Sinikap ni Megan na iwasan si Yuri pero ang hinayupak eh lapit ng lapit sa kanya. Gusto niya sanang bulyawan ito at sabihing. 'Ano ba may asawa't anak ka na lumalandi ka pa.' Umiinit na ang dugo niya para dito. Hindi ba ito nakokontento sa isa kaya naghahanap ng iba pa? The nerve.
Gabi na at halos lahat ay nasa tent na pero siya ay mas pinili na nasa labas na muna ng tent nila. Ayaw niya muna makita si Yuri at ang mga kagaguhan nito. Last camping nanaman niya iyon dahil last year na rin naman din niya iyon. *Nasabi ko na bang 4rt year sila? (Ulyanin mode) xD* Bumuntong hininga siya.
"Dito na lang kaya ako matulog sa labas." Sabi ni Megan sa sarili niya.
"Malamig dito. Sa tent ka na lang matulog." Unknown.
Tiningala ni Megan ang nagsalita. Laking gulat niya ng makita niya si Francis.... Err
Franco? Medyo lito pa siya sa dalawa kasi mukha naman itong magkambal. "Franco?" She said.
"Francis." Sabay ngisi.
Nagfacepalm siya.
"Oh c'mon Mei-Mei forget the past and see the future." Litanya nito.
Facepalm pa rin ang isinagot niya dito.
"Hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit ako nandito?"
"Pakialam ko." Sabi niya sabay tayo at iniwan na ito. 'Bwisit.'
"I told you men dapat hindi niyo na ginawa iyon eh." Litanya ni Yuri kay Franco.
Oh yeah magkakilala ang dalawa este tatlo dahil magpipinsan sila. Magkapatid ang mga nanay nila.
"Masarap mangulo sa buhay ng may buhay lalo na paglove life." Franco.
Tinignan ng masama ni Yuri si Franco.
"Relax magkakaayos din kayo. Kung sasabihin ni Mei mei yung nakita namin dati." He smirk.
"Don't call her Mei-Mei.... and anong nakita ninyo dati?"
Sumipol lang ito.
Hinaklit ni Yuri ang polong suot nito. "Ano nga?"
"Woooh... Relax mamen malalaman niya din yung totoo."
"Bwisit talaga kayong dalawa."
Ngumisi lang ito.
"Ano ba kasi ginagawa niyo dito hindi naman kayo nakalipat ng school."
"We own this place dude. Don't yah remember?"
"Ewan ko sa inyo."
Humagalpak lang ito ng halakhak.
'Makaalis na nga.' Sabi ni Yuri sa isip niya sabay alis.
(A/N; yosh matatapos na ATA ito. xD)
Nasa malayong lugar na si Megan. Joke. Nasa kabilang parte lang siya pero tanaw pa naman niya yung mga tent. Ayaw niya kasi makita ang pagmumukha ni Francis. Naupo siya sa isa sa mga benches dun. May benches pala dun hindi niya alam paupo upo pa siya sa lupa dun sa kabila meron naman pala ditong mauupuan. -_____-
Tinignan niya ang suot niyang relo. Alas nuebe na ng gabi at wala pa siyang balak na bumalik sa tent.
"Gabi na ah ano pa ginagawa mo dito?"
Tiningala nanaman ni Megan ang nagsalita. Si Francis ba ito o si Franco?
"Makatingin ka naman ng masama Megan. Hindi na ba tayo friends?"
"Anong ginagawa mo dito?"
"We own this place."
Tumango lang si Megan at hindi na ito pinansin.
"Nga pala hinahanap ka ni Yuri."
Tinignan lang si Megan si Franco pero hindi sumagot.
Nagkibit balikat lang ito parang nagkakaitindihan sila sa sign language nila. muntanga lang.
"Alis na ako." Paalam ni Megan. Tumayo na siya at naglakad palayo.
Pinuntahan ni Yuri kung saan nalalagi si Megan pero ang nakita niya ay si Francis. Nilapitan niya ito. Tiningala naman siya nito. Ngumisi pa ito ng nakakaloko sa kanya. 'Badtrip pinaglalaruan pa ata ako ng mga ito.' Sabi ni Yuri sa isip niya.
"Si Mei?"
Nagkibit balikat lang ito.
"Si Mei?" Ulit niya.
Ulit. Nagkibit balikat lang ito.
Napabuntong hininga siya.
"Alam mo dude dapat matagal mo ng sinabi yung past niyo." Pagsasadula kuno nito. "Alam mo ba na matagal na niyang hinahanap yung kababatang ewan niya." Ngumisi ito.
"Peste kayong dalawa. Huwag niyo sabihin na Mei ang tawag ninyong dalawa sa kanya?"
Tumango ito.
Dali-dali niya itong tinadyakan pero nakaiwas ito.
"Ikaw naman kasi kung sinabi mo na noon pa hindi na sana kayo nahihirapan ngayon lalo't pa meron siyang nakita na dahilan niya para...." Hindi nito itinuloy ang sasabihin nito na halatang ibinitin sa kawalan.
"Para ano?" Tanong niya.
Nagkibit balikat lang ito.
-__- Ang mga hinayupak talaga pagtinamaas ng lintik hindi magsasalita. "Si Mei?" Tanong niya ulit.
"Na sakabilang panig ng field." Sabi nito sa wakas. "Maraming ahas dun."
"Walang ahas dito." Sabi niya. "Nalibot na namin ito kanina."
"Sa gabi meron forest pa naman yung sa kabilang pa...." Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil nakita niyang tumakbo na palayo ang pinsan niya. "...nig. Bastos yun ah nagsasalita pa ako eh." Sabi nito sabay palatak.
"Megan!" Sigaw ni Yuri ng maabot na niya ang kabilang panig ng field. Totoo nga forest trail na ang banda doon pero may mga ilaw naman sa gilid. 'Badtrip yun ah.' "Megan!" Sigaw niya ulit. Maya maya pa ay nakita niya si Francis na tumatakbo papalapit sa kanya.
"Yuri si Megan nakagat ng ahas." sabi nito pagkalapit ng pagkalapit pa lang.
"Ano? Tapos iniwan mo siya don?" Hasik niya.
"Nagmamatigas kasi eh."
"Saan ba?"
"Diretsyo ka lang diyan makikita mo siya sa dulo." Sabi nito.
Tinakbo naman ni Yuri ang tinuturo nito.
"Megan!!"
Napatingin si Megan sa sumisigaw. Si Yuri ba yun? Pero hindi naman niya nakikita kung nasan ito. Hindi na niya makita ang dinadaanan niya dahil sa madilim na at nawala pa siya sa trail. Tyaka..... Bakit ang daming trail dito? Kabwisit ah.
"Megan!"
Napabuntong hininga si Megan. Bakit ba kasi lapit ng lapit ang mokong na ito hindi ba nito alam na nahihirapan na siya. Ganun na siya kaCheap. Naupo na lang siya sa lapag. Bahala na nga naliligaw na naman siya bukas na lang niya hahanapin yung daan papuntang field.
"Megan!"
'Leste manahimik ka at matutulog na ako.' Gusto niyang isigaw pero nagaalala siyang makita siya nito kaya mas minainam na lang niya na manahimik at pumikit. Maya maya pa ay nawala na ang ulirat niya sa mundo at tinangay na siya sa mundo ng panaginip.
BINABASA MO ANG
MEGAN CASTRO - THE GODDESS ANGEL (FINISHED/ COMPLETED)
Novela JuvenilMeet Megan Castro a Naughty girl who owns the School. Castro University. This is the First book of Maldita Trilogy. Sabi nga niya hindi siya maiinlove. Sila dapat ang mainlove. Magagawa niya kaya ito kung una na bumigay ang puso niya?