tinalikuran na siya ni Franco. Lumapit ito kay Megan at hinila si Megan palayo sa mga ito.

"My gosh hindi lang pala dalawa ang karelasyon niya. Tatlo." Sigaw ng isang babaeng matinis ang boses.

"Eewww... How cheap she is."

Nakarating sila sa isang room na mukhang hunted na. Pumasok sila sa loob.

"A-anong gagawin natin dito?" Nanginginig na sabi niya.

"Basta."

Tumili ng malakas si Megan. "No!"

Pero hinatak siya nito sa loob.

Dumilat si Megan ng narinig niya ang ingay mula sa loob.

"Hindi si Angel yan kamukha siya ni Vanessa." Boses ni Sunshine.

"Yeah, Yung school bitch na tinangihan ni Angel na makapasok sa club natin." Boses naman ni Althea.

"At eew... hindi kaya ni Angel yan noh kadiri kaya." Boses naman ni Audrey.

Nakapasok na sila sa silid kung saan nagkakagulo ang mga ito. Agad naman siya niyakap ng mga ito.

"Angel okay ka lang?" Tanong si Sunshine.

"Mukha ba siyang okay?" Tanong naman ni Audrey.

"Malay mo naman diba? Nagbago agad yung mood." Paliwanag ni Sunshine.

MEGAN CASTRO - THE GODDESS ANGEL (FINISHED/ COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon